Chapter 36

2K 46 0
                                    

Chapter 36: Drink

Nakumpirma ko ang iniisip ko na plano ni Edward sa pag-uwi niya dito. Weeks after ng una naming pagkikita ay napapansin ko ang pagiging madalas ng pagdalaw niya sa'kin sa trabaho. I don't mind it though kasi dahil doon ay medyo nalilibang ako. Pero nitong huling pagbisita niya ay nagulat ako ng mayroong siyang dalawang dosena ng red roses ng bumisita siya sa'kin sa Olìve.

"Para saan 'to?", nahihiyang sabi ko habang kunwari ay sinisilip ang mga bulaklak na dala niya.

"For you.", ngumiti siya.

I don't wanna be rude at ayoko na mapahiya siya sa harap ng mga taong nandito at nakatingin sa'min kaya minabuti kong tanggapin iyong binigay niya.

Malawak ang ngisi niya pagkatapos noon. Hindi ko naman mapigilan ang maguilty dahil pakiramdam ko ay kahit na wala naman akong ginagawa ay umaasa siya sa'kin.

"Let's have dinner later. Susunduin kita dito mamaya."

Ngumiti ako at hindi na nakatanggi sa pagyayaya niya. Umalis na rin siya pagkatapos noon kaya naiwan na muli ako sa opisina ko ng mag-isa.

Habang nakaharap ako sa laptop ay hindi ko mapigilan na mapatitig sa mga bigay niyang bulaklak na nasa couch. He's nice. Kung pwede ko lang suklian iyong nararamdaman niya para sa'kin ay ginawa ko na but it's not as easy as that.

I've read somewhere na one way to get over your ex is iyong ibabaling mo sa iba ang atensyon mo. For other people, pwede iyon. Pero sa'kin parang hindi ko kaya. I can't give Edward a chance lalo na at hindi pa rin ako sigurado sa sarili ko. I know kahit na anong gawin ko ay masasaktan ko siya pero kung papatagalin ko pa ito there's a huge chance na mas masaktan ko siya.

Tinapos ko na ang trabaho ko para sa araw na iyon. Sakto dahil noong bumalik si Edward para sunduin ako ay nakaligpit na ako ng gamit ko.

"Let's go?", aniya.

Tumango ako at dinala na ang gamit ko. Edward offered help kaya siya na iyong nagdala ng bulaklak na bigay niya kanina.

I have no idea kung saan niya ako dadalhin. Ang alam ko lang ay magdidinner kami kaya sobra ang gulat ko ng sa isang mamahaling fine-dining restaurant niya ako dinala.

"Bakit dito? Ang mahal dito ah?", saad ko.

Ngumisi lang siya at hindi sinagot ang sinabi ko. Bumaba na siya ng sasakyan saka ako pinagbuksan.

Habang papasok kami sa loob ay inaalalayan niya pa ako kaya mas lalo akong nahihiya at nagu-guilty.

"This way, Sir."

Sumunod kami doon sa waiter at nagulat pa ako dahil lumabas kami sa mismong lugar. Ang gulat ko ay unti-unting napalitan ng kaba lalo na noong huminto kami sa tapat ng isang naka-set up na table for two.

There are candles everywhere na siyang nagsisilbing ilaw para sa lugar. There are also rose petals sa paligid ng table. At ilang kulay pula na balloons.

"Let's take a seat."

Narinig ko ang boses ni Edward mula sa likod ko. The waiter's already gone. Kinakabahan man ay sumunod ako sa sinabi niya. Pinaghila pa niya ako ng upuan bago ako naupo.

Titig na titig ako sa kanya habang na-uupo siya sa harap ko na nakangiti. He looks nervous pero nagagawa pa niya ang pagngiti.

"What's this all about, Edward?", saad ko.

Again he didn't answer. Nagulat nalang ako ng may biglang familiar na tugtog ang tumugtog sa gilid ko. Noong tumingin ako roon ay nakita ko na may ilang naka-formal attire na lalaki doon at tumutugtog ng kani-kanilang musical instrument.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon