Chapter 43

2.1K 39 1
                                    

Chapter 43: Proud

Simula ng nakapag-usap kami ni Chuck sa Hotel ay mas naliwanagan ako. Sa tingin ko, mas naiintindihan ko na ang sitwasyon naming dalawa ngayon.

I know it would be hard to bring back our friendship na katulad noong hindi pa nagiging kami, pero I am willing to try na ibalik iyon. Kung hindi na talaga pwede na kami, I am willing and I will be contented na maging kaibigan niya lang. Kung hanggang ganoon lang talaga—maluwag ko iyong tatanggapin.

"Aiz, phone mo nag-ri-ring." Napakurap ako at napabalik sa sarili ko. I looked at my phone at tama nga ang sinabi ni Symon, nagri-ring iyon.

Isang unfamiliar na number ang nagfa-flash sa screen. Noong una ay wala akong balak na sagutin iyon. Baka prank caller lang. Pero nang namatay ang tawag at magsimula na namang mag-ring ang phone ko sa isang tawag ng parehong number ay sinagot ko na iyon.

"Hello?" Saad ko

"Hey, kamusta? Are you busy?"

Para kong nalulon ang dila ko nang makilala ko  ang boses ng tumatawag. Is this really him?

"Chuck?" I tried asking.

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Pati iyon ay kilalang-kilala ko.

"Yes. It's me. Sorry kung 'di agad ako nagpakilala." Aniya. "Anyway, busy ka ba?" Tanong niya.

I wanted to say Yes. Oo na busy ako, kasi totoo naman iyon. Symon's also here ng dahil sa monthly inventory ng restaurant. Marami kaming mga records na chinecheck para sa kasalukuyang buwan. Pero imbes na sabihin ang yes ay kusang lumabas sa bibig ko ang salitang...

"No, hindi naman. Bakit?"

Gusto kong tampalin ang sarili ko. Talaga lang, Aiz? Friends lang hindi ba!? Friends lang dapat pero bakit umaasa ako ng mas higit pa doon?

"Good! Lunch tayo? Nandito kami ni Neo sa mall. Kakarating lang niya from China." Aniya.

Mas dumoble ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin sa Hotel ay ngayon lang ulit kami magkikita. I don't know pero na-a-awkwardan kasi ako or mas tamang sabihin na kinakabahan?

Hindi ko na alam pero kusa na akong pumayag sa pag-iinvite niya. This is a friendly lunch lang rin naman! Hindi naman kami lang dalawa iyong kakain. We're with Neo! Friends lang talaga!

Pero... Sinong niloloko mo, Aiza?

Pinilig ko ang ulo ko at ibinaba ng muli ang phone ko. Sinabi lang ni Chuck na magkita nalang kami sa Pepper Lunch para doon na kumain. And since I don't want to be alone with those two boys who happened to be bestfriends too ay napagdesisyunan ko na isama si Symon.

Dala namin ang sasakyan niya ng pumunta kami sa meeting place namin. I wasn't able to text Chuck para sabihin na kasama ko si Symon. Hindi naman siguro iyon masama. I already explained to Symon din na maayos na kami ni Chuck ngayon. Whatever issues na mayroon kami noon, napag-usapan na namin ngayon.

Nang pumasok kami sa Pepper Lunch ay agad kong iginala ang mata ko para hanapin sila Chuck, hindi naman naging mahirap iyon dahil agad kong nakita ang kumakaway na si Neo sa amin. Ngumiti ako at agad nang hinila doon ang kapatid ko.

"Neo! Kamusta?" Agad kong bati at nakipag-high five sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngisi ko noong bumaling ako kay Chuck at nakita ko na nakataas na rin ang palad niya at naghihintay ng high five ko. Kinakabahan man ay nakipag apir na rin ako sa kanya.

We sat on our table. Kami ni Symon ang magkatabi habang nasa harap naman namin sila Neo at Chuck.

"Sabi ni Aiza kakauwi mo lang galing China?" Saad ni Symon habang naghihintay kami ng order.

Nakita ko ang pagtango ni Neo bago ako binalingan. Kanina ko pa ito napapansin na sulyap ng sulyap sa'kin.

"Oo. Inasikaso ko kasi ang transaction ng business namin doon." Sagot nito.

Nag-usap iyong dalawa ng tungkol sa business at medyo awkward nga dahil parang ako pa ang na-o-OP sa kanila.

"Did you save my number?" Nagulat ako ng habang nag-uusap sila Symon ay bigla akong kinausap ni Chuck. Agad na may nagwala sa loob ko. Napahinga ako agad ng malalim dahil doon.

Relax, Aiza! You are overreacting!

"Oo. Na-save ko na." Ngumiti ako.

Maya-maya lang ay dumating na rin iyong pagkain namin. Iyong medyo awkward na atmosphere kanina ay medyo nabawasan na rin.

"I tried surfing one time. Sa Hawaii pa. I liked it pero nawalan ako ng time." Saad ni Neo ng napunta ang usapan sa kinahihiligan na sports.

"Nakapag-surfing na rin ako. La Union, noong last summer. Every year ang punta ko doon." Saad naman ni Symon at bumaling sa'kin "Ikaw? Have you tried?" Natatawang saad niya.

Umiling agad ako. "I'm fine with skateboarding."

"Ang sabihin mo hindi ka sanay lumangoy!" Saad ni Symon na agad naging dahilan para marinig ko ang tawa ni Neo. Agad ko silang nilingon at nakita ko na tuwang-tuwa siya doon at si Chuck naman ay pangiti-ngiti lang.

Pakiramdam ko ay namumula ako ng dahil sa pang-aasar niya. Agad ko tuloy siyang tinitigan at sinamaan ng tingin pero nanatili ang nakakaloko niyang ekspresyon.

"Hindi, joke lang." Natatawang saad ni Symon bago niya iniba ang topic.

Ang kaninang topic tungkol sa sports and hobbies ay napunta naman sa business. Neo's family is into this kind of international trading business. Ang kila Chuck naman ay land development, construction companies and furnitures.

"Pwede pala i-contact ko ang company niyo. We are still looking for materials pa kasi para sa Hotel sa Tagaytay, e." Saad ni Symon.

"I'll check the place, kung gusto mo. Since I'm already in charge of our business." Nakita ko ang seryosong ekspresyon ni Chuck.

While listening to them, I can't help but to admire him even more. Sobrang laki ng ipinagbago niya kumpara dati. Noon ay parang laro-laro lang ang lahat sa kanya. Pero look at him now, sa kanya na nakaatas ang pagsusupervise ng business nila. He's the one managing it.

And then I realized, kung ibabalik iyong dati at o-offeran ulit si Chuck ng pagkakataon sa ibang bansa, ganoon pa rin ang gagawin ko. I'll push him to take the job. I'll encourage him na tanggapin ang trabaho.

Kung mayroon kasi akong isa pang hindi pinagsisisihan na gawin ay iyon iyong pinilit ko siya noon na tanggapin ang trabaho sa Singapore. Dahil by just looking at him and listening at him, alam ko. Alam ko na that job helped him grow.

That, that job he has in Singapore made him grow and made him matured. And for that, I don't regret pushing him to take the job and leave. Dahil nakikita ko na malaki ang naging tulong noon sa kanya.

And I am so, so proud of him. I'm proud of him before, pero mas proud ako sa kanya ngayon at sa kung anong naging siya ngayon.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon