Chapter 38

2K 51 0
                                    

Chapter 38: Pain in the ass

Hindi ako nagpaapekto sa nangyari doon sa bar. I'm a bit affected, oo. Pero hindi aabot sa punto na hahayaan ko ang sarili ko na masyadong isipin ang ganoong bagay.

Pumasok ako sa trabaho kinabukasan kahit na sinabi ni Symon na kung hindi ko kaya ay pwede naman akong umabsent. I refused to his offer kaya ngayon ay narito ako sa loob ng office at nagche-check ng emails.

Habang ginagawa iyon ay hindi ko maisip na ganoon ang inakto ni Jasmine ng dahil sa nakita niya.

She should be confident! Iyon dapat ang maramdaman niya. She shouldn't be insecure dahil sa lahat ng may gusto kay Chuck ay sila ngayon ang magkasama.

Ipinilig ko ang ulo ko at bahagyang sumandal sa sandalan ng upuan. Sakto naman na bigla akong nakarinig ng katok mula sa pinto.

"It's not locked."

Bumukas iyon at sumungaw ang ulo ni Ailene. Mukhang kakagaling niya pa sa kitchen at sinadya lang talaga ako rito para sa kung anong sasabihin niya.

"Marami bang customers? You need help?", saad ko at sinara na ang laptop.

Tatayo na sana ako ng magsalita ulit sya.

"Kaya pa naman, Ma'am. May bisita po kayo." aniya. "Papasukin ko na po?"

Kumunot agad ang noo ko. I'm not expecting any one today.

Lumabas na muli si Ailene at maya-maya lang ay bumukas na ulit ang pinto. Daig ko pa ang napako sa kinatatayuan ko ng magtama ang mata namin ni Chuck. He's on his plain white longsleeves. Mukang kakagaling niya lang sa trabaho.

He closed the door and silence filled the entire room.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin. I pretended na mayroong inaayos sa lamesa ko para maiwasan ang pagtingin sa kanya.

"W-What brings you here?,"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tangina, Aiza! Stop stuttering!

"I-I.. Uh.. I just came here to you know.. Apologize."

Tumaas ang tingin ko sa kanya at nakita kong dinilian niya iyong labi niya bago nag-iwas ng tingin.

Kumunot ang noo ko.

He looks more handsome. Bakit ba ngayon ko lang napuna iyon? Pinilig ko ang ulo ko.

"Ayos na 'yun,", I said a matter of fact. "It's my fault too.. She's your girlfriend kaya naiintindihan ko na nagalit sya."

Hindi siya umimik pagkatapos ng sinabi ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng disappointment ng dahil sa ni hindi nya manlang itinanggi ang sinabi ko. Ibig sabihin noon ay talagang girlfriend nya si Jasmine.

Hindi na muli kami nakapag-usap ng dahil maya-maya lang ay muli na namang mayroong kumatok. Muling sumungaw sa pinto si Ailene.

"Ma'am, kitchen po.", aniya.

Tumango ako at alam na agad ang dapat kong gawin. Umalis na si Ailene pagkatapos kaya naiwan kami ni Chuck ulit sa kwarto.

Tumalikod ako sa kanya at agad ng hinubad ang blazer ko. Pagharap ko ay nakita ko pang nakatulala siya sa'kin. Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko sa paraan ng pagtitig niya.

Nag-iwas ako ng tingin at lumakad na papunta doon sa isang full length mirror malapit sa pwesto niya. I tied my hair up at habang ginagawa ko iyon ay nakikita ko ang repleksyon niya sa salamin na titig na titig sa'kin.

I cleared my throat at bumaling sa kanya.

"Ah... May trabaho pa kasi ako.."

Dali-dali sya tumango. "Yeah... Yes sure.. Aalis na rin ako."

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon