Chapter 3 - Connected
"Magkakakilala kayo?" Sabay na tanong ng Mommy at 'nun babae which is 'yung Presidente. Sumigaw lang kami ng sabay magkakilala na? At kailan pa sumali si Mommy sa choir at talagang sabay sila?
"Hindi" Sabay naming sagot ni Mr. Calvin Klein. Aba! Nakikigaya. Pasabugin ko bunganga niya eh. Bwisit talaga 'tung lalakeng brief na to. Dahil sa kanya nasira ang maganda kong mukha. Tinignan ko siya. Tinignan niya rin ako. Aba pektusan ko siya eh! Nakikigaya 'tong pangit na lalaking brief nato ah. Inirapan ko siya.
"Ah!" Sabay naman na pagsangayon ng Mommy at President. Yung totoo choir ba 'to? Duh. Tumingin naman sila sa isa't isa at parang may binabalak sila na di kanaisnais. Para silang baliw seriously. Tss.
"Oh Inday saan ka pala pupunta?" Tanong bigla ni Mommy. Bigla naman akong napatingin sa lalaking brief na 'yun na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Anong nakakatawa ha?! Sabihin niyo! Pasabugin ko bunganga niya eh!
"Over the rainbow, sama ka Mom?" Sagot ko. Pag badtrip ako okey? Hindi naman pinansin ni Mommy ang pabalang kong sagot.
"Oh? James anak, bakit ka na naman nandito?" Tanong 'nun President. James? Pamilyar 'yun pangalan niya ha!
"Ah? Wala lang" Sagot 'nun James sa nanay niya saka tumingin sakin. Ngumiti naman siya nang nakakaloko. Jusko kung alam niya lang, Kinalibutan ako sa ngiti niya.
"Umupo na nga kayo. " Sabi ni Mommy habang may kakaibang ngiti. Ano na naman trip nito?
Yung pwesto naming nasa harap ko 'yun James na 'yun. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba siya pa ang ganang mag head to foot ah! Tinaas ko siya ng kilay at inirapan.
Tumikhim naman ang ina ko kaya tumingin ako sa direksyon niya. Ngumiti naman siya sakin.
"Inday siya nga pala si Natasha, Ang matagal ko nang hinahanap na bestfriend ko." Pagpapakilala ni Mommy dun Presidente.
Siya pala ang kinikwento ni Mommy niya best friend niya daw na matagal niya daw 'di na nakikita.
"Hi" Bati ko kay Tita Natasha. Char nakikitita na ah! Hindi bagay sakin maging mabait shit.
"Hi Iha. Ako nga pala si Tita Natasha mo. Aba Anitasha ang ganda ng anak mo ah? Manang mana sayo" Sabi ni Tita Natasha. Naks na flutter naman daw ako.
"I know right Mare!" Sabi ni Mommy. Alam niyo na kung saan ako nagmana ha?
"Ano nga pala pangalan mo Iha?" Tanong bigla ni tita natasha. Magsasalita na sana ako kaso na unahan ako ng Mommy ko.
"Inday Ford, Inday Ford ang pangalan niya." Sabi ng Mommy ko. Di ba ang tinanong anong pangalan ko? Bakit palayaw ang sinagot ni Mommy! Shit talaga at pagkatapos nun humalakhak ng bonggang bongga si James Brief. Naningkit naman ang mata na nakatingin kay James na'yun kaya agad siyang hinampas nang mama niya para matigilan.
"Pagpasensyahan mo ang anak ko Inday ha?" Paghihingi ng despensa ni Tita Natasha. Pasensya? E kanina pa nauubos ang pasensya ko sa James nato. Sasagot na sana ako ng mag salita si Mommy.
"Okey lang 'yun Mare. Di ko naman masisisi si James sadyang napakaunique lang talaga ng pangalan ng anak kong 'to" Sagot ni Mommy. Sabihin niyo nga kailan pa naging ako si Mommy? Sagot! Kanina pa ako tinatanong dito at kanina pa din na si Mommy ang sumasagot.
"Mare, si James nga pala anak ko. James, Tita Anistasha mo..." Pakilala ni Tita Natasha sa James na yun kay Mommy. Paki ko sa kanila?
"Hi Tita! Ang ganda po niyo po, kaya nagtataka po ako kung saan nag mana ang anak 'niyo" Sabi nung James sa kay Mommy. Anong ibig niyang sabihin? Ha!

BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romans[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...