Chapter 49

2.5K 49 8
                                    

Chapter 49: I'm sorry

It's been a long time since I became this happy. Pagkatapos ng aminan namin ni Chuck ay hindi ko alam kung saan ilalagay ang saya ko. I don't know, pakiramdam ko ay first time ko ulit sa lahat ng ito.

At kung maitatanong ay hindi pa naman kami ulit ni Chuck. Well, para sa akin iyon. Para sa kanya kasi ay kami na. Sinabi ko naman sa kanya na hindi pa pero iyon ang paniniwala niya dahil sa nagkakiss na naman raw kami. Para saan pa raw ang ligawan stage?

Syempre ay naisip ko rin iyon. Pero dahil gusto ko na pahirapan siya at gusto ko na mag-inarte ay medyo nagpapakipot muna ako.

"Fuck you! I hate you!"

Kumunot ang noo ko habang nag-aayos ako rito sa kwarto. It's Andrew. Naghuhumiyaw na naman na akala ko ay siya lang narito.

Dahil sa curiousty kung bakit siya nagwawala ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nanlaki ang mata ko ng maabutan kong naroon si Chuck at ngayon ay hawak hawak siya ni Lucas ang dalawang braso niya habang si Andrew ay nagjo-jog na at sumusuntok-suntok sa ere na parang boxingero.

"Fucker!" Mura niya at sinuntok ang tiyan ni Chuck. Agad akong nalaglagan ng panga at agad na nagmartsa papunta sa kanila.

Nang makita ako ay agad na binitawan ni Lucas ang braso ni Chuck. Napamura naman agad doon si Andrew.

"Hold him, ano? Lucas!" Aniya. Umiling lang si Lucas at bahagyang natawa habang umamba na naman ng suntok si Andrew.

"Hoy!" Pigil ko bago pa man niya tuluyang masuntok si Chuck.

Humarang ako at agad na nagbibirong nagtago si Chuck sa likuran ko. Narinig ko ang pagtawa nila ni Lucas.

"Ano? Akala ko ba ay tayo ang magkakampi rito, Lucas?" Ayaw paawat ni Andrew.

"Hoy! Halika nga rito!" Aniya pa.

Umiling na lang ako at hindi mapigilan ang pagngisi. Puro kabalustugan talaga ito pero kahit na ganoon ay alam ko naman na ginagawa niya lang ito para gumanti kay Chuck sa mga nagawa noon nito sa'kin.

"Tss. Ang KJ nito!" Saad ng pinsan ko at pabagsak na naupo sa couch. "Hoy, Chuck. Order ka nga ng pagkain. I'm hungry!"

Kaya ayon at umorder nga si Chuck ng pagkain. Pizza, pasta, fries, at chicken wings. Ayon rin at parang wala manlang bangayan na nangyari sa kanila ni Andrew.

Nasa living room kaming apat at nanunuod ng movie. Lucas is on his phone. Si Andrew ay tutok sa movie. At si Chuck ay sumisimpleng chansing.

"Shh." Umiling ako sa kanya ng naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin at ang paghila niya para yakapin ako.

"Yakap lang." Bulong niya at umamba na naman ng yakap pero agad kong inginuso ang mga pinsan ko. Imbes na magpatinag ay mas lalo siyang nagpumilit. Ayan at panay ang pigil ko sa kanya.

"Chuck! Watch the movie!" Mariing bulong ko ng bigla ay maramdaman ko ang halik niya sa likuran ng tainga ko.

"Isa lang. Pakiss.."

Jusko! Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako. Napakaharot naman kasi niya!

Hindi niya na hinintay ang pagsagot ko. Nagsimula na siyang halikan ako sa may tainga. Nagtindigan lahat ang balahibo ko dahil doon!

Nasa ganoong posisyon kami ng halos mapatalon ako ng biglang magmura si Andrew. Halata din na nagulat si Lucas doon dahil halos mabitawan niya ang phone niya.

"What the fuck, Andrew?" Sigaw ni Lucas.

Imbes na sagutin ni Andrew si Lucas ay samin siya bumaling. Agad na tumaas ang kilay ko ng tinuro niya kaming dalawa.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon