B2: Chapter 27

1.8K 32 3
                                        


Chapter 27 -  Forgive yourself


"What are you trying to say Inday?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ian.  


"What? Runaway again? Inday! Bakit mo ba lagi tinatakasan ang mga problema mo?" Napatayo siya. 


"Kasi....." Hindi ako makahanap ng dahilan. The truth is, wala akong madahilan.


"Inday.." Lumuhod si Ian sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. Halos nagulat ako sa naging aksyon niya ngunit hindi ko na iyong initindi.


"Makinig ka. I know you are so strong from the first day that we met and even until now.  You are a fighter. Nalampasan mo ang lahat ng iyong mga problema sa buhay mag isa ngunit hindi sa lahat ng oras ay makakayanan mong mag isa. Minsan kailangan mo ng mga kaagapay upang ikaw ay makaahon sa iyong mga problema. Running away is not the solution. Running away will only create another problem. Running away is just a temporary choice." Ang mga mata ni Ian ay punong puno ng sinseridad. Hindi ko mapigilang umiyak. His words are so deep. 


"I'm so sorry kung inalayo kita sa iyong pamilya. I'm so selfish for bringing you here. Hindi ko man lang inisip kung ano ang mararamdaman ng iyong pamilya. I got scared and I didn't know what to do.  Ako ang nagdala sayo dito at ako ang lumikha ng panibagong problema sa buhay mo" Saad ni Ian. Paulit ulit akong umiling habang nagsasalita siya.  Kailan man hindi niya naging kasalan. Kailan man hindi ko inisip na kasalan niya ang lahat.


"No! That wasn't your fault! No Ian! Hindi mo kasalanan ang lahat. Kasalanan ko. Kung hindi ako lang ako tumakbo papalabas ng simbahan ay hindi mangyayari ang aksidente. And that was the biggest mistakes." Saad ko sa kanya. 

Bumutong hininga siya at tumingin sa paligid. Nagkukulay kahel na ang kalangitan senyales na maggagabi na.


"Let's go inside? " He asked. Tumango lamang ako at inalalayan niya akong tumayo. Medyo nahihilo pa ako at sumasakit pa ang katawan ko ngunit kaya ko pang maglakad.


Bumalik kami sa aking kwarto at dumating ang ilang nurse upang tusokan ako ng dextrose at mga gamot. Kumuha din sila ng sample ng dugo at ginawan din nila ako ng X-ray.  Nanghina ako dahil sa mga ginawa nila sa katawan ko.


"Inday?" Napatingin ako kay Ian habang nakahiga sa kama.


"Hmm?" Tanging naging saad ko.


"Uuwi muna ako ha? Kukunin ko muna ang mga gamit na gagamitin mo at bibili na din ako ng pagkain" Pag papaalam ni Ian. Tumango lamang ako bilang sagot kaya mupikit muli.


Naalimpungatan ako dahil sa nararamdaman kong mabigat na nakapatong sa kamay ko. Naimulat ko ang aking mata. Bumungad saaking ang mukha ni James na ngayon ay nagulat sa pag gising ko. Agaran ko na sinubukan na tumayo ngunit dahil sa panghihina ay nahirapan ako kaya tinulongan niya pa ako. Naging ilap pa ako sa mga kamay niya kaya nagdadalawang isip siya kung tutulungan niya ba ako.


"Ba..bakit ka nandito?" Awkward kong tanong sa kanya. Umupo siya ng maayos sa gilid ng aking  kama. 


"Binibisita kita" Tanging sagot niya.


"Nag abala ka pa." Nagtama ang mga mata namin at bumutong hininga siya.


"Pwedi ba Inday! Let just stop this, okay? This fight is making me..tired. Let's just drop our pride and ego.  Please Inday kahit ngayon lang! Itigil muna natin 'to" Damang dama ko ang frustration sa mga boses niya.


"Naawa ka lang saakin James! Nagiguilty ka lang kaya ka nandito." Pirming naging sagot ko.


"Bullshit! Hindi ako naawa sayo kaya ako nandito Inday! Nandito ako kasi gusto kitang samahan. At nagiguilty? Oo nagiguilty ako kasi hinayaan kita mag isa. Mag isa mong hinarap ang putanginang sakit na 'yan habang ako ay nasa maynila. Alam mo 'yun? Kasi nasasaktan ako sa 'twing naiisip ko na wala ako sa tabi mo habang iniinda mo ang  sakit. Mas doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa 'twing nakikita kitang ganito. Kaya please... tigilan na natin 'to. Pagod na pagod na ako" Nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha na agad niyang pinahiran. Parang sankaterbang kutsilyo ang tumusok sa puso ko. Mas masakit pa sa sakit na iniinda ko sa nakikita ko ngayon.


"James.." Napatingin siya saakin. Ang mga mata namin ay nagtagpo at parang hinigop niya ang buong kaluluha ko dahil sa mga tingin na iyon. 


"Nasaktan kita. Iniwan kita. Ngunit bakit ka parin nandito sa tabi ko? I always hurt you. I always disappoint you but why did still holding on? Why did you still holding on to the rope that I already let go long time ago?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya saakin at hinawakan niya ang kamay ko.


" You didn't let go Inday. Just like me, you still holding on. Natatakot ka lang. Natatakot ka lang na masaktang mo muli ako. Natatakot ka lang na masaktan mo muli ang pamilya mo." Naiiyak na ako sa mga salitang binitawan ni James.


"Matagal na 'yun Inday. Sobrang tagal 'yun. Lahat kami ay napatawad ka na namin.  Nakalimutan na namin ang nangyari noon.  Lahat kami ay nasa kasalukuyan na habang ikaw ay nasa nakaraan parin. You kept blaming yourself. Pilit mo parin binubuhay ang sakit na matagal ng patay para saamin. Kaya gusto namin bumalik ang dating Ikaw. Gusto namin kalimutan mo ang  lahat nangyari. Dahil Inday matagal na 'yun. Sobrang tagal na 'yun. Hindi na natin maibabalik o maisasalba ang lahat nang 'yun. Ngunit Inday, Ikaw masasalba ka parin namin mula sa paglunod mo sa iyong sarili sa nakaraan. Napatawad ka na namin, ikaw na lamang ang hindi nagpapatawad sa iyong sarili. Forgive yourself Inday" Saad ni James. Ang mga traydor kong luha ay parang baha na rumagasa mula saaking mga mata.


 Agad kong niyakap si James ng sobrang higpit. Umiyak ako ng umiiyak sa braso niya.  Hindi siya umimik sa halip mahina niyang hinahagod ang likod ko.



Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon