Chapter 37 - Hold

2.3K 45 6
                                        

Bumalik na kami sa hotel at pumasok na kami sa suites namin. Umupo ako sa malaking kama habang pinagmamasdan si James na inaayos niya ang tutulogan ni sa couch. Napansin yata si James na nakatitig ako sa kanya kaya tumigil siya sa kanyang ginagawa.

“ Stop staring “ Sabi niya kaya agad naman akong umiwas ng tingin. Umakyat na ako sa kama at humiga na. Hindi ba sasakit ang likod niya dahil ang liit lang ng couch para sa malaki niyang katawan? Bumabaling ako sa ibang direksyon. Hindi ba siya magkakasakit dahil malapit sa aircon? Bumaling ulit ako sa kabilang direksyon. Baka magkasakit siya?

“Inday ano ba?” Napabangon ako. Nakatingin ako kay James. Bumangon din siya at hinarap ako.

“Hindi ka ba makatulog dahil nandito ako?” Tanong niya sakin. Hindi ako makasagot kaya bigla siyang tumayo.

“Sige sa ibang kwarto nalang ako matutulog” Akmang tatalikod siya nang magsalita ako.

“Wag...” Napatingin siya sakin habang nakakunot noo.

“ I mean...dito ka lang” Hindi ko makatingin sa kanya dahil sa hiya. Hindi ko rin alam kung saan ako nahihiya.

“Anong dito lang ako?” Tanong niya. Kaya agad akong tumingin sa kanya.

“Tabi nalang tayo” At agad akong napatingin sa ibang direksyon dahil sa hiya. Nahihiya na talaga ako. Ano bang kagagahan to Inday? Umayos ka nga!

Narinig ko ang halakhak ni James. It’s like music to my ears. Narinig ko ang  mga yabang niya papunta sa direksyon ko.

“Are you sure of this Inday?” Tanong niya saakin. Naramdaman kong nakangisi siya.

“Wala ka namang masamang gagawin diba?” Para akong bata sa naging tanong ko. Gusto kong tumakbo at umalis sa lugar na to! Pero huli na nakalapit na siya sakin. Tinaas niya ang chin ko gamit ang daliri niya para makatingin sa kanya.

Nagtagpo ang mata naming at hindi na nga ako nagkakamali. Nakangisi siya. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kulang nalang sumabog ako dahil sa bilis ng tibok ng puso. Ohmy! Napapikit nalang ako at napahigpit ang pagkakahawak ko sa unan.

“The king respect his queen, and honey I respect you because you are my queen” Sa katagang iyon ay bumaon sa kinaibuturan ng puso ko. Bumilis ang tibok ng puso ko kulang nalang ay sumabog ito.

Humiga si James at humiga na rin ako. Sa ibang direksyon ako nakaharap. Hindi parin matanggal sa utak ko ang sinabi ni James.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon