Chapter 46

2.2K 55 1
                                    

Chapter 46: Selos

Nang mga sumunod na araw ay naging madalas ang pagkikita namin ni Chuck. I don't know if that's a bad thing, pero dahil tanging saya lang ang nararamdaman ko ay sa tingin ko hindi naman iyon masama.

"Where are you?" Narinig ko ang boses ni Chuck sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nag-aayos para pumasok sa trabaho ng bigla siyang tumawag.

"Gumagayak. Papasok ng trabaho." Saad ko.

"Let's meet." Aniya. "Samahan mo ko. May bibilhin kasi ako."

Ngumuso ako habang tinitignan ang sarili ko sa harap ng salamin. Inisip ko rin kung may kailangan ako na tapusin ngayon. Pwede kaya akong umabsent?

"Saglit lang tayo. Ihahatid kita pagkatapos sa trabaho."

Okay madali naman akong pilitin.

"Sige. Saan tayo magkikita?"

"Sa bahay niyo. Dito na ako sa labas e." Aniya at tumawa. "Faster, you girly."

Napairap ako at hindi maiwasan na kiligin sa tinawag niya sa'kin. Pinilit ko ang sarili ko na huwag mangiti pero hindi ako nagtagumpay.

"Pababa na! Baba ko na 'to. Bye!"

Pinutol ko na ang tawag at humarap muli sa salamin. Tinignan kong mabuti ang suot ko. Ayos lang naman ito ah? Pero bakit pakiramdam ko kailangan ko ulit na magpalit ng mas maganda?

Tss! Hayaan na nga!

Dinampot ko lang ang bag ko at saka dumiretso na sa labas. Naabutan ko roon si Andrew at Lucas na masinsinan ang pag-uusap.

"Hoy saan ka pupunta?" Lingon ni Andrew sa'kin nang makababa ako ng hagdan.

"Good morning din!" Sarcastic kong sagot. "Dyan lang."

"What's dyan lang? Saan nga?"

Humagalpak ng tawa si Lucas dahil sa pagtatanong ni Andrew. I even saw Andrew na sinamaan siya ng tingin.

"Let her go, ang KJ mo." Ani ni Lucas.

This time ay ako naman ang natawa. "Oo nga ang KJ mo!" Saad ko. "Sasamahan ko lang si Chuck. Tapos diretso na ako sa trabaho ko." Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na iyon.

Naningkit ang mata ni Andrew habang nakangisi lang si Lucas. Mas lalo lang akong natuwa sa reaksyon ng pinsan ko. He's obviously still mad with Chuck!

Bago pa makapagsalita muli si Andrew ay nakarinig na ako ng busina. Nagmamadali na akong lumabas habang naririnig ko ang talak ni Andrew.

"Aiza! Bumalik ka rito! Aiza!"

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko habang natatawa. Nang nakalabas na ako ng bahay ay narinig ko pa ang pagmumura ni Andrew at ang malakas na tawa ni Lucas.

Hay, those boys! Wala kayang pinagkakaabalahan ang mga iyon?

"Good mood ah?" Bati ni Chuck ng makita akong palabas na ng gate. Nakababa iyong bintana sa side niya.

"Dahil lang kay Andrew." Tumawa ako at umikot na para pumasok.

Simula ng naging magkaibigan ulit kami ay medyo natutunan ko na rin ulit kung paano magreact around him. Naiilang pa rin ako paminsa-minsan pero nahahandle ko naman na iyon.

Inayos ko ang seatbelt ko at siya naman ay binuksan na iyong stereo ng sasakyan niya. Nang makaramdam ako ng init ay ako na mismo ang naglakas ng aircon.

Habang nagdadrive siya ay kalmado lang ako. There are times na masusulyapan ko siyang seryoso na nagmamaneho pero may times na makikita ko na nakangisi siya habang nagdadrive.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon