Chapter 16

1.7K 34 2
                                    

Chapter 16: Lies

Nine na ng gabi noong dumating kami sa Paris. Gabi na pero maliwanag na maliwanag pa rin. Dahil iyon sa maraming ilaw na bumubuhay sa buong syudad. Masakit ang buong katawan ko ng dahil sa matagal na byahe. Nakakangawit! Nagstop-over namin kami Dubai pero grabe pa rin ang naging pagod ko.

Inaantok na nga rin ako kaso lang nang makababa kami sa plane ay nawala agad ang antok ko ng makita kung gaano kaganda ang airport nila dito. I've never been here kaya bago lahat sa paningin ko.

"Welcome to the City of Love.", narinig ko ang bulong ni Symon. Nilingon ko siya at nakita ang pagod pero masayang ngiti niya.

Umiling ako at dinala na ang mga gamit ko. Grabe! Sa ilang oras na byahe ay para akong lantang gulay. At sigurado na pagkarating ko sa kung saan man kami tutuloy ay bagsak ako.

"Did you sleep in the plane?", tanong ni Mommy.

"Opo. Pero inaantok pa rin ako."

Narinig ko na natawa si Mommy at binalingan na si Rafael na ngayon ay parang asar na asar siguro ay napagod din ito sa byahe. Ako nga ay pagod na pagod, ano pa kaya siya?

Hinintay lang namin iyong mga gamit namin doon at nang nakumpleto na iyon ay sabay na sabay na kaming lumabas. Si Symon ang nagtutulak noong cart namin na may ilang maleta habang magkasabay naman kami ni Mommy at ni Rafael.

"Symon, your Dad is already here.", narinig ko na saad ni Mommy.

True enough. Andito nga ang asawa niya. Madali namin itong nakita dahil may hawak pa itong banner kung saan nakasulat ang pangalan ni Mommy. Nang makita kami nito ay mabilis niya kaming sinalubong. Niyakap niya sila Mommy, Symon, at Rafael, bago ako binalingan.

"Ito na ba si Aizelle?", nilingon ako nito kaya bahagya akong nahiya.

Tumango ako at iniabot iyong kamay ko pero imbis na kuhanin iyon ay nagulat ako ng katulad ng ginawa niya kila Symon ay niyakap din niya ako.

"Naku, pasensya na. Sabik talaga ako sa anak na babae, e.", tumawa ito. Umiling agad ako at mas lalo pang nahiya.

"Okay lang po."

Nagkamustahan lang kami doon bago kami nagkayayaan na umuwi. Nag-aalburuto na rin kasi si Rafael kaya agad na kaming dumiretso sa naghihintay na sasakyan sa labas ng airport.

Mayroon pang driver doon sa loob. Isinakay lang nila ni Tito Anton iyong mga gamit tapos ay umalis na rin kami.

Habang nasa daan ay inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga nadadaanan namin. Nakikita ko na dati ang Paris sa TV or magazine pero iba pala talaga ang feeling kapag ikaw na mismo ang nakakita ng personal at nakarating ng personal dito. This place is really a City of Love!

Medyo matagal ang naging byahe pero hindi naman ako nabored dahil abala ako sa pagtingin ng mga tanawin sa labas. Siguro ay kapag umaga ay mas maganda dito.

"I'll bring Raf inside, Mom.", narinig ko na saad ni Symon ng huminto na iyong sasakyan.

Dinungaw ko si Rafael at nakitang tulog na nga ito. Masyado ngang pagod sa byahe.

Nang bumaba si Symon dala si Rafael ay sumunod na rin ako. Pati sa pagpasok ay sumunod na ako. At masasabi ko na maganda ang bahay nila. It's an apartment type na hanggang 5th floor.

"Aizelle, are you tired?", tawag ni Mommy na ngayon ay nasa likod ko na. Tumango ako.

"Alright. I'll show you your room."

Sinamahan nga ako ni Mommy hanggang sa kwarto na tutuluyan ko. It was located in the third floor. Sa tapat nito ay ang kwarto ni Symon dahil na rin sa nakita ko siya na pumasok doon dala si Rafael. Siguro ay doon nalang papatulugin.

"You rest. Just call Symon if you need anything.", ani ni Mommy. "Iyong gamit mo nga pala andyan na."

Tumingin ako doon sa gilid at nandoon na nga ang mga gamit ko.

"Thanks, Mom.", saad ko at nagulat ako ng niyakap niya ako.

"No problem.", saad niya. "Pahinga ka na.", at tuluyan nang umalis.

The room is different from my room doon sa bahay namin. This is bigger. Hindi ganoon kalaki pero masasabi ko na mas malaki sa kwarto ko sa bahay namin sa Manila. Parang ganito yata kalaki iyong kwarto ko sa bahay namin sa San Miguel.

Pagkatapos umalis ni Mommy ay nagbihis na din ako. Hindi ko muna inayos iyong gamit ko dahil sa pagod. Bukas nalang siguro. Mabuti na lang rin dahil may sariling bathroom iyong kwarto ko kaya nakapag-shower pa ako ng mabilisan.

Nakahiga na ako ng maalala ko na kailangan ko nga palang itext si Kuya sa Viber. Kinuha ko iyong iPhone ko sa may gilid at agad na inopen ang app ko na Viber at agad na nagtype ng text kay Kuya Marco saying na andito na ako. I also checked my skype account para makita kung may message si Chuck. Agad na naman akong kinabahan ng makita ang ilang chat niya doon.

Chuck:

Miss na miss na kita.

Ingat ka pauwi

I love you, babe. See you soon.

Para akong lalong naguilty nang makita ang huli niyang chat. Guiltyng-guilty ako kasi ramdam na ramdam ko na pinapaasa ko siya gayong nandito ako sa Europe. Damn!

Agad akong nagtype ng reply ko.

Ako:

Miss na miss na din kita, Chuck. I love you, See you soon.

Sinend ko na ang chat ko pero hindi nakatanggap ng reply niya. Sabagay ay madaling araw na doon. Kung makakatanggap man ako ng reply niya ay baka mamaya pa. Sigurado ay tulog pa iyon.

Inilapag ko na iyong phone ko sa gilid at nahiga na. Sa pagod ng dahil sa matagal na byahe ay madali rin akong nakatulog. Nagising na lang ako kinabukasan ng maliwanag na. Tumingin ako sa may orasan sa gilid at nakitang halos alas-nuebe na ng umaga.

Shit!

Dali-dali kong binuksan ang phone ko at nakita ko kaagad ang reply ni Chuck. Nasend iyon ng ala-una ng madaling araw dito. Alas-otso ng umaga sa Singapore.

Chuck:

Hello. Goodmorning, babe. May meeting ako ngayon. Wish me luck. I love you. Yung papers ah? Update mo ako later. I love you, ulit.

Agad agad at mabilis ang pagta-type ko ng reply ko sa kanya. Tangina! Napasarap ang tulog ko! Halos 3 na ng hapon doon. Damn!

Ako:

Hello! Kakauwi ko lang. Nag-ayos ako ng papers. How's your meeting?

Sinend ko ang chat ko at nakagat ang daliri ko. Kinakabahan na ako ng sobra. Hindi ko na kaya itong pagsisikreto ko sa kanya. One of these days ay sasabihin ko na ang totoo.

Nagulat ako ng biglang tumunog iyong phone ko. Tinignan ko ito at agad kong nakita na nagvi-videocall si Chuck. Nagpanic ako at agad na naghanap ng magandang background kung saan hindi siya magdududa na wala ako sa bahay. Inayos ko rin ang itsura ko bago ko sinagot iyong tawag.

"Bakit ngayon ka lang? Akala ko ba sarado ang offices?", narinig ko kaagad ang pagkakairita sa boses niya. Pilit akong ngumisi.

"Oo nga! Pero may nilakad akong ibang papers na kailangan din. Para pag nag-January kaunti nalang aayusin ko."

I swear I'll be in hell because of these lies. Alam kong mali, promise talaga sasabihin ko ang totoo isa sa mga susunod na araw. Hahanap lang ako ng tamang tyempo iyong good mood siya para hindi magwala.



One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon