Chapter 31 - Pikit ka lang

2.9K 62 5
                                    

Nandito ako sa rooftop. Nag ditch ako sa klasi. Sino ba naman gustong pumasok pagkatapos nun nangyari kanina? I’m sure pinag pyepyestahan na ako nga chimoso at chimosa. Bwisit.

“AAAAH NAKAKAINIS TALAGA!” Sigaw ko.

“Aaaah ang ingay mo sobra!” Agad naman akong napalingon sa likod.  Nang wala akong Makita ay kinabahan ako.

“Boo”

“Kyaaaaah!” Halos mapalundag ako dahil sa gulat. Agad kong nakita si Ian nasa likod ko lang pala. Bwisit akala ko pa naman kong ano.

“ Peste ka talaga! Bat ka nangugulat! Akala ko pa naman may multo” Sigaw ko at hinahampas ko sya sa braso.

“Ang ingay mo  kasi, tsaka kanina ang lakas ng apog mong makipag away, tas ngayon natatakot ka sa multo?” Tanong nya sakin. Napakadaldal talaga ng lalaking ito.

“Mas scary kaya ang mga multo kaysa sa buhay!” Sabi ko.

“Mas scary kaya mukha kay sa multo” Sabi ni Ian habang ginagaya ang tono ko.

“ Ano?! Gusto mong ihulog kita?!” Sigaw ko at hinampas ko ulit sya.

“Hahaha joke lang, ito naman masyado highblood” Sabi niya at sumapa sa railings, ganun din ako. Nakatingin kami sa kabuohan ng university.

“Alam mo mas nakakatakot ang buhay kaysa multo”

“Huh? Bakit naman?” Tanong ko sa kanya. Saan nya naman napulot yan? Na mas nakakatakot ang buhay kaysa multo? Sobra kayang nakakakot ng multo. Shunga ba sya?

“Eh kasi ang mga multo tatakotin ka lang, Ang buhay sasaktan ka, Kaya mas lalo kang matakot sa buhay.” Sabi nya habang seryosong nakatingin sa malayo.

Di ko gets. -_-“

“Wow grabi saan ka ba galing planeta at yan ang pinagsasabi mo?!”  Tanong ko.

“Sa Earth, Ikaw ba? Sa Mars? Para ka kasing hindi tao eh”

“ Ha Ha Ha, E kasi dyosa ako. D-Y-O-S-A” sagot ko.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon