Chapter 20

1.9K 51 2
                                    

Chapter 20: Welcome back


Mabilis na lumipas ang panahon. Ni hindi ko namalayan iyon dahil na rin sa palagi akong busy. School. Kay Rafael. Sa Restaurant. Yup, tumutulong na rin ako doon. Guna-guide ako nila Mommy, Tito Anton, and ni Symon. Hindi ko pa sure pero ang plano nila Tito ay magkaroon ng branch ang restaurant nila sa Pilipinas. Matagal na daw nila iyong pinag-iisipan and now na dumating ako at natutunan na rin ang pamamalakad ng business nila ay mas lalo daw nilang napagdesisyunan na ituloy iyon. 


Aside from learning how to manage the restaurant ay naging busy din ako, at kami because of the vacations we had. Kapag mayroon kasing free time ay kung saan-saan kami nakakarating. Last January ay nakarating kami ng Monaco. Tapos last February naman ay sa Switzerland. And last March ay sa Sweden. Halos buwan-buwan ay umaalis kami para mag bakasyon. Ngayong June ay wala kaming napag-planuhan na byahe. Busy kasi sila Mommy at Tito Anton dahil sa fina-finalize na nila iyong mga details ng branch ng restaurant sa Pilipinas.


And because of that plan, kami ni Symon ang naatasan na mamahala noong branch ng Olive dito sa Pilipinas. And because of that, after almost 6 months ay makakauwi na ako. I don't know if it's a good or bad thing. Worried ako na baka magkita kami ni Chuck at worried ako dahil alam ko na may tampo ang mga kaibigan na naiwan ko dito sa'kin. Sino ba naman ang hindi? I haven't contacted them since noong naghiwalay kami ni Chuck.


Alam ko na mali iyon. Mali ang hindi ko sila kausapin dahil lang sa nangyari sa'min ni Chuck pero hindi naman ibig sabihin na porket hindi ko sila kinontact ay nakalimutan ko na sila. No. Palagi kong naiisip na contact-in sila pero pinili ko na hindi dahil alam ko na there's a one hundred percent chance na lahat sila ay galit sa'kin. I know. Alam ko na nakarating sa kanila ang balita at alam ko na nakarating miski ang paraan kung paano ako nakipaghiwalay. And I know. I'm sure that they're not happy about what I did.


Pero ngayon na uuwi na ako. I'll make sure to explain everything to them. Alam ko na galit man sila ay maiintindihan nila ako.


"All your bags are packed?", nilingon ko ang pinanggagalingan noong boses at agad na nakita si Mommy sa may pinto. Mayroon siyang hawak na mug at kasalukuyan na umiinom doon.


Tumango ako.


"Yup. All ready.", ngiti ko.


"Nakausap mo na ba ang Daddy mo?", tanong niya.


"Nag-skype po kami kagabi. Sinabi ko na later this night ang flight ko. I also contacted my cousins. Sila po ang susundo sa'min sa airport."


Ako at si Symon lang ang uuwi sa Pilipinas. Maiiwan sila Mommy at sinabing susunod nalang sila kapag ayos na ang lahat. Hindi kasi pwedeng basta-basta nila iwanan ang negosyo dito pati na rin ang lahat lalo na at mag-start na rin in a month ang school ni Rafael.


Nang maggabi na ay hinatid na kami nila Mommy sa airport. Masyado akong maraming dalang bagahe kaya hindi pwede na mag-taxi lang. Kasalanan ito ni Andrew! Ang unggoy kasi na iyon ay sandamakmak ang pinauwi sa'kin. Miski ang pabango niya at lotion ay pinabili dito!


"Mag-iingat kayo. Tawagan niyo ako kapag nakarating na kayo.", ani ni Mommy bago ako niyakap at hinalikan.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon