Chapter 22 - Truth
Umuwi ako sa bahay at wala pa itong tao. Mamaya pa uuwi si Ian at naisipan ko aabsent muna ako ngayong araw. It's been a long day. Sumalampak ako sa sofa at tumitig sa ceiling ng bahay. The interior design of this ceiling was amazing. Mapapansin mo talaga na mayaman ang may ari nito dahil ang mga design ay dikalibre at talagang sinadyang buohin. Pumikit ako nang mariin. Mas mabuti nang ganito. Mas mabuti na mananatili akong ganito dahil kahit anong gawin hindi na maibabalik ang nawala.
Napatingin ko sa relo ko na nasa kanang kamay ko. Makapal na leather ang nakapalibot dito. Ang relo ay simple lamang at walang masyadong disenyo pero maganda ito. Dahan dahan kong hinubad ang relos. Bumungad saakin ang mga malalalim kong sugat mula saaking paglalaslas. Napakarami nang aking sugat na ngayon ay naging pilat na. The scars on my wrist are the evidence of what I have been through. I know this is just a scars, but this is the one who made me strong. Siguro nga, tama sila. That I am so coward and stupid na hindi ko man lang pinakinggan ang lahat ng kanilang mga ekplenasyon. Ngunit masisisi nila ba ako? They made me fool, pinaglaruan nila ang buhay ko at ang nararamdaman ko. At mas lalo akong nasaktan nang malaman ko na ang gumawa saakin 'nun ay ang sarili kong pamilya. Yes, they were just thinking about my future and it was also for my own good but they never considered my feelings . Kung masasaktan ba nila ako o hindi.
I was so hurt and devastated. I felt completely fool and stupid. Mangmang at walang kaalam alam sa nangyayari. They were just playing my feelings and my emotions. Akala ko ang pamilya ko lamang ang aking makakapitan ngunit sila ang unang bumitaw. Sila ang unang umalis. Sila ang unang nang iwan. I thought my family were the one who will understand me the most, but they were the first one who judged me. Kailan man hindi nila nakita kung sino man ako dahil nabulag sila lahat sa kamalian ko. Hindi nila nakita kung tunay na ako.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko at agad ko itong pinahiran. Inday, pride lamang ang meron ka. Kaya panindigan mo ang lahat ng nagawa mo. It's too late to turn back.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at lumabas dito si Ian. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang ekpresyon ng makita ako. Agad niyang inilapag ang dala niyang bag at lumapit saakin.
"Bakit ka nag ab..." Huminto siya at tinitigan ako nang maigi, tila sinusuri niya ang buong mukha ko.
"Are you okay?" Tanong niya. I tried to smile but a traitor tears escaped from my eyes. Agad niya akong niyakap.
"Shh.. it's okay to cry you know" Bulong niya. I feel really sorry towards him. Nadamay pa siya sa lahat ng gusot na ito. I drag him to this mess. Lahat nalang ng tao sa paligid ko ay sinasaktan ko.
"I'm sorry Ian...I am really sorry" Hikbi ko sa pagitan ng kanyang yakap. Hinagod niya lamang ang likod ko at hindi siya nagsalita.
"I'm just pretending that I have an amnesia. I lied and I hurt you. I'm really really sorry Ian" Hikbi ko.
"Hindi ko nakalimutan ang lahat. Hindi ko nakalimutan kung sino ako. In fact, it was so clear and fresh on my mind what happened three years ago. Hindi ko alam ang gagawin ko. I was so devastated and depressed. Ayaw kong bumalik at ayaw ko rin silang makita kaya wala akong naisip kundi mag panggap na walang naalala. Dahil kahit papaano, kahit papaano Ian may mapupuntahan pa ako. I took advantage on you, ginamit kita para makalayo sa kanila. Para makalimutan ang lahat ng sugat at sakit ng aking nadama. I first, I felt hesitant dahil nagsinungaling ka saakin 'nun nagising ako. Pero nalaman ko na, mabuti ka palang tao. You gave me light. You gave me hope Ian. And I'm so very thankful about that. You are one of the reason why I am so strong today. " Humiwalay ako sa aking pagkakayakap sa kanya. Nagulat ako nang makita na namumula ang kanya mga mata at may luha na tumakas doon na agad niyang pinahiran.
"Is it a farewell message?" He asked me. Nagulat ako sa naging tanong niya. Hindi ba siya galit dahil ginamit ko siya? Hindi ba siya galit dahil nagpanggap ako na ibang tao sa harap niya?
"You're not mad?" Hindi ko mapigilang hindi mapatanong. He just smiled. It was sincere and genuine smile.
"Bakit naman ako magagalit? Nung una palang ay nagsinungaling ako sayo at nagpakilala na asawa mo dahil, hinahanap ka nila Scarlet. Ginawa ko lamang iyo dahil upang mailayo kita kay Scarlet. Una pa lang alam ko na planado lamang ang lahat ng iyon. That's why I tried to give you warning when we were on the rooftop. Ayaw kong manghimasok sa inyo dahil una palang ay wala akong karapatan." Ikinawit niya ang mga takas kong buhok sa aking tenga.
"Alam ko pa noong una na nagpapanggap ka lang, ngunit hinayaan lamang kita dahil alam ko na sariwa pa ang mga sugat at sakit. Kahit sinabi mo sa harap ko na ikaw si Nice Caileigh Velasco ngunit ang inyong mga mata ay taliwas sa iyong sinasabi. Gumawa ako nang paraan upang maibalik lahat ng nawala na pagmamahal. I'm just helping you and you didn't used me" Saad niya. Ang kanyang mga mata ay punong puno nang halo halo na emosyon na hindi ko mabasa.
"And I didn't expect that I will be falling in love with you. Isn't funny, how I saw beauty on someone's pain? I suddenly have the urge that I should protect this girl. That I should give this girl a hope because this girl is so beautiful to be broken. But I know....you are still in love with him. You still love him Inday. You always will" Nakita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha galing sa kanyang mata. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Pakiramdam ko kasalan ko ang lahat.
"Scarlet lied. When she told you that James knew all of the planned that both of your parents made. He didn't knew everything Inday...just like you and that's the truth" Saad ni Ian.
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Roman d'amour[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...