Chapter 12

4.6K 102 9
                                        

Chapter 12 - Contract

Susundan ko na sana si Ethaniel nang biglang nagsalita si Mommy.

"Teka anak!" Napahinto ako at nilingon siya may pagtataka.

"Kailangan ituloy ang engagement" Saad ni Daddy.

Oo nga pala, kailangan matuloy ang pesteng engagement nato.

"Ano?" Sigaw ni James kaya wala sa hangin ako napairap. Ang drama niya. Akala niya naman gustong gusto ko 'tong pesteng engagement . Hell no! Mas gugustuhin ko pang makagat ng lamok kesa ma engage sa panget na to!

"Anong ano? Huwag ka ngang umepal! pumayag ka nalang! Tusokin ko 'yang mata mo eh" Sabi ko sa kanya at pinandilatan.

"Inday!" Awat saakin ni Mommy.

"Oh? hindi pa naman nabulag ah" Pagtataray ko.

"Maupo muna kayo" Suhestyon ng Papa ni James.

"Ayaw ko nga!" Angal ni James. Aba tong hampaslupang ito pinapatagal pa ang engagement na to! Gusto ko nang umuwi'

"Hoy! Huwag ka ngang trying hard! Umupo ka na!" Hindi na ako nakapagtimpi at sinigawan ko siya

"Ayaw ko nga!" Sigaw niya pabalik. Ang pabebe pa 'tong mokong na 'to.

"Ayaw mo talaga ha?" Pagababanta ko saka tumayo. Piningot ko ang tenga niya napahapyaw siya.

"Aray! Ano bang problema mo!" Sigaw niya kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa tenga niya. Agad ko rin siyang hinila paupo para matigil na ang kadramahang ito.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ba napaka trying hard mo! Pabebe ka!" Sigaw ko sa kanya. Nauubos na talaga ang pasensya ko sa kanya,

"Hindi sa trying hard ako! Ayaw ko talaga sayo!" Sigaw niya pabalik. Tahimik lang na nagmamasid ang mga magulang namin.

"Oh bakit? Akala mo gusto ko ang nangyayari ngayon? Akala mo gusto kita? Ulol! Umuwi ka sa inyo! Kain ka bubog gago!" Apaw na apaw ang galit ko. Natigilan nalang ako ng biglang sumingit si Daddy.

"Inday! Watch your mouth!" Maawtoridad na saad ni Daddy kaya wala akong nagawa kundi umupo muli. May inalabas na dokumento si Daddy kung saan nakalagay ang engagement certificate namin.

"Here" Sambit ni Daddy tsaka ipinasa saakin ang isang pares ng dokumento kung saam ako peperma. Agaran ko itong pinirmahan at ipinasa kay James.

"Aanohin ko 'yan?" Kunot noo niyang tanong.

"Kainin mo" Walang kaemosyon emosyon kong sagot. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya napairap ako.

"Permahan mo, tanga!" Sambit ko.

"Ikaw ha! Kanina ka pa namumuro saakin" Asar na saad niya.

"Pake ko?" Walang kaemosyon na sambit ko.

"Permahan mo na kasi! Ang dami pang kaartehan! Bilisan mo! Para makauwi na ako!" Asar na sagot ko kaya busangot niyang pinirmhan ang mga papeles. Tumayo na ako dahil aalis na ako.

"Teka Inday, saan ka pupunta?" Pigil saakin ni Daddy.

"Obviously Dad, uuwi na" Sagot ko.

"Oh alam mo ba ang address?" Tanong niya saakin. Kumunot naman ang noo ko sa narinig.

"Anong address? Uuwi na ako sa bahay! Anong address ka diyan!" Saad ko. Bigla naman ipinakita ni Daddy ang papeles na pinirmahan namin kanina.

I, Isha Nice Denise Abigail Yna Ford solemnly promised to live under the same roof with James Ethan Montgomery.

Halos nanglaki ang mata ko sa nabasa 'ko. What the hell! Paano nangyari 'to?

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon