B2: Chapter 15

1.5K 38 1
                                        

Chapter 15 - Girlfriend

Wala ako sa sarili habang naglalakad sa likod ni Ian. It's just a blood. Malayo lang 'yun sa bituka Inday. Hindi siya mamamatay ng dahil 'dun. Pumikit ako ng mariin at pilit na iniwawaglit ang nakita ko kanina. Nilingon ako ni Ian.

"Are you okay?" Alalang tanong niya. Pilit akong ngumisi sa harap niya ngunit alam ko na nagmumukha itong peke.

"Of course" Ngumisi ako sa kanya at naunang maglakad patungo sa sasakyan niya.

Nakauwi kami ni Ian ng maayos. Pagod na pagod ako ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Nagtungo ako sa banyo upang magmaligo at mahimasmasan. Para ko pa rin nararamdaman ang kanyang labi sa balat ko. Hindi dapat ako maging apektado sa nangyari kanina.

Nang makalabas ako sa banyo ay naabutan ko ang cellphone ko na nagriring.

"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya.

"Nice, Nakauwi na kayo?" Tanong ni Angelou sa kabilang linya.

"Oo, pasensya na pala sa inasal ko kanina." Saad ko.

"Okay lang..." Naputol ang sasabihin niya nang may nagsalita.

"Angelou bilisan mo nga at kunin mo 'tong susi ni Sir. Ihahatid na namin siya" Rinig kong boses ni Lia.

"A-ah sige. Hello Nice? Ibaba ko muna 'to ha? Iuuwi muna namin si Sir" Saad ni Angelou.

"A-Ah...Ano bang nangyari?" Hindi ko mapigilang hindi mapatanong.

"Ayaw kasing magpagamot! Duguan parin kasi 'yung kamay niya. Iuuwi na namin siya. Sige ibaba ko na 'to Nice. Good night! Bye!" Pinutol agad ni Angelou ang tawag.

Ano bang nakain 'non at ayaw magpagamot? Gago ba siya?

Kinabukasan ay maaga akong pumasok nadatnan ko si Angelou na nagsisimula nang magtrabaho gabundok niyang mga kailangan gawin.

"Good Morning" Bati ko sa kanya kaya napaangat ang kanyang tingin. Inabot ko sa kanya ang isang conffee na binili papasok sa opisina.

"Good morning din. Thank you sa kape" Saad niya at tinanggap ang alok ko. Umupo ako sa upuan ko at tinignan ko siya.

"Nakauwi kayo ng maayos kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Oo.Hinatid muna namin si Sir bago umuwi" Sagot niya. Tumango ako sa kanya.

"Papasok ba siya ngayon?" Tanong ko.

"Ewan..teka bakit ka napatanong?" Pabalik niyang tanong saakin.

"Wala lang." Saad ko at nagsimula nang magtrabaho.

Lumipas ang ilang oras nang aking pagtratrabaho nang ayain ako ni Angelou na mag break muna kami dahil halos nanglalabo na ang kanyang mga mata kakatutok sa laptop niya.

Bumaba kami sa lobby nang kompanya.

"Grabe! Pagod na pagod pa ako dahil kahapon tapos sasalubongin ka nang gabundok na trabaho? Pweding mag bigti?" Reklamo niya.

"Ganun talaga" Iyon lamang ang naging sagot ko sa kanya. Lumabas kami sa kompanya at nagtungo sa pinakamalapit na coffee shop upang bumili nang makakain.

Umorder si Angelou nang aming makakain habang ako nakaupo sa table namin at nakatingin sa labas.

"Excuse me?" Napatingin ako sa babaeng nakapink na dress at nakaputing sapatos. Mahaba ang kanyang buhok na may highlights. Naalala ko tuloy ang buhok ko dati, ganyan na ganyan.

"Pweding makihiram po nang phone? May tatawagan po kasi sana ako kaso naubusan ako ng load tapos wala akong alam kung saan pweding magpaload?" Nakayuko lamang siya saakin at kitang kita ko ang pamumula nang kanyang pisnge. Kung pagbabasehan sa pananamit niya halatang mayaman 'to.

"Sure...here!" Saad ko at ibinigay sa kanya ang cellphone ko. Umaangat ang tingin niya at nagtagpo ang mga mata namin. Her eyes are brown habang ang kanyang ilong ay matangos. Ang kanyang mga labi ay manipis at kulay pink ito.

Inabot niya ang cellphone at ngumiti. Lumitaw ang dimple sa kanang pisnge niya. She have an angelic face.

"Thank you!" Maligayang saad niya. Dahan dahan siyang tumalikod saakin at nagsimulang magdial sa cellphone ko.

Dumating si Angelou at inilapag ang order namin. Napatingin siya doon sa babae.

"Sino 'yun?" Tanong niya habang dahan dahan ipinipwesto ang mga pagkain namin.

"Nanghiram lang cellphone" Sagot ko.

"Nandito na ako sa Coffee Works. Nanghiram lang ako ng phone. Sige bilisan mo ah" Rinig kong saad nung babae. Humarap siya saamin.

"Thank you ulit" Bibong saad niya at ibinalik ang phone ko.

Umupo siya dati niyang inuupuan. Mayamaya may pumasok na lalaki sa coffee.

He's wearing Vneck white T-shirt and faded blue jeans. Nakasuot din siya aviators.

Lumapit siya nakapink na babae at agad naman siyang niyakap nito. Bumaba ang tingin ko kamay niya na may guaze bandage.

"Is that Sir James?" Bulong ni Angelou. Hindi ako umimik.

"Girlfriend niya?" Muling tanong niya saakin.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon