Chapter 26

1.8K 44 2
                                    

Chapter 26: Free

Hindi ko alam paano ako pumayag na kumain ng dinner nang kasama namin si Chuck. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko dinala iyong sasakyan na nasa bahay ngayon tuloy ay hindi ko alam kung paano ako uuwi.

Sa isang fastfood chain kami kumain. Ito na kasi ang pinakamalapit na pwedeng kainan namin. Nakaupo kami sa isang table. Kaming tatlo nila Klarisse at Monica ang magkakatabi habang si Chuck ay nasa unahan namin.

They are all talking. Lahat para sa kanila ay normal. Ako lang yata iyong abnormal dito na hindi makapagsalita.

"Last month pa tapos ang contract ko. Dapat kasi one year 'yon, kaso nabago. Ngayong month lang ako nakauwi kasi hinintay ko si Neo.", aniya nang naitanong ang tungkol sa trabaho niya doon.

Marami pa siyang ikinuwento. At habang nakikinig ako sa sinasabi niya ay mas narerealize ko na tama lang na pinilit ko siya noon na tanggapin ang trabahong inoffer sa kanya. Dahil doon nakikita ko ngayon na marami siyang natutunan.

Nang matapos kami na kumain ay nagprisinta pa si Chuck na ihahatid kami. Mas domoble tuloy ang kaba ko dahil alam ko na nasa iisang sasakyan lang kami at mas lalo pa iyong dumoble ng sa front seat ako pinasakay ng dalawa kong kaibigan. Ayaw ko na magmukhang affected pa rin kaya hindi na ako nakipagtalo.

Katulad habang kumakain ay nag-uusap usap sila samantalang ako ay tahimik lang. Mabuti na nga lang at biglang tumunog ang phone ko ng dahil sa isang tawag.

Mabilis ko na kinuha iyon sa bag ko at agad na nakita ang pangalan ni Symon sa caller's ID. Nagtaka ako sa pagtawag niya kaya agad ko nang sinagot. Agad rin namang tumahimik sila Monica.

"Hello?", saad ko at hindi sinasadyang napasulyap kay Chuck. Nanginig ang labi ko sa pagsasalita ng makita kong nakasulyap rin siya sa'kin. Pero nang makita akong tumingin ay agad siyang umiwas ng tingin.

"Hi, Aizelle! Si Stefan to.", ani ng nasa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Stefan, oh bakit? Where's Symon?", tanong ko.

"He's still inside the conference room. Sabi niya ay tawagan kita to update you na hindi siya makakauwi ngayon. Asa isang Hotel kami dito sa Laguna."

"Okay sige. Mag-iingat kayo.", saad ko bago pinutol ang tawag.

Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bag ko. Akala ko ay itutuloy na nila Klarisse ang kwentuhan nila pero wala nang ni isa sa amin ang nagsalita.

It's okay, though. Mahirap man na aminin ay naiilang ako kapag naririnig ko ang boses ni Chuck. At okay na ang ganito na tahimik nalang siya.

Una naming naihatid si Monica. Malapit lang kasi ang bahay nila samantalang kami ni Klarisse ay medyo malayo. Katulad kanina ay wala na ulit naging imikan ng makababa si Monica. Nabasag lang ang katahimikan namin ng magsalita si Chuck noong malapit na kami sa kila Klarisse.

"Kila Klarisse nalang kita i-drop, okay lang?", aniya. "May dadaanan pa kasi ako."

Hindi naman ako tanga para di malaman na ako ang kausap niya. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng sakit at panghihinayang. Instead na kung ano pa ang sabihin ko ay marahan nalang akong tumango.

"Okay lang. Magpapadaan nalang ako sa kila Klarisse."

True enough. Nang bumaba na si Klarisse ay sumunod na rin akong bumaba. May naramdaman akong kung ano sa dibdib ko habang pinapanood ko si Chuck na nagda-drive palayo.

Ibang-iba na siya. Sobrang ibang-iba na. And that thought finally hits me like a bitch.

Wala na talaga.

Kusang bumuhos ang luha ko nang tuluyan nang mawala ang sasakyan ni Chuck sa paningin ko. Sobrang sakit pa rin kasi. Akala ko wala na akong iiiyak. Iyon pala marami pa.

"A-Aiza..", narinig ko na saad ni Klarisse bago niya ako hinila papasok ng apartment niya.

Doon ay hinayaan niya ako na ilabas ang lahat-lahat. Lahat ng hinanakit ko at lahat ng sakit.

"Ako iyong dapat na magalit kasi niloko niya ako. Ako dapat iyong maunang maka-move on kasi malakas ako. Pero bakit ganito? Sobrang sakit. A this time akala ko tapos na, wala na. Pero meron pa pala.", humikbi ako at mas lalong naiyak.

Oo, galit na galit ako noon sa kanya nang makita ko ang picture niya kasama si Jasmine. Galit ako dahil niloko niya ako. Pero kahit na anong galit ang maramdaman ko napapawi pa rin 'yong lahat ng pagmamahal ko sa kanya.

"Aiza, alam ko na masakit.. Kaso siguro hanggang doon nalang talaga..", ani ni Klarisse at naramdaman ko ang paghimas niya sa likod ko. "Alam ko na wala akong karapatan na sabihin na alam ko ang nararamdaman mo at sabihin na magiging okay lang lahat. Wala ako sa pwesto mo kaya kahit na anong gawin ko, subukan ko man na tulungan ka na maging maayos, hindi pa rin maaayos kung hindi mo tutulungan ang sarili mo.", saad niya.

"You're both my friend. Nakita ko kung paano nagmature ang relationship niyo. Nakita ko kung paano naging kayo. Ang lahat... Pero Aiza, sa tingin ko, kailangan mo nang kalimutan ng tuluyan si Chuck.", mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Kasi alam ko sa sarili ko na wala akong ibang choice kung hindi ang gawin iyon.

"He's okay... at dapat ganoon ka rin..", naramdaman ko ang yakap ni Klarisse sa'kin matapos na sabihin iyon.

I know... I can see that he's okay without me.. At dapat na ganoon rin ako. I can't be like this forever.

Nang gabing iyon ay sa apartment na ako ni Klarisse natulog. I can't go home looking like a mess dahil siguradong iha-hotseat ako ng mga pinsan ko. So it's better like this.

Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog. Humupa na ang pag-iyak ko pero natutulala pa rin ako.

This is my last time crying for him. Bukas na bukas ay uunti-untiin ko na ang pagpaparaya sa sarili ko. Unti-unti ay susubukan ko na maging masaya.

Tama si Klarisse, kailangan ko nang makalimutan ng tuluyan si Chuck. I need to get rid of my feelings for him.

I need to set myself and my heart free at walang ibang makakatulong sa'kin na gawin iyon kung hindi ang sarili ko.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon