B2: Chapter 3

1.9K 42 3
                                        

Chapter 3 - Hazelnut

Ang malamig na hangin ay bumalot saakin buong pagkatao. Ang aking buhok ay tumatama saakin mukha. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang makita ko ang mga batang naghahabulan sa harap. They are so cute. Tumayo ako sa kinauupoan ko at humakbang. Sinalubong ko ang malamig na simoy ng dagat. Ang mga alon at mga tawa ng mga bata ang tanging naririnig ko. Dumako ang tingin ko sa kumpulan ng mga kabataan na nanagpapapicture sa mga malalaking letra na bumubuo ng salitang Iligan City.

Itinuon ko ang aking atensyon sa papalubog na na araw. Ang kulay kahel ay bumabalot sa kulay asul na dagat at ulap. I really love sunset and sky. Tatlong taon na rin ang nagdaan simula nang mapadpad ako sa lugar na 'to. At hindi ko iyon ko makakaila na napamahal na ako sa lugar 'to.

"Nice!" Nakarinig ako ng sigaw kaya agad akong napalingon. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng makita ko si Ian na may dala dalang 3 gallons ng ice cream at 3 box ng pizza.

"Ang bagal mo!" Sambit ko ng makalapit sa kanya.

"Hindi ako mabagal sadyang may maliit ka lang na pasensya" Pagsasalita niya at hindi ko mapigilang mapatawa. He's dimple on the right cheeks is so cute. Kumunot naman ang noo niya sa inasta ko.

"What's funny?" Takang tanong niya.

"Your face" Bulong ko sa tenga niya at pasimpleng inagaw ang pizza at ice cream. Tumakbo ako palayo sa kanya.

"Nice!" Sigaw niya at tumawa nalang ako. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at inihanda ang mga pagkain. Nang makalapit siya saakin ay bigla niya akong hinalikan sa pisnge!

"Your payment" Ngisi niya at agad ko siyang tinampal.

"Hala Ate Nice! Kiniss ka niya baka malagyan ng bata ang tiyan mo" Sambit ni Kurt habang nakatingin saaming dalawa. Pumula naman ang pisnge ko sa narinig. Humalakhak naman si Ian kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayaw niyo 'yun? Madadagdagan ang kalaro niyo" Ngisi ni Ian sa mga bata kaya naman kinurot ko siya gilid.

"Hindi ganun niyon! Kailangan pang ano...ay basta hindi ako magkababy dahil sa kiss" Nangangapa ako ng dahilan sa harap ni Kurt na nakakunot noo habang si Ian naman ay tawa ng tawa.

"Eh bakit magkakababy ang Mommy?" Nagugulohang tanong ni Kurt.

"Ganito kasi 'yun bro! Si spermy ay mameet niya si eggsy..." Sinapak ko si Ian dahil sa kung ano ano ang tinuturo niya sa mga bata.

"Ikaw Nice ha! Kanina mo pa ako sinasaktan! Hindi ka ba naaawa saakin?" Tanong niya habang ngumuso. Inirapan ko siya ngunit di ko maitago ang ngiti ko. Ignore his cuteness Nice!

"Basta malalaman mo lang 'yan Kurt pag lumaki ka na. Kaya tawagin mo na ang kalaro mo at kakain na tayo" Inilihis ko ang usapan kaya naman tumatakbo si Kurt na umalis para tawagin ang mga kalaro niya.

"Ikaw ha! Kung anu ano ang tinuturo mo sa mga bata" Pangangaral ko kay Ian. Pinagsiklop niya ang dalawang kamay namin.

"Sorry na po" Sambit niya habang ngumuso at kinurapkurap ang kanyang mga mata.

"Ano ba! Tigil tigilan mo nga ako sa mga pacute mo" Sambit ko. Ngumisi naman siya.

"Stop being so beautiful first" Sambit niya. Bumilis ang pintig ng puso ko at parang nagliliyab ang pisnge ko.

"Shut...up" Nauutal kong sabi habang umiiwas ng tingin.

"You're blushing Nice" Deklara niya at tumawang tuwa pa.

"I'm not!" Angil ko kaya humalakhak siya. Natigil lamang kami ng dumating na ang mga bata.

Nagsiuwian na ang mga bata sa kanila kaya sumakay na ako sa Hilux niya at upang umuwi na. Alas sais na ng gabi.

"Let's dinner in Latinos?" Tanong niya ng makalayo na kami sa Pase De Santiago kung saan  nandoon kami kanina. Isang parke sa tabi ng dagat.

"We went there yesterday. How about Munich Roof Garden?" Tanong ko sa kanya.

"Fine, let's go there!" Sambit niya at hinalikan ang kamay ko habang nagmamaneho.

Nang dumating na kami ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Ngumisi naman ako. Sabay kaming pumasok at sinalubong kami ng isang receptionist. Iginayak niya kami sa elevator at huminto iyon sa isang restaurant na nasa taas ng isang hotel. Umupo kami bakanteng upuan at nagsimulang umuorder.

Napatingin ako sa harap namin na kung saan may malaking nakaset up na stage at may nagsimulang tumugtog ng violin.

"I think we're lucky..." Bulong ni Ian saakin. Ngumisi ako.

"Sa tingin ko nga" Sambit ko. Tumunog ang isang na musika. Parang gumaan ang aking pakiramdam ng dumaloy ang musika saaking tenga.

Sa loob ng tatlong taon ay para akong buhay na patay. Parang napakahirap huminga at gumising. Ngunit hindi ako sinukuan ni Ian, kahit paulit ulit ko siyang itinaboy at tinatalikuran ay nandyan parin siya saaking tabi. Sa twing lumilingon ako sa likod ko ay nandyan parin siya nakatayo habang nakangiting nakatingin saakin.

Kaya sinubukan kung huminga muli, sinubukan kong mabuhay muli. At hindi ko aakalain na napakasaya palang mabuhay ulit. Yung wala na muling iniindang problema at sakit. Hindi ko aakalain na mararamdaman ko ulit ang tibok ng puso ko. Hindi ko aakalain na ito pala ang pinakasarap na maramdam ng isang tao. Ang tibok ng puso.

Hindi ko aakalain na mamahalin ko si Ian. Ngunit di ako nagsisi sa halip nagpapasalamat ako sa kanya. At mahal na mahal ko siya.

Nakaramdam ako ng init sa kamay ko napatingin ako kay Ian na ngayon ay hawak ang kamay ko habang nakangiti. Ngumiti ako pabalik sa kanya at sabay namin pinakinggan ang musika na bumabalot sa buong paligid.

Ngunit sa pagbaling ko sa kabilang dako ay may nakita akong lalaking nakatingin saakin. Nagtagpo ang mata namin at hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kirot.

His hazelnut eyes made my knees jelly and especially it made my heart beats so fast.

His wearing a tux and his clean cut hair made him looks undeniably handsome.

Umiwas ako ng tingin at muling itinuon ang aking buong atensyon sa nagpeperform sa harap.

Aren't Yours ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon