Chapter 29

1.9K 47 5
                                    


Chapter 29: Lost

Hindi ko alam paano ako napapayag ni Chuck na sumakay na sasakyan niya para makauwi. Well, mas mabuti na ang ganito kaysa naman maiwan ako doon sa gitna ng madilim na daan na iyon nang nag-iisa.

I inhaled the scent of his car and it smells just like his perfume. Malinis rin ito at ang tanging nasa loob lang ay iyong dalawang unan na nasa likod at saka isang malaking black na bag pack.

"Babalikan ko nalang rito bukas iyong sasakyan mo.", saad niya nang ibinaba iyong cellphone niya. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, pero wala na naman ako doon.

Tumango ako. "Thank you."

Namagitan sa'min ang matinding katahimikan na iyon. Ang tanging tunog lang ay iyong tunog ng radio. At kapag sinasadya nga naman ng tadhana ay biglang nag-play doon ang isang pamilyar na kanta.

You're my piece of mind,

In this crazy world...

Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang binalot ang buong sasakyan ng mumunting kantang iyon.

You're everything I've tried to find.

Your love is a pearl..

You're my Mona Lisa

You're my rainbow skies

And my only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes...  

Tila bumuhos sa alaala ko ang lahat ng nangyari sa'min simula noon. Started from the day he walked up to me and spoke to me. When he said na he likes me. At iyong palagi niyang ginagawa kapag medyo naiinis ako sa kanya - ang kantahan ako.

Mapagbiro nga siguro ang tadhana. Lalong sumasakit ang puso ko habang mas nanunuot sa isipan ko ang kantang nagpe-play na kasalukuyan. 

Ang unfair lang 'diba? Bakit pa tayo binibigyan ng pagkakataon ng makilala ang isang tao na hindi naman pala natin makakasama ng habang-buhay. Kung panandalian lang naman pala, bakit hinayaan pa tayong magmahal ng sobra?

Natapos ang kanta ng wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. I find it better, though. Baka kasi kapag kinausap niya ako ay hindi ako makapagpigil at maiyak lang ako sa harapan niya - which I don't like to happen. Ayoko na kaawaan niya ako. Ayoko na makita niyang nasasaktan pa rin ako sa'ming dalawa. Isipin na ng lahat na sobrang taas ng pride ko pero wala na akong pakealam. Kahit kailan, hinding-hindi ako iiyak sa harapan niya.

Nang naihatid niya ako sa bahay ay nagpasalamat lang ako bago lumabas ng sasakyan niya. Halos kalahating oras na byahe lang iyon pero pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamatagal na byahe sa lahat. 

"Salamat ulit.", ngumiti ako ng malawak ng sumilip si Chuck sa may bintana niya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Mabilis na akong tumalikod sa direksyon niya at tumuloy na sa loob.

That night ay hindi na naman ako nakatulog. Daig ko pa tuloy ang zombie nang magising ako kinabukasan ng dahil sa kulang na tulog. Noong bumaba ako sa kitchen para mag-breakfast ay naabutan ko roon si Andrew.

"Oh, breakfast.", anyaya niya as he raised his cup of coffee. Tumayo pa siya at medyo na-touch ako ng pinagtimpla pa niya ako ng kape.

We ate breakfast together. Palagi siyang nandito sa bahay dahil wala pa raw siyang trabaho. Pero he's working on something daw. A business with his brothers.

"Night-out nga raw pala mamaya.", aniya bago kami maghiwalay. Tumango ako at umakyat na sa kwarto ko.

I took a shower at nagbihis na rin ng maayos. I'm planning to spend the whole day sa Restaurant. Kailangan ko rin kasing ma-monitor ang day-to-day activities nila. May mga kailangan rin akong i-check na deliveries.

Nag-taxi lang ako ng pumunta ako doon. Wala pa rin kasi akong balita sa sasakyan ko. Siguro ay ipinakuha nalang iyon ni Chuck at baka ipahatid nalang sa bahay.

"Good Morning, Ma'am Aiza!", masayang bati noong guard sa'kin. Ngumiti ako at binati siya pabalik. Matapos noon ay dumiretso na rin ako sa loob.

Ngumiti ako sa lahat ng staff na nakakasalubong ko. They did the same. Dumiretso na ako sa loob ng office at agad na nadatnan doon si Symon. He's on his usual neat look.

"Good Morning, Kuya!", I greeted and kissed him on his cheeks. Nakitang kong natawa siya at nailing.

"You look happy. I wonder what happened."

Umiling ako. "Nothing. Bakit? Is it wrong to be happy now?", nagtaas ako ng kilay. This time ay siya naman ang umiling.

"Nga pala, paalis na rin ako.", aniya. "I just dropped by para i-check ang ilang papers.", saad niya at tumayo na.

"Ha? Pasaan ka?"

"Laguna, baby.", kindat niya. "Sama ka ba?", biro niya.

"Next time nalang. Busy ako oh.", nginuso ko ang tambak na folders sa ibabaw ng lamesa ko. Ngumiti lang siya tapos ay nagpaalam na rin maya-maya.

Nang umalis siya ay agad nang tumahimik ang buong office. I took that opportunity para tapusin ang lahat ng dapat kong tapusin. It's lunch time noong matapos ako. Iniwan ko lang ang bag ko sa loob ng office para lumabas at kumain muna. Dumiretso ako sa kitchen at tinignan silang lahat na busy roon.

"Maraming orders, Ma'am. May delivery pa.", saad noong isang chef. Tumango ako at ipinusod na ang buhok ko. 

I'm helping them.

Tumulong ako sa paghihiwa ng mga rekados. Tumulong rin ako sa pagluluto. Hindi ko alam kung ano na ang amoy ko pero wala na iyon sa'kin - what's important is that I'm able to help my staff.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas!", narinig ko Daryl na sumigaw noon. Napakunot ang noo ko. 

I'm not expecting any visitors today. Pero baka isa sa mga pinsan ko ito?

"Sige, papuntahin mo nalang sa office.", I said bago hinugasan ang kamay ko. Hinubad ko na rin ang apron na suot ko at inayos ang sarili ko.

"May ilang orders pa doon, Ailene.", tumango si Ailene at kinuha na ang ilang ready to serve na orders.

Dumiretso na rin ako sa office ko. Kung si Andrew ito ay ano naman kaya ang kailangan ng isang iyon? 

I reached my office at binuksan na ang pinto. "Andrew? Ano?", saad ko nang hindi pa tumitingin sa nakaupo roon sa sofa. Sa may salamin kasi ako dumiretso para ayusin ang buhok ko. Tinanggal ko ang pagkakapusod ng buhok ko at humarap na. 

Ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko ng imbis na mukha ni Andrew ang bumungad sa'kin ay ang seryosong mukha ni Chuck ang naabutan ko.

Ilang beses akong napapikit bago natauhan sa mga nangyayari.

What the hell is this guy doing here?

"Nakuha ko na iyong sasakyan mo. Dinala ko na rito.", aniya. Tumango ako at hindi malaman ang gagawin.

"Ano.. Kumain ka na ba?", Instead I asked. Kahit na alam ko naman na kumain na siya ay hinihiling ko pa rin na sana hindi pa.

What the fuck, Aiza?

I saw him shook his head. "Hindi pa, e.", saad niya. "Kakagaling ko lang sa trabaho.", aniya. Noon ko lang napansin na naka-suit and tie pa nga siya.

Tumango akong muli. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Sige, kumain ka muna dito.", I managed to say and I'm lucky na hindi ako nautal. "It's on me.", ngumiti ako.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa ginawa niya. For the first time since magkita kami ulit, he smiled back at me.

And fuck.. I think I'm lost again.


One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon