B2: Chapter 10

1.7K 45 5
                                        

Chapter 10 - Thicker than Water

Agad akong nagtungo sa comfort room ng restaurant. Hindi ko mapigilang hindi mainis. That bitch, hindi pa rin siya nag babago. Pero siguro nga tama siya, tama si Messy na deserved ko 'tong kawalang hiyaan sa buhay. My life really sucked.

Agad kong pinahiran ng tissue ang mukha at damit kong nabasa. Lumabas ako sa restaurant at pumara nang masasakyan. Buti nalang ay may pinakamalapit na boutique kaya bumuli ako nang damit na kahit papaano ay babagay sa trabaho ko. Bumalik din ako sa opisina bago pa matapos ang lunch break. Nagulat nalang ako nang biglang lumapit si Angelou saakin. Kinilatis niya nang mabuti ang kabuonan ko na para bang naghahanap siya nang mali.

"Are you okay? Bakit nagpalit ka ng damit?" Tanong niya.

"Yep, nadumihan kasi habang kumakain ako" Pagsisinungalin ko. Sa totoo lang ay hindi pa ako nakakapaglunch dahil sa nangyari saamin ni Messy kanina sa resto. Nakakahiya pang kumain doon na may mga tao nang nakakita sa nangyari kanina.

"Okay, teka? Kilala mo ba 'yung babae kanina? Parang mayaman siya ah" Pagtatanong niya.

"Yep" Sambit ko at inabala ko ang sarili ko sa mga papeles na nasa harap ko. Napansin niya siguro na ayaw kong pag usapan tungkol dun kay Messy kaya tumahimik siya at naglakad papunta sa kanyang lamesa.

Buong araw akong abala sa pagsusumita ng mga designs sa iba't ibang kwarto at bahay. Buti nalang talaga at nandyan si Angelou na tinulongan ako sa maliliit na bagay na hindi ko pa alam. Ilang taon na din daw siyang nagtratrabaho dito kaya alam na alam niya kung ano ang mga kalakaran dito.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ian nang sinundo niya ako galing sa trabaho.

"I'm tired. Ang daming kailangan ipasang designs" Saad ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

"Pinapahirapan ka ba ng boss niyo?" Tumaas ang kilay niya sa tanong niya. Umiling naman agad ako.

"No, talagang ganun talaga. Lahat kami busy, siguro hindi lang talaga ako nasanay dahil una ko 'tong trabaho." Saad ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto nang sasakyan bago umikot siya sa driver seat. Pumasok na din ako sa loob at tinignan ang oras. Alas diyes na nang gabi, kaya halos wala nang tao dito sa parking lot ng building namin. Habang papaalis kami ay nahagip ng mata ko ang isang itim na sasakyan na Mazda 6. Nawala ang atensyon ko doon sa sasakyan ng magsalita si Ian.

"Are you hungry?" Tanong niya saakin.

"Super" Saad ko. Simula kaninang lunch ay hindi pa ako kumain at dahil sa sobrang busy hindi ko napansin na gutom na gutom na pala ako. Ngayon lang.

Lumiko ang sasakyan niya sa Gerry's grill at nag park siya ng sasakyan sa harap nito. Lumabas kami at pumasok sa loob ng kainan. Walang masyadong tao dahil gabi na kaya agaran kaming nag order ni Ian.

"How was your day?" Tanong niya sa kalagitnaan ng aming pag kain.

"Fine. Ikaw, kumusta trabaho mo?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Okay lang naman. Nice, let's go to tinago this weekends?" Bigla niyang alok. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ngayon weekends na talaga? As in ngayon na talaga?" Hindi ko mapigilang hindi mapatanong. Humalakhak siya sa naging reaksyon ko.

"Yes!" Sambit niya.

"I'll try...baka may trabaho ako sa weekends eh" Saad ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Then give an excuse to your boss..." Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang mata namin at parang binabasa niya kung ano ang nasa mata ko ngunit agaran ako nag iwas ng tingin.

"I'll try Ian..." Sambit ko.

Kinabuksan ay maaga kaming pumasok ni Ian. Hinatid niya pa ako sa trabaho.

"Umalis ka na! Baka ma late ka na!" Tulak ko sa kanya. Bigla niya akong hinalikan sa pisnge kaya natigilan ako.

"Bye my Nice!" Pagpapaalam niya. Tinignan ko ang sasakyan niya na papaalis hanggang maglaho ito sa paningin ko. Bumutong hininga ako at nagsimulang maglakad papunta sa elevator ng basement.

Nakatayo ako ngayon at hinihintay kong sumira ang pinto ng elevator ng biglang may bumukas ito muli at may taong pumasok. Nagtama ang mga mata namin kaya agad akong umiwas. Pinindot niya ang floor na kung saan nandoon ang opisina taliwas sa floor ng opisina niya.

Mahabang katahimikan ang bumalot saamin ng bigla niya itong binasag.

"So...he is your boyfriend?" Matigas niyang pagkakasabi habang tinitignan niya ako gamit ang repleksyon namin sa pinto ng elevetor.

"Opo...Sir" Sambit ko. Anong pakealam niya kung boyfriend ko nga si Ian. Marahas siyang suminghap. Hindi na siya sumubok pang magsalita. Buti naman.

"Are you okay now? I heard you involved in car accident three years ago" Mahinon niyang tanong. He's trying to be composed but he's not. Umiigting parin ang kanyang panga senyales na galit siya.

"Okay naman po" As far as I can. I want to be sound polite and kind. Ayaw kong mabuking niya ang papanggap ko.

"I heard you had an amnesia" Sambit niya.

"With all due respect Sir, but I think that is a personal matters" Saad ko. Pumikit siya ng mariin bago sinalubong ang mga mata ko.

"I'm sorry" That words seems so easy for them to say but it's really hard to accept and to forgive.

Hindi na ako muli pang nagsalita ngunit ramdam ko ang paninitig niya saakin. Hindi ko pinansin iyon ngunit ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Tumunog ang elevator hudyat na nasa floor na ako. Lumabas ako ng elevator ngunit nagulat ako nang nararandaman ko parin ang presensya niya.

Naglakad ako papunta sa lamesa ngunit napako ang mga paa ko nang makita ko ang dalawang babae na nasa gilid ng opisina ko.

Kinakausap sila ni Angelou at nung mahagip ni Angelou ang paningin ko ay agad niya akong tinuro. Lumingon sila pareho saakin at laking gulat ko nang muli ko silang makita. Pagkatapos nang tatlong taon ay muli ko silang nakita. Nakita ko ang pamumula ng mata ng matangkad na babae habang umiiyak naman ang kasama niya.

Narinig ko ang yabag ni James likod ko upang lapitan ang dalawa.

"Cassey, Amethyst, anong ginagawa niyo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ni James sa dalawa ngunit nakatingin lamang sila saakin. Nanglulumo.

---

Comment naman diyan! hahaha!

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon