Chapter 18 - Friend

4.3K 89 11
                                    

Hindi ko na sila pinansin at nagsimula nang kumain.

" James! Say Ah" Sabi ni Scarlet habang itinatapat ang kutsara na may pagkain sa tapat ng bibig ni James. Tinignan niya naman yun saka siya napatingin sakin. Nang mag tagpo ang mga mata namin ay inirapan ko siya.


" Sige na please" Pamimilit ni Scarlet kay James habang naka nguso pa. Gosh! Utang na loob kumakain kami.

Tumingin ulit sakin si James bago niya tanggapin ang ipinasusubo ni Scarlet. Nag iwas ulit ako ng tingin at itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain ko.


" Yehey! Isa pa James "

Hindi ko na lang sila pinansin sa halip itinuon ko ang kosentrasyon ko sa pagkain ko. Nang may biglang may nag abot sakin ng isang ice cream sa harap ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Ian na nakangisi.

" You want some ice cream? , tanong niya habang nakangiti. Ngumiti ako at tumango. Kinuha ko kaagad ang ice cream at kinain. At Napansin ko na lahat sila nakatingin sakin. Ano bang problema nila? Ayaw kong may nakatingin sakin habang kumakain ako kaya dahil sa inis ko.

" What? " Iritado kong tanong sa kanila.

Tumawa naman si Scarlet na may halong pang aasar. Bwiset ano bang problema niya?

" Is it your first time to eat a ice cream?. Haha. Poor " Sakrastikong tanong ni Scarlet. Nahagip ko pa ang kamay niya na nakapuloput sa braso ni James. Agad nag init ang ulo ko.


Magsasalita na sana ako ng may biglang naramdaman ako sa gilid ng labi ko kaya nabigla ako. At nakita ko si Aldrich na pinunanasan niya pala ang gilid ng labi ko na may ice cream.


" Ang cute mong kumain " Sabi Aldrich. Nara daman ko ang pagiinit ng mukha ko. Omaygod! Naramdaman kong biglang tumayo si James

" Omg! James where are you going?" Tanong ni Scarlet pero hindi iyon pinansin ni James sa halip ay nag lakad siya pero hindi ko inaasahan na biglang paghablot niya sakin at ang pagkaladkad niya sakin.Umangal na sana sina Aldrich at Ian ng sumigaw si James.


" Back Off! " Sigaw ni James at pinatuloy ang pagkaladkad niya sakin. Ang higpit ng hawak niya sa braso ko na parang ayaw niya akong pakawalan.


" Hoy James ano bang problema mo na? Bitawan mo nga ako " Sigaw ko. Pero hindi iyon pinansin ni James at patuloy parin ang pagkalakad niya sakin.

At nang makarating kami sa parking area ng school ay bigla niya akong binitawan.

" Hoy ano bang problema mo James ha? Tsaka bakit bigla bigla kang nanghihila ha? Pagkatapos mo akong iwan sa Jollibee kahapon tas ito ngayon kinakaladkad mo na ako? Great. Just great James. Bwesit ka talaga alam mo yun? " Sigaw ko. Na frufrustate na talaga ako sa lalaking ito. Minsan hindi ko maintindihan ang ugali niya. Pabago pabago.

" Sorry "


" Wow! " Hindi ko makapaniwalang sabi.

" Grabi yan lang ba ang gusto mong sabihin?Sorry ? Yun lang yun James? Ano ba! Nakakaini----"

" Sorry na kasi! Sorry kasi iniwan kita. Sorry dahil nakalimutan kita! K-kasi may importante kasi akong kailangan gawin noon " Sigaw ni James

Importante? Ganun ba kaimportante ang bruha na Scarlet na yun? Yung paghalik ba ang importanteng nilang kailangan gawin. Shit.


" Bat ka naninigaw ha! " Sigaw ko din.


" Ikaw kasi ang slow mo! Sabing sorry nga di ba? " Sigaw niya. Aba aba hindi naman akong binge ah?

" So ako pa ang mali? So ako pa ha? " Sigaw ko ulit sa kanya.

" Sorry na kasi " Frustrated na sigaw niya dahil sa sobra kong ingay.


" Oo na! Pinapatawad na kita! " Sabi ko. Siguro nga hindi tutuo ang hinala ko. siguro nga wala talaga silang relasyon. Siguro nga sadyang tanga lang talaga ako.

" Talaga? Pinapatawad mo na ako? " Sumilay ang napakalaking ngiti sa labi ni James. God. Nagkakasala na ako dito eh. Bat ang gwapo ng bwesit na James na to?


" Oo na nga! Pinapatawad na kita kahit ang pangit mo! " Pang aasar ko sa kanya. Bigla naman nagbago ang expresyon niya at bigla siyanb ngumuso.

" Ang gwapo ko kaya" Sabi niya habang kinindatan ako. Ang feeling niya grabe.


" Mahangin " Sambit ko.

Bigla niya akong inakbayan na ikinagulat ko. Damn. Ang lapit niya.

" Gwapo naman " Sabi ni James at tumingin sakin napatingin ako sa kanya. Nagulat naman ako sa sobrang lapit ng mukha namin kaya agad ko siyang itinulak.

Binasag ko ang namumuong katahimikan namin dalawa.


" Ah James? " Panimula ko.

Napatingin siya sakin.


" James napansin ko lang ang lapit niyo sa isa't isa ni Scarlet. Kaano ano ba siya? " Tanong ko na ikinatigil niya sa paglalakad. Huwag kang magsinangaling James please!

" She's just a common friend of mine " Sabi niya. Na ikinabunutan ko ng tinik. May parte ng puso ko na may sumaya.


Tumango lang ako at ningitian siya. At sabay kaming tumakbo pabalik.


I hope James that I can trust you.


----------------------Back Off Inday Is Mine------------------

Sino maka IanDay( Ian and Inday) ? Dito?

Sino maka InRich ( Inday and Aldrich ) Dito ?

Sino maka JamIn ( James and Inday ) Dito ?

Author's Note: Omaygosh Omaygash! Thank you po sa lahat nang nagcocomment at nagvovote. I really Appreciate all your effort. Especially to those Solid readers Kahit Silent or Noisy Readers Kaman THANK YOU Talaga :**" THANK YOU ANG GOD BLESS YOU!!!

Add nyo si Inday : Isha Nhice Denise Abigail Yna Ford

Add nyo si Scarlet : Scarlet Clitche

PS: I need more OP Please Pm me :<<<

For More Update Just VOTE, COMMENT, And BE FOLLOWERS :**

-HannahJusthine

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon