B2: Chapter 16

1.5K 34 1
                                    

Chapter 16 - Asshole

Sinundan ni Angelou nang tingin ang dalawa habang papalabas ng coffee shop.

"I think siya nga 'yung sinasabi ni Miguel na girlfriend niya." Saad ni Angelou habang nakatingin sa dalawa na nakasakay na sa kotse ni James.

Nagsibalikat lamang ako dahil wala naman akong pake sa kanila.

"Akala ko nga, ikaw yung gusto ni Sir..." Biglang saad ni Angelou kaya napatingin ako sa kanya. Umiwas siya ng tingin saakin.

"Kasi the way he looked at you, the way he acts around you. Parang may something kaya nga kung hindi ko alam na boyfriend ka na mapaghihinalaan ko na may something sa inyo" Paliwanag niya. Bumutong hininga ko. It's just that...

"Tara na! Marami pa tayong tatapusin." Naunang tumayo si Angelou kaya sumunod na ako. Bumalik muli kami sa kompanya.

Ipinagpatuloy namin kanina ang mga trabaho na aming iniwan. Pasalamat nga kami at hindi kami napagalitan. Habang abala ako sa pag eencode ng mga report ay naagaw ang atensyon ko sa dalawang taong naglalakad patungo sa direksyon ko.

Ang kanyang mahabang buhok ay parang sumasayaw kada kilos niya. Binabati niya pabalik ang mga bumabati sa kanila. Habang ang lalaki na nasa tabi niya ay diretso lamang ang tingin.

"Good morning Sir James" Naunang bumati si Angelou nang nasa harap na namin sila. Tumayo na rin ako para bumati.

"Good morning" Walang emosyon kong saad. Nakatingin ako sa kamay na hanggang ngayon ay mat bandage pa. Nilagpasan niya kami at nagtungo sa opisina nang aming department.

"Oh? Hi! Dito ka pala nagtratrabaho? Salamat pala kanina" Napatingin ako sa babaeng nasa harao ko. Ang kanyang porselanang kutis ay tumitingkad dahil sa suot niyang kulay pink na damit.

"Welcome" I tried to genuinely smiled pero ang kinalabasan nun ang pekeng ngiti. Hindi niya naman iyon napansin.

"Sige susundan ko muna siya. See you around" Muli siyang ngumiti at muli ko nasilayan ang malalim niyang dimple sa gilid nang kanyang pisnge.

Lumapit si Angelou saakin at bumulong.

"Wanna bet? Girlfriend niya 'yung babae? Kasi simula nung nalipat siya dito ay wala pa siyang dinadala na babae" Bulong ni Angelou. Umiling lamang ako at nagpatuloy sa mga trabaho ko.

Napakamot lamang si Angelou sa kanyang ulo at bumalik sa desk niya. Napahinto ako sa ginagawa ko at muling napatingin sa pinto na pinasukan nila.

"Asshole" Bulong ko.

Gabi na at tapos na ako sa aking mga trabaho sa araw na 'to. Tinext ko si Ian upang masundo na niya ako.

"Nice! Una na ako ha? Bye!See you tomorrow! Ingat ka!" Pagpapaalam ni Angelou.

"Sige ikaw rin" Sagot ko. Tinignan ko ang relo ko. 7:35 PM na at kumakalam na ang tiyan ko. Nakarinig ako ng tawa mula sa likod ko kaya napatingin ako sa pinanggagalingan ng tawa.

"James! Gutom na ako! Kain na tayo ng Ice cream at cake!" Rinig kong sabi nung babae kanina. Tumawa si James habang nakatingin doon sa babae. Hindi ko maiwasan hindi mapasinghap. What an asshole!

"What? Ice cream and cake for dinner?" Tanong ni James dun sa babae.

"Bakit? Ipinagbabawal na ba ng gobyerno ang Ice cream at cake sa haponan ha?" Pagmamaktol 'nun babae. Tumawa si James dahil doon. Hindi ko maiwasan hindi mapairap.

Nagulat nalang ako nang magtagpo ang mata namin nung babae.

"Hi!" Agad siyang lumapit saakin. Bumaling si James saakin at nagtagpo ang mata namin. Nawala kaagad ang mga ngisi niya sa kanyang mga labi.

"Nandito ka pa? May susundo sayo?" Saad nunh babae saakin.

"A-ah Oo. Malapit na 'yun" Saad ko. Shit!

"Ay teka! Hindi mo pa pala ako kilala no?" Tumawa siya at ang malalim na dimple ay nakabalandara ulit.

"I'm Shaneize but you can call me, Shane." Pagpapakilala niya. Taintim lamang na nagmamasid si James sa aming dalawa.

"I'm Nice" Pagpapakilala ko rin.

"Oh?..So nice meeting you, Nice" Saad niya. Tumawa siya at hindi ko alam kong tatawa ba ako o hindi. It's not even funny why I would laugh?

"Let's get along with each other! Lalong lalo na dito na ako magtratrabaho" Saad niya. Nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko iyon pinahalata.

"Thanks to James! Tinulongan niya ako makahanap ng trabaho" Tumingin siya kay James at ngumiti. Nagkatingin siya at agad akong umiwas ng tingin.

Nakarinig ako nang tunog ng kotse kaya agad akong napatingin doon. Bumaba si Ian doon at lumapit saakin.

"So...his your boyfriend?" Tanong ni Shane.

"Yep! Sige Shane una na kami." Pagpapaalam ko. Nagkatinginan kami ni James

"Sir una na kami" Saad ko. Pinagbuksan ako ni Ian ng pinto at umikot din siya upang sumasakay sa driver seat.

"Girlfriend niya?" Tanong ni Ian habang nagmamaneho papauwi.

"Ewan" Saad ko habang diretsong nakatingin sa kalsada. Asshole!





Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon