B2: Epilogue

4.9K 76 7
                                        

Epilogue

"Miss yung dibdib mo flat" Saad ko saka tumalikod. Hindi ko mapigilang hindi mapangisi dahil sa binitawan kong salita. Her face is priceless! Nang nakalakad na ako ng malayo layo sa kanya ay huminto ako upang lingunin ang babaeng iyon. She's now flipping her hair to the people around her. She's crazy.

Nakatayo ako sa maraming bisita ngayon at hindi ko mapigilang kabahan. I'm standing in front of the altar waiting for my bride to be. I can't even hide my excitement. Everything are so perfect from the red carpet to blue crystal decoration and pink roses. Today, I'm going to marry the most beautiful woman in the world.

Lumapit saakin si Jayden at may ibunulong siya. Parang huminto ang takbo ng mundo ko.

"Inday runaway, James. Ginamit n'ya ang sasakyan ko. Hinahanap na siya nila Daddy ngayon." Bulong saakin ni Jayden. Hindi ako makapaniwala sa naging saad niya. Agad kong akong tumakbo papalabas ng simbahan upang hanapin si Inday. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko pag may nang ari sa kanya na masama. Narinig ko ang sigaw ni Jayden sa loob ngunit hindi ko iyon pinansin. Naghanap ako ng sasakyan upang gagamitin ko sa paghahanap sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa upang tawagan siya ngunit hindi ko siya ma-contact

"Bullshit!" I shouted out of frustration. Nang makita ko ang motor ng isa kong kakilala ay agad ko iyong nilapitan.

"Oy! James? Congrats pare.." Nahinto siya pagbati saakin ng magsalita ako.

"Pahiram ng motor mo Clark!" Daling saad ko. Kumunot ang noo niya. Agad ko siyang sinunggaban at hinanap ang susi ng motor sa bulsa niya.

"Anong problema mo pare?" Sigaw ni Clark. Ngunit di ko iyon pinansin dahil nahanap ko na ang susi sa bulsa ng tuxedo niya. Agaran akong lumapit sa motor at sumakay.

"Anong ginagawa mo James!" Galit na sigaw ni Clark.

"Pasensya na" Tanging saad ko at pinaharurot ang motor. Ang maalikabok na kalsada ang bumungad saakin. Hindi ko alam ngunit nangingig ang kamay ko. You can't do this to me Inday.

Nakita ko ang redlight sa traffic sign ngunit hindi parin ako huminto sa kagustohang mahanap at maabotan ko pa si Inday. Umalingawngaw ang iba't ibang busina ng sasakyan. Hanggang nagulat nalang ako ng tumilapon ako sa ere.

"James! For God's sake!" Sigaw ni Mama ng madatnan ako sa ospital na ginagamot ng mga nurse. Gustohin ko mang tumayo ngunit hindi ko kaya dahil sa natamo kong galos sa aking magkabilang binti.

Agarang lumapit saakin si Mama at Papa.

"Ma, si Inday?" Agad kong tanong sakanila ng makalapit na sila saakin. Ngunit ni isa sa kanila ay walang sumagot.

"What the fuck?" Galit na sigaw ko at agad kong tinapon ang mga lalagyan ng mga gamot ko. Lumayo agad ang nurse kaya pinaalis muna siya ni Mama.

"Ano bang nangyayari? Bakit siya umalis? Ma! Pa!" Galit na sigaw ko sa kanila. Lumapit saakin si Mama at akmang hahawakan niya ang kamay ko ngunit agaran ko iyon iniwakli.

"James!" Maowtoridad na saad ni Papa. Ngunit pinakalma siya ni Mama.

"What's fucking happening?" Hindi mapigilang hindi magalit dahil hindi ko naiintindihan ang lahat.

"Hijo..." Tinignan ako sa mata ni Mama.

"This setup, planado namin lahat kasama na ang pamilya ni Inday. Mula sa pagpapanggap ni Anisthesia na may sakit siya pati na ang pagtira ninyo sa iisang bubong. Pinlano namin ang lahat ng ito James. And Inday found out. Nalaman niya ang lahat. Nalaman niya na nagpapanggap lang ang kanyang Ina na may sakit at parang pakiramdaman niya pinagkakaisahan namin siya, kayo. I'm so sorry James! Na nakipagsabwatan kami sa kanila dahil pareho lang naman kami ng gusto nila Anisthesia eh. Na magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. We are really sorry James." Pagpapaliwanag ni Mama saakin. Parang hindi nagsink in saakin lahat ang buong saad ni Mama.
Aaminin ko, nakaramdam ako na parang may mali ngunit hindi ko inaakala na totoo pala talaga lahat ng hinala ko.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon