Chapter 8

5.2K 111 14
                                    

Chapter 8 - Don't

Dali dali akong pumunta sa hospital na tinext sakin ni Cassey. Nang makarating ako agad sumalubong sakin si Amethyst na umiiyak.

"Ate si Mommy" Tapos humaguhol siya. Bigla akong kinabahan.

"Na saan sila?" Tanong ko kaagad kay Amethyst. Sinabi naman ni Amethyst kung nasaan sila Cassey.

Nakita ko siya na nakayuko sa upuan kasama si Daddy at Kuya. They look sad.

"Dad? Kuya! Ate!" Sigaw ko at pumunta sa kinaroroonan nila. Agad yumakap si Cassey sakin.

"Sis si Mommy..." Bigla siyang umiyak habang yakap yakap ako. Ano bang nangyayari? Ano si Mommy?
Ano bang problema?

"Dad, what's happening?" Tanong ko agad kay daddy.

"Your Mom...bigla nalang siyang nahimatay" Sabi ni Daddy habang nakayuko. Nakita ko din na tumalikod si Kuya Jayden.

"What? " Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Umiyak naman sa gilid ko si Amethyst.

"Na saan siya?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa loob tinitignan pa siya ng doctor" Sagot ni Daddy. Agad akong niyakap ni Daddy. Umalis muna si Amethyst at Ate Cassey para kumuha muna ng damit para kay Mommy. Si Dad naman inikaso 'yung bill. Katabi ko si Kuya Jayden ngayon. Tahimik lang siya.

"Kuya, I am that bad? Bakit..." Tumingin ako sa Kuya ko. Hindi ko mabasa anong iniisip niya. Ang alam ko malungkot siya.

"I'm sorry Isha...." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Tinanong kong bakit pero hindi siya sumagot sa halip umalis siya nun dumating na si Daddy.

Mayamaya may lumabas na doctor galing sa Emergency Room.

"Doc...Kumusta na ang asawa ko?" Tanong agad ni dad.

"Kumusta na po si Mommy " Tanong ko sa Doctor. Tumingin naman saakin ang doctor bago sumagot.

"Hindi po maganda ang kalagayan ng pasyente. Merong breast cancer stage 3 at kailangan maagapan dahil kung hindi baka kumalat ang cancer cell sa ibang parte ng katawan niya. She need to undergo Chemotheraphy Process pero hindi madali ang lahat. Hindi tayo nakakasiguro na mapapagaling ng Chemo Theraphy ang pasyente" Paliwanag ng Doctor.

Halos hindi mag sink in sakin ang sinabi ng doctor. Cancer? Stage 3?

"Doc, gawin niyo po ang lahat please... pagaling niyo po ang Mommy ko please.." Sa tanan buhay ko hindi ako nakiusap ng ganito ngayon lang. Ngayon lang.

"Huwag po kayong mag alala gagawin po namin ang makakaya namin maligtas lang ang pasyente....Mr. Ford?" Napatingin ako sa doctor.

"Bakit po Doc? "Tanong ni daddy.

"Kasi 3 months ago. Pumunta si Mrs. Ford dito at doon na niya nalaman na may breast cancer siya pero hindi ba niya na banggit sa inyo?" Tanong ng doctor. 3 months? Matagal niya palang alam. Bakit hindi sinabi ni mommy sakin. Bakit wala akong napapansin.

"Ano? 3 months ago pa niya nalaman? Wala nabanggit si Anesthesia samin na may sakit siya. Hindi nga rin niya sinabi na nagpunta pala siya sa hospital." Sabi ng Daddy ko.

"Ah! Sige po. Alis muna ako may pupuntahan pa akong pasyente" Pagpapaalam ng Doctor.

"Dad alam na pala ni Mommy? Bakit hindi niya sinabi?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam anak" Sabi ni Daddy.
Pumasok na kami sa kwarto kung saan naka admit si Mommy. Hindi ko mapapigilang hindi mapaluha.

"Inday" Rinig kung boses kaya itinaas ko ang ulo ko at inimulat ang mga mata ko. Nasa gilid kasi ako ng kama ni Mommy.

"Mom?" Sabik na tanong ko. Ngumiti naman ang Mommy ko.

"Teka Mom, tatawag..." Hindi ko na na ituloy ang sasabihin ko dahil hinawakan ni Mommy ang kamay ko.

"Mommy..." Saad ko at niyakap ko siya. Dati naiinis ako kay mommy kasi pinapakialam niya ang buhay ko pero hindi parin maalis sakin na mahal na mahal ko ang Mommy ko.

"Anak sana naman pumayag kana sa arrange marriage" Malumanay na sabi ni mommy. Mag rereact sana ako. Ayaw kong ma stress ang Mommy ko. Ayaw kong magalit siya sakin pero mas pinili kong manahimik at makinig.

"Inday anak, gusto lang naman namin na maging maayos ang buhay mo. Gusto kong maging masaya ka" Sabi ni Mommy. Hindi parin ako umimik.

"At gusto ko rin na baago pa ako mawala nasa mabuti ka nang kalagaya..."

"Mom naman eh! Huwag ka namang mag salita ng ganyan" Naiinis ako. Ayaw kong magsalita si Mommy ng ganyan.

"Anak please..." Hindi ko alam pero parang naging malambot ako ngayon. Baka siguro dahil si Mommy na ang nakiusap. Matagal ako bago sumagot.

"Okey sige....Payag na ako pero Mom sa isang kondisyon .....magpa chemotheraphy ka ha? At e-promise mo na gagaling ka?" Ngumiti lang si mommy at tumango. Niyakap ko ulit siya at pumikit.

Para kay Mommy ay gagawin ko ang lahat para gumaling siya. Kahit isakripisyo ko pa ang kaligayan ko. Kahit makasal pa kami ni James. Hinding hindi ako mahuhulog sa hinayupak na 'yun. I won't be fall in love with him because I'm already in love with Aldrich, so no worries.

----

EDITED

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon