Chapter 5 - Wrong
Papauwi na ako nang sumalubong saakin ang hampaslupang si Messy. Pag nakikita ko talaga ang pagmumukha ni Messy nasusuka ako promise.
"Ano nanaman?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
"Hey Inday garutay" Tawag niya sakin. Holysh!ts Pigilan niyo 'ko baka makakasapak ulit ako ng unggoy. Maakusahan pa akong animal abuse.
"Pinapupunta ka ni Aldrich sa Music room" Sabi niya at nag flip hair pa ang gaga. Feeling naman tung Hampaslupang Unggoy na clown na to.
"Ki" Sagot ko saka inirapan siya. Nagtungo ako kung nasaan ang Music room. Baka kasi nag hihintay na si Aldrich my loves sakin.
Nasa harap na ako ng pinto nang parang may iba ako nararamdaman. Bakit kaya siguro sa Music room na, mag tatapat ng wagas na pag ibig si Aldrich my loves. I can't wait, omaygod. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Bakit madilim? Ah siguro para surprise. Ito talaga si Aldrich ang daming pakulo.
"Aldrich my loves este Aldrich, I'm here" Sigaw ko. Nag echo pa yung boses ko. Nakakatakot naman dito. Nagulat ako nang may kumalabog .
Napalingon naman ako sa pinto. Shit sirado. Kaya dali dali akong pumunta sa pinto para pilit buksan kaso nakalock.
"Leche ka talaga Messy! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ko habang kinakalabug ko ang pinto.
Ang bobslak mo talaga Inday. Malamang pakana 'to nang Messy na 'yun. Ipapatapon ko talaga yung sa impyerno para naman maka reunion nya ang tatay niyang si lucifer.
"Hello! May tao ba diyan? Buksan niyo naman ang pinto oh! Messy buksan mo ang pinto leche kang bruha ka!" Sigaw ko habang kinakalabug ko ang pinto. Shit. Damn. Patay talaga sakin yung Messy na yun. Pag ako nakalabas rito galingan niya mag tago kundi mahahambalos ko siya.
"Buksan niyo ang pinto! May tao dito!" Sigaw ko habang kinakalabog ang pinto. Kinapa ko ang sarili ko. Gaga Inday, naiwan ko ang cellphone ko sa classroom. Lecheng buhay 'to oh.
"Buksan niyo ang pinto!" Sigaw ko pero wala parin nakakarinig. Mag gagabi na walang masyadong nagdadaan dito.
Wala akong nagawa kundi umupo nalang sa gilid. Hihintayin ko nalang ang muna mag umaga? Ang isang magandang dilag na katulad ko dito matutulog sa music Room? Seriously? Argh. Bwisut talaga yung Messy na yun.
Nang biglang may parang lumilipad. OH EM GE
---
James POV
Naglalakad ako pauwi na nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya.
"Anak magkasama ba kayo ni Inday?" Tanong ni Mama. Inday? Yung weirdong babaeng iyun?
"Hindi" Sagot ko.
"Anak pwedi bang hanapin mo siya diyan. Tumatawag ang Mama niya saakin, hindi pa daw nakauwi si Inday sa kanila kaya nag alala na sila. Nasa bahay na kasi ako kaya hanapin mo muna siya, baka nasa classroom pa siya" Saad ni Mama.
"Ma..."
"Sige na anak please? Nag alala na talaga sila" Pakiusap ni Mama kaya wala akong nagawa.
Tinext ni Mama kung saan room ang classroom niya. Agad ko iyon pinuntahan at nadatnan kong wala nang tao. Nahagip ng mata ko ang babaeng tumatakbo galing sa likod ng building.
May kutob ako dun sa babae kaya agad ko tinahak ang daan kung saan siya galing. Nahagip ng mata ang Music room.
Napatingin ako bracelet na nasa sahig at ito'y pamilyar saakin. Napatingin ako sa pintuan ng Music room na nakakandado. Dali dali akong kumuha ng bato na nasa gilid at ginamit ko iyon upang mabuksan ang pintuan.
Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad saakin si Inday na nakaupo sa gilid ng mga upuan habang yakap yakap ang tuhod niya. Para naman akong nabunotan ng tinik sa nakita ko.
Kaya nilapitan ko siya. Hinubad yung jacket kung sout at pinasuot sa kanya.
"Aldrich ikaw ba yan?" Sabi nya habang nakayuko parin. Tangina sino bang gagong 'yun at bakit iniwan niya si Inday dito mag isa?
Tumingala siya at bahagyang nagulat. Pero kapansinpansin 'yun namumugto niyang mga mata. Umiyak siya? Damn. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay may umiiyak na babae sa harap ko.
"James" Sigaw niya at bigla nya akong niyakap . Iwan ko ba parang lahat ng pagod ko dahil sa paghahanap sa kanya ay parang biglang nawala lahat dahil lang sa yakap niya. Pero Mali ito eh.
"James I thought....I'm going die because of ipis...Omaygod!" Hagulhol niya habang nakayakap parin sakin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi talaga mawawala sa kanya ang pagiging conyo niya. Umiiyak siya dahil lang sa ipis? Epic.
Seriously ang isang malditang, baliw at pabalang kung sumagot na si Inday ay umiiyak dahil lang sa ipis?
She never failed to smile me bu this is wrong..

BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...