Chapter 4 - Lost
Masaya akong naghahanda ng pagkain sa lamesa. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng makita ko ang maayos na pagkakahilera na pagkain sa lamesa. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto at lumabas doon si Ian na kinukusot pa ang kanyang mga mata.
"Good morning damulag!" Bati ko sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at ngumisi siya.
"Good morning baby!" Bati niya. Umiba naman ang timpla ng mukha ko.
"Baby ka dyan!" Angil ko. Agad naman siyang lumapit saakin at niyakap ako mula sa likod. Pinatong niya ang ulo niya balikat ko. Naramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko.
"Ang baho mo" Bulong niya sa tenga ko. Tinampal ko naman siya at hinarap. Tumawa naman siya naging reaksyon ko.
"Yung bunganga mo!" Pasarin ko at tumawa naman siya. Niyakap niya naman ako ulit.
"Joke lang, 'di ka naman mabiro eh" Sambit niya.
"Kumain ka nga" Sambit ko at binalikan ang mga hinanda ko. Umupo siya at nakapalumbabang nakatingin saakin.
"Ilang itlog at hotdog na naman ang sinayang mo?" Tanong niya. Ningiwian ko lang siya. Nilapag ko ang pagkain sa harap niya. Nakapameywang ko siyang tinitignan at hinihintay ang magiging reaksyon niya.
"Aba, hindi na sunog ha!" Puri niya. Tumaas naman ang kilay ko at hindi ko mapigilang 'di mapangiti.
Umupo ako sa harap ng upuan niya at sinimulan niyang tikman ang luto ko.
Una niyang tikman ang sunny side up at kasunod 'yung hotdog, hinintay ko ang magiging reaksyon niya ngunit ngumiti lang siya at nag thumbs up!
"Masarap ba?" Tanong ko sa kanya habang sunodsunod ang subo niya. Tumango lamang siya at nag thumbs up. Success!
Pagkatapos niyang kumain ay tumayo na siya dahil may trabaho pa siyang aatupaggin.
"Alis ka na?" Tanong ko sa kanya nang lumabas na siya sa kwarto na bihis na bihis na. Habang ako kay nagsimula nang maghugas.
"Oo, mamaya 'yung interview mo di ba?" Tanong niya saakin habang inaayos ang necktie niya. Tumigil ako sa paghugas at ipinahid ang basa kong kamay sa apron na suot ko. Dalidali akong lumapit sa kanya. At ako na mismo ang nag ayos ng necktie para sa kanya.
"Oo, mga ala una ng hapon. Kinakabahan nga ako eh" Saad ko. Sa loob kasi ng tatlong taon tinulungan ako ni Ian na muling mag aral muli. Nagsuggest pa siya ng fashion design ngunit mas gusto ko ang interior design. Nakatapos ako 'nun nakaraan buwan lang kaya ito ako ngayon naghahanap ng trabaho.
"You can do it, Nice. Ikaw pa!" Sambit niya. Idinampi niya ang kanyang labi saaking noo. I feel secured on his arms.
"Gotta go! Bye!" Pagpapaalam niya at nag flying kiss pa saka ngumisi.
"Umalis ka na! Shoo!" Saad ko. Ngumisi lang siya at isinara ang pinto. Naglakad ako papunta sa kusina at kinuha ang natitira pang pagkain sa mesa. Tinikman ko 'yun at halos iluwa ko ang mga ito. Ang alat ng itlog at hilaw pa masyado ang hotdog. Yung Ian na talagang 'yun! Hindi ko mapigilang di ngumiti habang naghuhugas.
Inaayos ko ang maikli 'kong buhok habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Naglagay ako ng kaonting lipstick sa aking labi. Inayos ko ang corporate attire ko at huminga ng malalim. Pinilit kong ngumiti sa repleksyon ko at nang makontento na ako ay agad na akong umalis.
Pumara akong jeep at sumakay. Tinignan ko ang relo ko at alas 12:46 na. Bumaba ako sa isang building na pagdadausan ng job interview. Pumasok ako sa loob ng hall at nakita ko madaming taong na pareho naghahanap ng trabaho. Lumapit ako sa isang babaeng assistance sa interview.
"Ano pong pangalan Ma'am?" Maligayang tanong ng babae.
"Nice Caileigh Velasco" Maligaya ko ding sagot. Tinignan niya ang nasa monitor niya. Tumingin siya muli saakin kaya ngumiti naman ako. May tinawagan siya sa kanyang telepono kaya nagtataka ako sa inaasal niya. Nang matapos na siya sa telepono ay hinarap niya ako.
"Ma'am this way po" Saad niya at Iginayak niya ako sa isang pinto. Takang ko naman siyang sinundan, binuksan niya ang pinto para saakin at malugod ko naman iyong tinanggap.
Pumasok ako sa pinto at bumungad saakin at eleganteng opisina.
Diretsong nagtama ang mga mata namin ng lalaking nasa swivel chair na nasa harap ko ngayon.
Ang kanyang mala tsokolateng mata ay mabigat na nakatutok saakin. Habang nakasiklop ang kanyang dalawang kamay at nakapalumbabang nakatingin saakin. Naasiwa naman ako sa mga titig niya kaya umiwas ako ng tingin. Nahagip ng mata ko ang pangalan na nasa harap ng kanyang lamesa.
James Ethan Montgomery
Chief Executive Officer/CEO
"So you are...Nice Caileigh Velasco?" Muling nagtama ang aming mga mata ay may nakikita akong kakaibang emosyon sa mga matang iyon.
"Yes po" Sagot ko. Matagal niya akong tinitigan na para bang tinatandaan ang kabuonan ko. May dumi ba ako sa mukha kaya ganun siya makatitig?
"Take your sit" Saad niya kaya agad naman akong umupo.
"So anong alam mo sa interior design?" Tanong niya saakin. Sinagot ko naman ang lahat ng tanong niya ng may kumpyansa sa sarili ngunit 'di ko pa rin maiwasan kabahan sa mga titig niya. His gazed made my knees trembled.
Pagkatapos ng mahabang interview namin na puro tango lang ang isinasagot niya. Hindi niya ako nilulubayan ng tingin kaya minsan ay ako na ang umiiwas sa mga tingin niyang hindi ko maintindihan.
Tingin ko ay umaabot ng isang oras ang interview namin at nagtataka kung ganun ba talaga ang itinatagal ng isang interview.
"Thank you..." He trailed off.
"Nice" At nilahad niya ang kanyang kamay. Napatingin naman ako sa kamay niya at nagdadalawang isip na tatanggapin ko ba iyon.
"You're welcome, Sir" Sagot ko at tinanggap ang kamay niya. Nang dumikit ang aming balat ay parang may boltaboltaheng kuryente ang dumaloy papunta sa likod ko. Nagkatinginan kami at hindi niya binitawan ang kamay ko.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at agad niya akong niyakap.
"Hey" Bulong niya sa tenga ko.
"Did I lost you?" Narinig ko ang pagkabasag ng boses niya.
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romansa[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...
