Chapter 9 - Kill me
Oo.. Hindi.. Oo.. Hindi..Ano ba Inday. Huwag ka ngang mag isip na para bang may choice ka naka oo ka na.
Omaygod! Hindi Hindi pwedi akong maging fiance si James. No! Never! Sinabunotan ko ang sarili ko. Pero naka oo na ako kay Mommy. Nag promise pa ako.
"Baliw ba siya?"
"Takas yata sa mental"
"Ang weird niya"
"Manahimik nga kayo! Naririnig ko lahat ng bawat kibot yang dila niyo! Baka gusto niyong putulin ko 'yan" Sigaw ko sa kanila kaya naman nagsitabukhan sila. Kita nilang may problema ang tao.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa klase ko.
Oo papasok ako. Kahit labag sa kalooban ko. Pinilit kasi ako ng mommy na pumasok kasi daw ganito ganyan. Wala naman akong magawa!Dumiretso naman ako sa room kong saan yung naka schedule sa notebook ko. Umupo ako sa pinakadulo kasi hindi ko rin naman balak makinig napilitan nga diba? tss.
Kanina pa ako naiirita sa mga tao ngayon lagi nila akong tinitignan."Pwedi ba! Huwag niyo nga akong tignan! Dukotin ko yang eyeballs niyo eh!" Iritable kong sabi sakanila kaya naman agad sila umiwas ng tingin.
Mayamaya pumasok na ang prof namin. Wala naman akong maitindihan kasi puro problema ang iniiisip ko.Grabi napaka stress ng mga nakalipas na araw. Simula kasi nun makilala ko yung James brief na yun. Nakadalitse litse na ang buhay ko!
Tapos idagdag mo pa ang napakadami kung problema. Una si Mommy,
Pangalawa si Aldrich baka kasi iwasan na niya ako pag nalaman nya na e engaged na ako! Pagnaiisip ko 'yun nakakaiyak.
Tapos ang pangatlo yung pesteng arrange marriage na yun. Sino ba kasi ang nag imbento 'nun? Tangina naman niya eh!Tapos ang pang apat yung bwesit na si James na yun' dahil sa kanya. Hindi na matutuloy ang love story namin ni Aldrich.
Dahil sa kanya nag susuffered ako ng ganito,
Dahil sa kanya kung bakit hindi na ako magiging masaya.
Dahil sa kanya naging mahirap ang pilipinas dahil sa kanya kung bakit haggang ngayon wala paring balak isara ni domo ang bibig nya, dahil sa kanya kung bakit naging panot si noynoy. Ah basta dahil kay james b..."Miss Ford" Tawag nang prof namin.
"What?" Napasigaw ako sa gulat. Naningkit naman ang mata ng prof namin.
"Miss ford, are you listening?" Obviously Sir I'm not. Pero baka ibagsak nanaman ako ni Mr. Dimagiba. Ayaw ko naman bigyan ng sakit sa ulo si Mommy.
"Of course Sir, I'm listening" Asus. Uwat mo Inday.
"Well kung nakikinig ka talaga. Sagutin mo yun Problem na nasa board" Nanglaki ang mata. Literally. Oh noes. Bakit ko pa kasi sinabing nakikinig ako eh.
Napatingin ako sa board. Puro formulas. Parang bumaliktad ang sikmura ko. Charot. Pero totoo umikot talaga ang paningin ko. Bolok pa naman ako sa math. Kaiyak bh3.
Pero may naisip akong paraan."Okey sir! Sisiw lang yan!" Saka tumayo. Pag tayo ko agad akong hinawakan ang tiyan ko.
"Ouch!" Daing ko habang nakapikit. Lumapit agad si Mr. Dimagiba.
"Miss Ford, are you okay?" Alalang tanong ni Mr. Dimagiba. Ayos! Epektib.
"Sir masakit..." Sigaw ko kunwari namimilipit ako sa sakit.
"Ha? Saan?" Agad na tanong niya sakin. Napatingin ako sa mga kaklasi ko. May pag alala din sila. Ayos ang galing to talagang artista.
Lumapit ako bahagya kay Sir saka bumulong.
"Sir meron kasi ako"
Na bigla naman si Sir at bahagyang namula. Lol.Agad niya akong pinapunta sa clinic para mag take ng gamot. Kaso yung gamot tinapon ko. Kaya ito ako ngayon naka higa sa kama ng clinic namin. Grabe ang talino ko talaga! Palakpakan naman diyan.
"Miss masakit pa ba?" Tanong 'nun school nurse sakin. Agad kong binago ang expression ko.
"Oo miss sobra talagang sakit" Sigaw ko.
"Nako miss mawawala din 'yan. Sige. Ipapasabi ko nalang sa Prof mo na e excuse ka nalang sa klase mo" Sabi ni Ateng nurse saka umalis.
Laking ngisi ko nang makita kong tuluyan ng makalabas yung nurse. Pakanta kanta pa ako habang kinukuha ang Phone ko saka nag Wifi. Wifi Zone kaya tung school namin. Sosyal.
Biglang bumukas pinto kaya agad 'kong tinago ang cellphone ko saka humiga.
"Ouch! Ang sakit pa din nurse" Daing ko. Habang pikit pikit effect para magmumukhang katotohanan.
"Talaga?" Tanong 'nun pamilyar na boses kaya agad kong dinilat yung mata ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko. Sa pagkakataon ito nakabangon ako sa pagkakahiga.
"Oh? Akala ko may sakit ka?" Tanong niya habang nakakunot noo.
"Oo nga ma..may sa...sakit ako" Leche bakit ba ako nauutal? Eh kasi naman 'yung titig niya para akong pinoprovoke litse lang.
"Don't tell me nagsinungaling ka!" Nagulat nalang ako sa sigaw niya. Nakita ko pang pinagpawisan siya. Marahas niyang pinahiran ang pawis niya ng nahuli niya akong nakatingin dun.
"Oo na! Wala na akong sakit! Nagsinungaling na ako! Eh paki mo ba?! " Sigaw ko pabalik sa kanya.
Ginulo niya naman ang buhok niya na. Shet! Bakit mas bagay sa kanya ang magulo ang buhok?"Nakakainis ka alam mo yun?" Bigla niyang sambit. Nagugulohan pa ako. Ano? Nakakainis ako? Ako pa?
"Hindi eh! Sorry ha?" Sarkastiko kong sagot. Tumayo na ako at kinuha ko ang gamit ko. Dinaanan ko siya pero bago pa ako makalabas.
"Mas nakakainis ka! Kahit hindi mo alam 'yun! Basta naiinis ako sayo" Sigaw ko saka pabalibag kong isinara ang pinto.
Ewan ko kung bakit ako naiinis nang ganito sa kanya. Siguro dahil stress lang talaga ako sa mga nakaraang araw.
Bigla kong naramdaman na may nakayakap sakin sa likod. Halos nagtayuan lahat ng balahibo ko. What the!
"Walang hiya..." Sisigaw na sana ako kaso tinakpan niya ang bibig ko. Naramdaman ko kung gaano kalambot ang mga palad niya. Na amoy ko kung gaano ka bango ang kamay niya. Leche sino ba to?
"Sshh! Huwag ka ngang simigaw. Instead you should thank me for saving you." Bulong niya. Mas lalong tuminding ang balahibo ko di dahil sa bulong niya kundi dahil naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko para akong kinikiliti.
"At bakit..." Sisigaw ulit sana ako kaso tinakpan niya ulit ang bibig ko.
"Because you're bleeding?" Bulong niya.
Ano daw? Meron ba talaga ako? Kaya pala ang sama ng gising ko kanina. Halos isumpa ko ang mga taong nakatitig sakin kanina.
Pero mas ang kinagulat ko mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sakin mula sa likod.
Gusto kong lamunan ang lupa 'yun buo talaga. Nakakahiya tas may iba pa akong nararamdaman.
Can somebody kill me right now?
---------
[ EDITED ]
![](https://img.wattpad.com/cover/5714545-288-k944151.jpg)
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...