Chapter 1

6.8K 92 4
                                    

Chapter 1: Opportunities

Umayos ako ng pagkakaupo ko ng marinig ko na bumukas na iyong pinto. Nilingon ko iyon at nakita si Chuck na nakatopless at may twalya lang na nakabalot sa ibabang part ng katawan niya. Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang mukha ko kaya napaiwas ako kaagad ng tingin. Tangina talaga nito!

"Ano na? Nakapagdecide ka na?", pangungulit niya naman. Naramdaman ko na dumaan siya sa gilid ko.

"Hindi nga pwede. Wala pa akong one year doon. Ang kulit nito, oh."

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng cabinet niya. Siguro ay kumukuha ng damit doon.

"Bakit? Kailangan ba na mag-one year ka doon saka ka lilipat? Babe naman. Just submit a resignation letter tapos ay tapos na.", narinig ko ang iritasyon sa boses nya tapos noon ay naramdaman ko ang pag-upo nya sa kama, katabi ko. Nilingon ko siya at agad kong nakita ang titig niya sa'kin.

"Hindi nga kasi pwede. Nakakahiya naman kasi ang ganda na ng record ko 'don. Intindihin mo nalang.", saad ko at hinawakan ang braso niya para sana lambingin siya dahil alam ko na magagalit na naman iyan. Ilang beses na kasi namin na napag-usapan ang pagreresign ko. Gusto niya kasi na magkasama kami sa trabaho.

"Nakakainis ka naman, Aiza oh! Kung 'di ka lilipat ako ang lilipat sa office mo!"

Napabitaw ako kaagad sa paghawak ko sa braso nya at mabilis na pinalo siya.

"Aray!", reklamo nya. Hindi ko siya pinansin at mabilis na sinermunan.

"Subukan mo at mag-aaway talaga tayo! Kainis naman neto."

Ganoon natapos ang usapan namin. Hanggang sa ihatid niya ako sa bahay ay wala siyang kibo. Hindi ko naman alam paano ko siya aamuhin. Hindi kasi talaga pwede na umalis ako ng basta-basta nalang sa trabaho ko. Si Kuya Marco ang masisira kapag nagkataon kasi siya ang nagrecommend sa'kin doon kaya ako natanggap.

Nang dumating kami sa bahay ay wala pa rin na imik si Chuck. Ang matampuhin talaga neto. Isip bata pa rin kahit na halos isang taon na ang nakakaraan. 

"Galit ka pa rin?", saad ko at nilingon siya. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang tamad na nakapatong iyong kamay niya sa manibela. Hindi manlang ako nilingon ng mokong.

"Huy!", tawag ko at hinawakan ang braso niya. Mabilis siyang napatalon dahil sa hawak ko. Hindi ko naiwasan at napangisi ako.

"Sorry na, oh. Wag ka nang magalit. Promise ko kapag naka-one year na ako doon, lilipat na ako sa office mo.", saad ko habang hinihimas ang braso niya. Hindi ko talaga maiwasan na mapangisi kapag ganitong nagtatampo siya tapos ay hinihimas ko, alam ko kasi na ganito lang ang katapat niya para batiin ulit ako.

"Kainis ka! Wag mo sabi ako nilalambing kapag naiinis ako sa'yo.", aniya at sa wakas ay nilingon na ako. Ngumiti ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Nakita kong napabuga lang siya ng hangin bago ako hinila palapit sa kanya at niyakap.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon