Chapter 6

6.4K 119 14
                                    

Chapter 6 - Revelation

One week na rin ang nakalipas simula 'yung pangyayari sa Music room.

Omygod hindi ko kayang e-imagine iyun. Sabihin na natin na ang pangyayari na 'yun ay kailangan ibaon sa ilalim ng kaibuturan ng lupa.

Wala kaming pasok ngayon dahil linggo. Wala akong magawa sa buhay kundi humilata sa kama ko habang nakanakikinig ng music sa ipod ko. Kinuha ko muna ang laptop ko para buksan ang Facebook ko.

James Ethan Montgomery Add you as a friend: | Confirm | Not now |

Ang kapal talaga ng James na 'to. Akala mo close na kami di 'porket iniligtas niya ako 'dun sa impyernong Music room na 'yun. Pero para naman makapagpasalamat ako 'dun sa James na 'yun ay ni -click ko 'yun; Confirm.
Habang nag scro-scroll ako sa newfeeds ko ay nakita ko ang profile picture niya.

Nakangiti siya at habang nakaside view. Sus ang hambog edi siya na ang gwapo. Hmp. Mas gwapo pa din si Aldrich my loves. Three thousand likes 'yun picture niya. Ang dami pang maharot na nagcocomment.

Ang pogi ni baby James mwuah mwuah

Maka baby akala mo ina ni James tss.

Pakasal na tayo James. Hart'hart

Eh kong sakalin kita? Hart'hart

Nakakalaglag baba ang kagwapohan mo James my loves.

Kalma te baka masaktan mo si James. Sharp object are strictly prohibited.

@Ng P0g!3 p0G!3 m0u3xZs j4M3s. icKh4w Lh4nG x4pH4t n4hH.

Buti nalang at naisara ko ang laptop ko bago ko pa ibato. Leche kinalibutan ako dun ah?

Nang biglang bumukas ang intercom sa kwarto ko at may narinig akong tawanan. Leche bakit ba iniwang bukas 'yun? Dinig na dinig ko ang tawa ng butihin kong ina. Grrr!

Kaya dali dali akong bumaba para isira ng Intercom.

Agad kong nadatnan si Mommy katawanan ang mama ni James. Nasa gilid lang naman si James at tinitignan ako. Problema niya. Grrr! Bat pa ako mashoshock kong nandito sila eh. Alam ko naman na magkaibigan ang Mommy ko at mama niya kaya natural lang nandito sila. Pero nakakainis. Bakit ba binuksan nila ang intercom. Naistorbo tuloy ako.

"Mom bakit mo naman iniwang bukas ang intercom?" Reklamo ko.

"Good morning anak ko" Bati agad ni Mommy. Maka anak ko naman to si Mommy. Hindi Mom pinsan kita pinsan tss.

"Whatever" Sabi ko at inirapan si Mommy. Sanay na sa asal ko si Mommy kaya no offense na 'yan sa kanya. Agad akong pumunta sa kung saan nandun ang button ng intercom agad kong pinatay yun. Kainis istorbo.

Paakyat na sana ako nang mag salita si Tita Natasha.

"Good Morning Iha!" Sabi ni Tita kaya lumingon ako at ningitian siya. Nahagip naman ng camera este ng mata ko si James nakatingin sa akin.

Inirapan ko lang siya.
Agad akong umakyat sa kwarto at humiga muli. Mayamaya pumasok si Mommy na may malapad na ngiti.

"Anak kumusta kana?" Tanong bigla ni Mommy.

"Tagal natin di nagkita ah? Okey lang naman ako, ikaw ba?" I said sarcastically. Makatanong naman to si Mommy ng kumusta.

Kala mo hindi kami nagkikita araw araw. Umupo siya sa tabi ko at hinampas ako.

"Ano ba!" Inismiran lang naman ako ni Mommy at ngumiti naman ulit siya ng malapad. Ano ba problema niya?

"Anak kong maganda gusto mo ba ng bagong damit? Sapatos? Ba-"

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon