B2: Chapter 25

1.8K 34 3
                                        


Chapter 25 - Endure


Pagmulat ng aking mga mata ang bumungad saakin ay puting paligid. Pamilyar ito dahil pabalik balik  na ako dito noong nakalipas na tatlong taon. Hindi ko nga inaasahan na babalik pa pala ako sa lugar na ito. Tumunog ang pinto kaya napatingin ako dito, bumukas ito at lumabas doon si James. Nagulat siya nang makita ako na gising na at agad niya akong nilapitan.


"Are you okay? May masakit ba sayo?" Alalang tanong niya ngunit hindi ako sumagot sa mga tanong niya, sa halip nakatitig lamang ako sa kanya. His eyes are full of worries and frustrations. Tila naiintindihan niya ang nais kong ipahiwatig kaya tumango lamang siya. 


"It's okay if you don't want to answer  me. What you need to do is to rest" Saad niya. Tumalikod siya at akmang aalis ng magsalita ako.


"Why you didn't tell me?" Tanong ko na nagpahinto sa kanya. Bumutong hininga siya bago bumaling saakin.


"For what reason Inday?" Tanong niya. Namaang ako. Kailangan pa bang may dahilan upang sabihin niya saakin ang totoo. Oo alam ko na noong una pa lang na may nobya siya, ngunit hindi ko aakalain na dumating na pala sa point na gusto nilang magpakasal. Kung hindi lang sana ako lumapit sa kanya noong una, kung hindi lang sana ako dumating sa buhay niya edi sana masaya na sana siya sa piling ni Scarlet. I'm just the extra. I'm just the supporting character in their love story. I'm just the antagonist in their life.


"Of course it matters James! She's been part of your life! Kung sana sinabi mo pa noong una pa lang na kinasal na kayo edi sana hindi na ako pumasok pa sa buhay mo upang makigulo. Kung saa sinabi mo noong una pa lang James na may plano na pala kayong bumuo nang sarili n'yong pamilya edi sana di na ako nanghimasok pa! Nagmukha akong katawa tawa James sa mata ni Scarlet at sa ibang  tao!" Sigaw ko. Lumapit siya saakin at hinarap ako.


"Kahit kailan Inday hindi ko pinagsisihan na pinapasok kita sa buhay ko. The truth is, I am so thankful that you came into my life. Akala ko noong una, siya na ang babaeng mamahalin ko. Akala ko, siya na pero noong dumating ka sa buhay ko Inday. Hindi ko aakakalain na mamahalin kita ng lubos lubosan higit pa sa sarili ko." Ang kanyang mga salita ay bumaon sa kaibuturan ng puso ko. Umiwas ako nang tingin. Tumalikod ako mula sa kanya. I didn't want to hear his words. I didn't want to hurt again in the same reason.


"You can go...Puntahan mo muna si Shane baka hinahanap ka 'nun" Narinig ko ang pagsinghap niya at narinig ko ang pagbukas at sarado nang pinto. Pumikit ako nang mariin at ang traydor kong luha ay tumulo galing saaking mga mata.  Hanggang makatulog ako sa ganoong posisyon.


Pag gising ko ang sakit sakit nang aking buong katawan at hihilo parin ako. 


"Inday..." Napatingin ako kay Ian, ang kanyang mga mata ay punong puno nang emosyon. Marami na siyang nagawa para saakin at ayaw ko nang dagdagan pa 'yun.  Alam ko kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa kanyang mga tingin, ayaw kong kaawaan niya ako. Ningitian ko lamang siya.


"Pwedi mo ba akong tulongan maglakad papunta sa banyo?" Tanong ko sa kanya. Kinagat niyang gilid ng labi niya at nilapitan ako upang tulongan makatayo. Inalalayan niya ako papunta sa banyo. 


"Salamat Ian" Ngiti ko sa kanya. Hindi siya umimik ngunit ang kanyang mga mata ay nangungusap. Isinarado ko ang pinto at inilock. Agaran akong pumunta sa sink nang banyo upang sumuka. Mahigpit ang kapit ko sa  magkabilang gilid ng sink. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak dahil sa sakit na aking dinaramdam sa nakalipas na isang taon. Napatingin ako sa sink na ngayon ay may maraming dugo. Nanginginig kong binuksan ang gripo nang tubig upang mawala iyon. 


Napatingin ako sa salamin ay nakita ko ang dugo na tumutulo galing sa ilong ko na agad kong pinahiran.  Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa pagitan nang malamig na tiles ng banyo. Ang sakit na iniinda ko mag isa ay unting unti nang lumulubha. Napatingin ako sa braso ko na ngayon ay may pantal na. Umiyak ako nang umiyak ngunit pinipigilan kong makalikha nang ingay. Ayaw ko na masaktan muli ang mga taong malapit saakin. Kaya nang pilit akong alokin ni Cassey na umuwi ay hindi ako nagdalawang isip na humindi dahil ayaw kong makasagabal sa kanila. Ayaw kong masaktan ko muli sila. Ayaw ko bigya uli sila nang sakit sa ulo. Kaya pilit ko silang itinataboy. Gumawa ako nang paraan para kakamuhian nila ako. Kaya sa pamamagitan 'nun pwedi na akong mamatay na hindi ko man lang sila nasasaktan. I want to push everyone away including James! 


I don't want hurt them again in the same reason. Nang iwan. Kaya kong indain ang lahat ng sakit mag isa. Kaya kong lumaban mag isa dahil alam ko sa laban na ito ako parin ang talo at masasaktan ko uli sila. I can endure pain. I can endure the needle. I can endure everything except one, I can't endure watching my loved ones hurting because of me.



Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon