“Kyaaaaa- ouch” putek naming buhay to oh! Bakit ko ba naisipang ipagluto ang James na ‘yun. Nakakainis kasi paggising ko kanina agad akong dumiretso dito sa kusina para ipagluto ang James na ‘yun. Nako! Nako! Nahihibang na talaga ako.
Muli akong nanglumo sa nakita kong kinalabasan ulit ng niluto kong itlog at hotdog. Sunog na sunog ito. Aish! Pangkailan na ba na itlog ang na nasayang ko? Pito? O Walo? Argh! Bahala na nga! Bakit ko ba ginagawa to? Umupo ako sa sofa.
Wag mo ngang ipagluto si James inday. Ano sya hari para pagsilbilhan mo? Oo nga! Hindi naman siya hari para pagsilbihan ko noh! Pero hindi ka ba naguguilty Inday? Naaksidente siya tapos hindi mo siya pagsisilbihan. Anong klasing Fiance ka? Putek naman oh! Oo na! Magluluto na ulit ako, nangungunsensya pa eh!
Muli ako nag biak ng itlog tsaka minix.
“ Anong ginagawa mo?” Halos mabitawan ko naman ang dala kong mixer.
“ Putek naman James oh! Kita mong nagluluto ako!” Sigaw ko. Kumunot naman ang noo niyang pababa ng hagdan.
“Buti nalang hindi nasunog ang bahay” bulong nya habang papalapit sakin.
“Narinig ko ‘yun” Sabi ko at tinignan ko siya ng masama.
“Tsaka kumusta naman yang sugat mo? Tumawag pala si Tita Natasha sabi niya exempted daw tayo sa lahat ng subject sa buong linggo para daw makapagpahinga ka at para daw maalagaan kita. Hmp!” Sabi ko habang nag mimix. Lumapit naman siya sakin tsaka inagaw ang mixer.
“Ano ba?!” Sigaw ko.
“Ilan bang Itlog at Hotdog ang sinayang mo ha?” tanong niya ng hindi man lang ako tinitignan. Aba! Inisnob ang beauty ko! Grr!
“Pito o walo basta ganun “ Sagot ko tsaka umupo. Kumuha naman ako ng toasted bread.
Habang kumakain ako pinagmamasdan ko siyang nagluluto. Ano bang naging sakit ko? Bakit naiisip kong ang hot niyang tignan habang nagluluto? Shet! Malala nato! Agad ko naman sinapak ang mukha ko.
“Ouch” Daing ko napalakas ko kasi ng sapak ang sarili ko. Tumingin naman si James sakin sandali pero agad niya naman ibinalik ang atensyon niya sa niluluto niya.
“Maligo ka na nga para makapagbihis ka sa night gown mo! Pfft” Sabi niya habang hindi man lang ako tinitignan.
Namula naman ako sa hiya. Shet! Bakit di ko napansin na naka night gown pa ako? Litse naman oh! Naexcite kasi akong ipagluto si James kanina kahit wala naman nakakaexcite. Dali dali naman akong umakyat sa taas para maligo at makapagpalit. Pagkatapos kung magpalit ay bumaba na ako at nadatnan ko si James na kumakain na. Wala man lang ka gentleman gentleman sa katawan.
Umupo ako at nagsimula na ring kumain.
“Are you seducing me?” Biglang tanong ni james. Agad naman akong nabilaukan sa sinabi niya. WHAT THE EF!

BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Любовные романы[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...