Chapter 32 - Heart Disease

3.1K 60 9
                                        

“ Ano ba! “ Sigaw ko at inalis ko ang kamay ni ian sa mata ko.

 “ Problema mo?” Iritado kung tanong sa kanya.

Tinignan nya lang ako ng seryoso.

“ Wag kang titingin “ Sabi nya.

Hindi ko pinansin at tumingin ako sa baba, kitang kita ko sa dalawang mata kong pano maghalikan si James at Scarlet. What a fvcking show! Damn it! Bat di pa sila nag motel kung ipalakandan lang naman nila ang kalandian nila?

“Sabi ko naman diba? Pikit ka lang “ Sabi ni Ian sakin.

“ Ulol bakit naman ako pipikit, eh hindi nga ako nasasaktan eh!”

“Hindi nasasaktan? Pero umiiyak? Sino niloko mo?” Seryosong tanong ni Ian.

Agad kong pinahiran ang mga mata ko, Damn hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako. Shit!

“ Napuwing kasi ako, Grabi! Ihipan mo nga “

“ Talaga? San ko ba iihipan? Sa mata mo o dyan sa puso mo? Para mawala na ang sakit?”  Sabi ni Ian.

“ Try mo sa likod ko baka makatulong, Tae ka!”

“ Alam mo ang hina mo!” Biglang sambit ni Ian

“ Sinong mahina? Ako? Gusto mong sapakin kita dyan?”

“ Hindi mo kasi alam, na nahulog ka na pala sa kanya “

At dun ako natigilan. Wait ano? Ako nahulog? Kailan? Saan?

“ Alam mo pag di ka pa tumigil e huhulog na kita!” Sagot ko.

“ Seryoso Inday, Mahal mo na si james ano?” Seryosong tanong ni Ian. Halos di ako makasagot, Parang na bara ang lalamonan ko. Gusto kung sabihing hindi pero bakit di ko kayang sabihin? Argh! Bwisit naguguluhan ako.

“ HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA si j-james? HAHAHAHA Ma-Mahal ko? HAHAHAHA. Nahihibang ka na ba?! “ Sigaw ko kay Ian saka tumayo at naglakad papalayo pero bago pa ako makalayo may sinabi sya.

“ Wag muna inday, masasaktan ka lang“

 

 

Bumaba ako sa rooftop ng gulong gulo dahil sa mga pinagsasabi ni Ian. Minsan  parang bata si Ian, Yung childish at walang magawa sa buhay kaya nilalait ako. Pero minsan nagugulohan ako sa kanya kasi parang may alam sya. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon