Chapter 18 - Mad
Ilang araw na ang nakalipas na naging close namin si Shane. She's nice, too nice actually. Yung punto na hindi ko pa siya nakikitang naiirita o nagagalit. She's too good to be true. But then, baka naghahanap lang talaga ako kamalalian niya dahil nangliliit ako sa kanya. No. I shouldn't have that kind of feeling. I'm Isha Nice Denise Abigail Yna Ford and I never been insecure or conscious in my whole damn life.
Nakatingin ako kay Shane ngayon na skirt na white at floral na blouse habang sinapawan niya ito nang blazer. Pinaresan din niya ito ng light pink na dollshoe at isang designer na bag.
Napatingin ako sa suot ko. I'm wearing ripped jeans and black midriff and a 6 inch heels. I'm not even sure kung pang pa opisina ba ito o hindi.
"Let's go to bars tonight? My cousin are having birthday party." Bulong ni Angelou.
"I'm not invited, Angelou" Saad ko at muling inaayos ang mga design na nasa lamesa ko.
"I got you an invitation card" Ipinakita niya saakin ang isang black na card at may nakasulat doon ang kilalang bars sa lungsod na ito.
"Nakakahiya" Saad ko. It's friday at nagtxt saakin si Ian na mag oovertime siya sa trabaho niya dahil may mali sa ginawa niyang proposal sa isang bigating kompanya.
"Loosen up, Nice!" Saad ni Angelou.
"Isasama ko si Shane" Saad niya. Napatingin ako sa kanya. Shane are too innocent for that kind of place.
"She doesn't know what happen on that kind of place and I'm sure hindi siya papayag." Bulong ko sa kanya. Kinindatan ako ni Angelou at ngumisi nanv nakakaloko.
"She already agreed, my dear Nice" Saad ni Angelou. Hindi ako makapaniwala na napapayag niya si Shane. She maybe brainwashed her.
"Whatever Angelou!" Saad ko. Sa huli napapayag niya parin ako. Pumunta kami sa bahay niya, Hindi ko alam na party girl pala 'to si Angelou.
Pinahiram niya ako ng highwasted and ripped shorts. I insist at first dahil kaya ko naman bumili niyan pero mapilit ang gaga. Pinahiram niya rin ng masusuot si Shane na hanggang ngayon ay tudo hila niya pababa ang suot niyang maiksing black dress.
Nakasanayan ko na magsuot nito, higit pa nga rito ang nasusuot ko. You know I can be daring. Sumakay kami sa kotse ni Angelou. I texted Ian na may pupuntahan akong party at hindi siya nag reply. Maybe he's too busy to look at his phone.
"Stop ruining your outfit, Shane" Pansin ni Angelou.
"I'm just uncomfortable" Saad niya. She's just over reacting, may maiksi pa nga ang short na suot ko kaysa sa damit niya. I'm also wearing a black midriff na kahit hindi ko itaas ang kamay ko ay kitang kita na ang flat kong tiyan.
Pumasok kami sa venue na pinagdadausan ng party nang pinsan ni Angelou. Pumasok kami sa loob at bumungad saamin ang dumagundong na tunog ng electric music at nakakahilo na lights. Maraming tao at hinila kami ni Angelou sa kinaruruonan ng pinsan niya.
"Happy birthday cousin!" Sigaw ni Angelou at sinalubong ng yakap ang kanyang pinsan. Napansin ko ang pagkakahawig ng kanilang mata at ilong pati na rin kutis.
Napabaling ang pinsan niya saamin.
"Who.." Nagtatanong na saad ng kanyang pinsan na lalaki.
"Ah! They are my friends. Nice and Shane" Pagpapakilala ni Angelou saamin.
"Happy Birthday!" Bati namin ni Shane.
"Thank you.. Enjoy the party! Huwag kayong mahiya ha?" Saad niya. Tanging tango at ngisi lang ang isinagot ko.
Hinila kami ni Angelou sa counter at humingi nang maiinom sa bartender. Agad kong nilagok ang isang shot ng tequila. It's been awhile.
Tumanggi pa nung una si Shane ngunit hindi siya nakaligtas kay Angelou. Sa bandang huli napainom namin siya. Medyo marami rami na ang nainom ko at napansin kong wala na akong katabi. Nasaan na ang mga bruhang iyon.
Tumayo ako sa kinauupuan ko na high chair at nagsimulang nakihalo sa dagat ng tao. Ang dumagundong na tunog ng musika at sigaw ng mga tao ang tanging naririnig ko.
Nagsimula na rin akong sumayaw. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, matagal tagal na rin akong hindi naging masaya. Puro lamang problema ang inaatupag ko.
Nakaramdam ako na kamay sa beywang ko. Ang kanyang kamay ay dumaloy sa tiyan ko at huminto sa puson ko. Napasinghap ako nang nagsimulang magguhit ito nang pabilog gamit ang daliri niya. Napapikit ako dahil sa kakaibang dala nito.
Nagulat ako nang biglang may nagsigawan sa gilid ko. Inimulat ko ang aking mata at gulat na gulat ako nang makita ang malapad na likod ni James habang walang habas na sinusuntok niya ang isang lalaki.
"Nice!" Sa dagat nang hiyawan ay narinig ko ang sigaw ni Angelou. May nagtangkang awatin si James ngunit walang habas niya itong iniwakli.
"James!" Sigaw ni Shane. Nanglamig ako sa nakikita ko. Hindi ko alam ko ano ang gagawin ko. Ang paulit ulit na suntok ni James sa duguan na mukha ng lalaki ay di matanggal saaking isipan
"Tama na!" Halos hindi ko marinig ang sarili ko. Hinila ako ni Angelou papalayo ngunit iniwakli ko ang kamay niya.
"James! Tama na!" Sigaw ko. Huminto sa ere ang kamao niya bago tumayo patalikod saakin. He's mad, very mad.
BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romance[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...
