Chapter 48

2.6K 68 3
                                    

Chapter 48: Still

Matapos ang usapan naming iyon ni Chuck ay pakiramdam ko lutang na lutang na ako. Walang ibang laman ang isip ko kung hindi iyong sinabi niya, at iyong kung paano ko nga ba siya mapapaselos.

Nang nagkita kami ng mga sumunod na araw ay nag-iisip akong talaga kung paano ko mapu-push ang buttons niya. Nakakainis nga kasi daig ko pa ang teenager kung maglumandi.

"One order of this, please." Ngumiti ako habang sinasabi ko sa waiter ang order ko. Magkasama kami ngayon ni Chuck para mag-dinner.

"Iyan lang ba, Ma'am?"

Tumango ako sa waiter at ngumiti ulit. Sinulyapan ko si Chuck na nakataas ngayon ang kilay ay nakasimangot.

Ano na, selos ka na ba?

Napapangisi ako sa mga kalokohan ko. Halos lahat kasi ng makasalubong ko ay ngingitian ko para lang mabwisit si Chuck. Maski nga noong palabas kami ng kinainan namin ay nginitian ko pa ang guard.

"Really, Aiza?" Sarkastikong saad niya ng nasa loob na kami ng sasakyan.

Hinawi ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at nag-indian seat sa inuupuan ko. Ayos lang naman iyon dahil hindi naman ako naka-skirt or ano. Naka-simpleng denim shorts lang ako ay white na v neck shirt.

"What?" Inosente kong tanong at kinalikot ang stereo nya. Nagpatugtog ako roon at hinayaan niya naman ako.

Buong byahe ay ramdam ko ang pagkakabadtrip ni Chuck. Parang nagkapalit kami ng sitwasyon ah? Parang noong isang araw lang ako ang nababanas sa kanya pero ngayon ay siya naman itong banas na banas.

Hindi ko tuloy mapigilan na mapangisi. Talagang sinabayan ko pa iyong kanta dahil sa pagkaka-good mood ko.

Tumingin ako sa labas habang nakangisi pa rin ng marealize ko na ibang daan itong tinatahak namin. Nilingon ko si Chuck na seryoso at kunot-noo pa rin habang nagda-drive.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Sa bahay."

Bahay? Sus bahay lang naman pala–Shit? Bahay nila?

Nawala ang ngisi ko at napalitan iyon ng pagkakagat ko sa labi ko dahil sa kaba. Simula noong umalis siya papunta ng Singapore ay ngayon lang ulit ako makakatungtong sa bahay nila.

And Tita Olga, alam ba niya ang nangyari sa'min? Kung oo, ano kaya ang tingin niya sa'kin ngayon?

Goodness! Pakiramdam ko ay karma ko ito sa pantitrip ko sa kanya. Kinakabahan na ako kanina pero nadoble ang kabang iyon ng huminto ang sasakyan niya sa tapat ng mismong bahay nila.

"Let's go." Aniya. Hindi ako kumibo at sumunod nalang sa kanya.

Ganoon pa rin ang ayos ng bahay nila kagaya ng dati. Walang nagbago kung hindi sa kaunting mga displays na nadagdag.

Nang pumasok na kami sa loob ay mas lalo akong kinabahan. Halos matalisod ako sa paglalakad ng marinig ko ang malambing na boses ni Tita Olga.

"O, Brandon? Nag-dinner ka na ba?" Bakas sa boses niya na kakagaling lang niya sa tawanan.

Hindi ko nakikita kung sino pa ang kasama niya roon dahil nanatili akong nasa likod ni Chuck. Nang hilahin ako ni Chuck papunta sa gilid niya ay halos nanlalamig ako.

Brace yourself, Aiza.

"Aiza?" Gulat na saad ng Mom ni Chuck. Unti-unting tumaas ang tingin ko at nakita na andoon rin ang Daddy ni Chuck.

"Hija!" Saad ni Tita Olga. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero kitang-kita ko ang ngiti niya habang naglalakad siya palapit sa kinatatayuan namin.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon