Chapter 13 - Punishment
Sabay naming nilangoy ni Ian paggitan namin sa kanila. Unang umahon si Ian upang kunin ang tuwalya at ibigay ito saakin.
"Ms. Velasco, I didn't expected you would be here." Ani ni Mr. Canas, Head manager ng aming department.
"Ah..Oo nga po eh" Awkward akong ngumiti sa kanila.
"Bakit nga po kayo nandito...I mean.." Hindi ko na naipagpatuloy ang aking tanong ng magsalita si Angelou.
"Naging successful kasi ang isang deal ni Sir Montgomery na nasa Manila kaya ito, kaonting selebrasyon." Sagot ni Angelou. Napabaling naman ako kay James na ngayon ay umiigting na ang panga habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Sino..." Napatingin ako kay Angelou na ngayon ay nagtatanong na tungkol kay Ian na nasa tabi ko.
"A-Ah..boyfriend ko. Si Ian.." Pagpapakilala ko sabay naman silang tumango.
"Ian mga katrabaho ko nga pala sila" Pagpapakilala ko kay Ian.
"Hello! I'm Ian Glem" Bati ni Ian.
Nakaupo kami ngayon sa di masyadong malalaking bato habang tinignan ang mga lalaki kong kaopisina na kasama ni Ian at nag iinuman.
"Grabe 'yung nadatnan namin ha!" Napatingin ako kay Angelou na nagsalita.
"Oo nga! Sayang talaga't dumating kami" Napatingin naman ako isa sa katrabaho ko na si Lia.
"Baka rakrakan na!" Malisyosong sambit ni Angelou. Hugikhik naman ang iba kaya tanging iling lamang ang aking naisagot.
Hindi pa rin natanggal sa isipan ko ang mga titig ni James. Nakita niya kaya? Sana nakita niya! Para naman magiging malaking sampal iyon sa kanya.
Naagaw naman ang atensyon ko nang biglang naglapag sila Angelou at Lia ng mga inumin.
"Akala nila ha! Sila lang" Sambit ni Angelou habang tinitignan ang mga lalaki na nag iinuman. Nahagip ng paningin ko si Ian na nakatingin sa direksyon ko. Ngunit ako sa kanya at sinenyasan siya na okay lang saakin. Ngumiti rin siya pabalik.
"Asus! Talaga naman 'tong mag lovers oh! Ang swe-sweet" Puna ni Angelou. Tumawa naman ako sa naging opinyon niya.
"Kanina pa yan sila ah" Singit naman ni Shane na ka opisina ko din.
"Asan na ang ice, Lia?" Tanong ni Angelou.
"Diba ikaw nagdala 'nun?" Takang tanong ni Lia.
"Anong ako? Nagdala pa nga kaya ako ng mga pulutan" Saad naman ni Angelou.
"Hala! Naiwan sa sasakyan" Gulat na sambit ni Lia. Bumaling naman silang dalawa saamin. Agad nag iwas ng tingin si Shane pati na rin sila Caries at Monette.
Bumutong hininga ako bago tumayo.
"Thank you Nice!" Saad ni Angelou. Kung hindi talaga ako makapagpigil matagal ko na silang pinag uumpog lahat.
Naglakad ako palayo. Malayo layo pa naman ang pinagparkingan ng kanilang mga sasakyan.
Ang mga huni ng ibon at tunog ng mga layang dahon na aking naapakan ang tanging naririnig ko. Nakaramdaman ako ng lamig dulot ng basa kong damit at malamig na simoy ng hangin. Niyakap ko ang sarili ko at dali daling naglakad pabilis.
Nang makarating na ako ay agad akong nagulat nang makita ko si James na naninigarilyo habang nakasandal sa kotse niya. At kailangan pa siya natutong magsigarilyo?
Nangmakita niya ako ay agad niya itong itinapon at umayos ng tayo. Pinagpaputuloy ko ang paglalakad ko at nagtungo sa sasakyan nila Angelou kung saan katabi sa sasakyan ni James.
Binuksan ko ang compartment at kinuha ang isang bucket ng ice. Putek na ice! Hindi ko maiwasan hindi mapamura.
"What are you doing here?" Tanong niya mula sa likuran ko. Umirap ako ngunit hindi niya iyon nakita dahil nakatalikod ako sa kanya.
Hinarap ko siya. Duh! Obviously ice ang isinadya ko dito at hindi ikaw.
"Ah! Pinakukuha kasi nila Angelou yung ice" Saad ko. Naglakad ako at lalagpasan ko nasa na siya nang hinawakan niya ang braso ko upang iharap niya ako.
Agaran niya akong sinandal sa sasakyan niya at matalim niya akong tinignan.
"God knows, Inday! Kung gaano ako nagtitimpi. Kung gaano ko pinapahaba ang pasensya ko. But this is too much." Sambit niya pagitan namin. The smell of the cigarette and strawberry mint are sticking on my nose.
Humakbang siya palapit saakin. Wala na akong maatrasan pa. Ang kanyang mga mata ay nakatingin saakin mga labi. Para akong sinemento sa kinatatayuan ko.
Halos mapapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang ilong sa ilong ko. Hindi ko maigalaw ang kamay ko upang itulak niya. Para akong nanghina dahil sa kuryenteng dulot nito.
"This is your punishment for pushing my limits, Hon" Malambing niyang sambit sa pagitan ng aming mga labi. He kiss the side of my lips down to my neck. Naramdaman ko mainit niyang kamay na naglalakbay saaking tiyan.
He kiss my collar bones. Para akong tinakasan ng katinuan. Hindi ko siya magawang itulak. Parang hindi nagfufunction ang buong sistema ang aking pag iisip.
Naramdaman ko ang kanyang kamay saakin likod at ang kanyang mainit na mga daliri ay parang gumuguhit ng pabilog.
Nanghina ang tuhod ko kaya ipinalupot ko ang braso ko sa leeg niya. Halos mapatili ako ng bigla niya pilit ipinalupot ang binti ko sa beywang niya at ginarga niya ako. Dahan dahan niya akong inilapag sa nguso ng kanyang sasakyan. Ang kanyang halik ay umakyat muli at hinalikan niya ako sa gilid ng aking labi.
"I can't kiss your lips right now. Especially the scenario are still clear and vidvid. That lips" Tinuro niya ang mga labi ko gamit ang tintuturo niya.
"...kissed another man" Bulong niya sa pagitan namin. This is insane.

BINABASA MO ANG
Aren't Yours ( Completed )
Romans[ Formely: Back Off Inday is Mine ] Isha Nice Denise Abigail Yna Ford. The one who gets everything under her control, but not her engagement with some jerk in his calvin klein brief. She will do everything at any cost to put him underneath. But th...