B2: Chapter 26

1.7K 32 4
                                        


Chapter 26 - Runaway


Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng banyo. Nadatnan ko si Ian na halos hindi na mapakali at bigla siyang napatingin saakin. Agad niya akong nilapitan. Nagtagpo ang mga mata namin at agad akong umiwas ng tingin. Inalalayan niya ako papunta sa kama ko bago siya mag salita.


"Are you ok..Oh shit!" Bigla siyang nagmura kaya napatingin ako sa kanya. Nakita niya ang bakas nang dugo sa damit ko kaya agad ko iyong itinago.


"Tatawag muna ako nang doctor Inday! Diyan ka lang..." Napatigil siya sa pag akmang pag alis niya ng hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya saakin ng puno ng pag aalala. Hindi ako makayanan pa umiiyak ako sa harap niya. Agad niya akong nilapitan at niyakap ng marahan. Nakaupo ako sa kama habang siya nakatayo sa harap ko at hinahagkan ang ulo ko. 


"Ian..." Hindi ko maipagpatuloy ang sasabihin ko dahil sa nagbabara ang lalamunan ko. Samot saring emosyon ang tumatakbo sa isip ko.  


"Shh... Huwag ka munang mag isip ng kung ano ano Inday! Give yourself a break!" Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin. Tumingin siya saakin mga mata, ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yung kaawaan ako. Ayaw kong nagmumukhang kaawa awa sa mga mata nila. Of course, I am the great Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. Buong buhay ko namuhay ako sa marangyang pamilya. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko.  Mamahaling damit, sapatos, bag, kotse, pera at atensyon. I can manipulate other people lives. I  discriminate other people if I want to. I will  do everything I want. I can get what I want. But at this point...I got what I deserved. Maybe dahil sa lahat ng karantaduhan na pinag gagawa ko ay ito ang ibinalik saakin. Maybe this is my fate..maybe this is my destiny...maybe this is my forever.


"I will call the doctor. Diyan ka lang okay?" Pagsisigurado ni Ian. Hindi ako tumango ngunit agad siyang tumakbo palabas ng aking kwarto. Hindi ko alam kong saan ako kakapit. Hindi ko alam kung sino ang masasandalan ko. My family hates me, the people around me wishes me dead and James doesn't love me anymore. 


Isang taon ang nakalipas simula nang malaman kong may sakit ako. Hindi man ako nagpunta nang ospital ngunit alam ko kung ano ang sakit ko. Hindi ako tanga para hindi malaman ito dahil sa mga sintomas na aking nararamdaman. Leukemia, isang sakit sa dugo kung saan mas malaki ang count ng white blood cells kaysa red blood cells. Napatingin ako saaking braso na may mga pantal naghanap ako nang damit na pwedi kong ipatabon dito. Napatingin ako sa isang jacket na kasabit sa gilid ng aking kama. Agad ko iyong kinuha at isinuot. Kinuha ko ang sapatos ko na nasa ilalim ng aking kama upang isuot. Patago akong lumabas ng aking kwarto dahil para akong hindi makahinga sa loob. Bumaba ako gamit ang elevator ng ospital at naglakad papalabas. Sa likod ng ospital ay may malaking fountain na gawa sa semento at may mga bulaklak na nakapaligid dito. May iilang dumadaan dito ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang babaeng sumigaw ng ganda sa gilid ng fountain. Nakatalikod siya mula saaking ngunit ang kanyang buhok na mahaba at may kulot sa dulo ay parang sumasayaw dahil sa ihip ng malalimig na simoy ng hangin.


Naglakad ako patungo sa direksyon at natigilan siya sa pagpipicture sa sarili niya nang makita niya ako. Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya.


"Bakit ka nandito? Oh great! Binibisita mo pala ako dito para naman masabi ni James na mabait ka dahil magsosorry ka saakin. Pwes, mamamatay ka muna dahil hindi kita papatawarin!" Sabi ni Shane saakin.  Talagang ang kapal talaga nang gilagid ng isang 'to!


"Wow naman" Bumuga muna ako ng hininga bago siya tignan. Buti nalang talaga at hindi pa napapalitan ang damit ko na pang paopisina kasi baka malaman niyang pasyente din ako dito katulad niya. Yun nga lang, nakakamatay 'yun saakin.


"Una, bakit ako magsosorry sayo? Ako ba ang gumawa diyan sa mga galos mo? Eh kung hindi ka lang tanga eh! At pangalawa, bakit naman kita bibisitahin? Nakakamatay ba yang sakit mo? Kaano ano ba kita ha para bibisitahin kita dito?" Saad ko. Ang maputi niyang mukha ay halos namula dahil sa galit. Tumayo siya at hinarap ko.


"Aagawin ko sayo si James! Ay! Oo nga pala, naagaw ko na. Ano masasabi mo bitch?" Pumeywang siya sa harap ko. 


"Talaga? Papatol ba si James sa isang isip bata na katulad mo?" Mapang asar kong saad sa kanya. Umiba ang ekspreyon niya at hindi ko inaasahan na susunod na gagawin niya.


Tinulak niya ako at nawalan agad ako ng balanse. Napaupo ako sa sahig at gulat na gulat sa pangyayari.


"Hindi ako ang isip bata! Kung may isip bata man saatin, Ikaw yun! It's very childish act to runaway in the of your wedding! Napakairresponsableng mong babae! Hindi mo man lang inisip kong ano ang mararamdaman ni James sa oras na tumapak ka palabas ng simbahan. Hindi mo man lang inisip kung may mukha pa bang ihaharap ang iyong pamilya sa mga bisita niyo! Nang umalis ka napakaraming kontroberyal na issues ang hinarap ng pamilya niyo at lalong lalo na si James. You never think. You just left them and that was very childish decision, Inday!" Saad niya bago umalis at iniwan ako na nakaupo parin sa sahig. Napakapit ako sa gilid ng fountain at hihilong umupo. Hindi alam ngunit ang lahat ng sinabi ni Shane ay bumaon sa kaibuturan ng aking puso. Aminin ko man o hindi ngunit ang lahat ng kanyang sinabi ko ay totoo. 


Sa panahon na 'yun ay may dalawa akong pagpipilian, ang umalis at ang manatili ngunit mas pinili ko ang umalis at saktang ang mga taong nakapaligid saakin. Nagpadala ako sa emosyon ko at gumawa agad ng disesyon na pweding makapagbago sa buong buhay ko. I know this is my fault. Everything is my fault but it's too late to turn back. It's too late to look  back. Marami na akong nasagasaan sa naging disesyon ko. Marami na akong nasaktan na tao at marami na akong naisakriprisyo. 


Nagulat nalang ako ng biglang may taong sumulpot sa harap ko. Si Ian na hinahabol niya pa ang hininga niya habang ang kanyang pawis ay tagaktak galing sa mukha niya. Nang makabawi na siya ay pumikit muna siya ng mariin bago harapin ako.


"Why did you leave your room Inday" Saad niya na tila pinipigilan tumaas ang boses niya. Alam ko na galit siya dahil hindi ako nagpaalam na umalis. I just sneaked out in my room. 


"I'm sorry... I just want to breathe fresh air. You know, the room is kindda suffocating" Saad ko sa kanya. Bumutong hininga siya at umupo sa gilid ko.


"So what's your thinking?" Tanong niya saakin. Hinarap ko siya at nagtagpo ang mga mata namin. I know this is too much but this is the only choice. Nasaktan ko na sila sa naging desisyon ko noon siguro naman hindi na sila masasaktan sa magiging desisyon ko ngayon.


"Ian.." He's anticipating.


"Let's runaway...again?" I asked.


Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon