Chapter 4

2.4K 72 0
                                    

Chapter 4: My Wife


Nang mga sumunod na araw ay kahit na araw-araw kaming nagkikita ni Chuck ay hindi namin napapag-usapan iyong tungkol sa offer sa kanya. I'm waiting for him to open up. Pero kung hindi ay baka ako na mismo ang mag-open up noon. Seriously ay gusto ko na tanggapin niya iyong offer. It's a big opportunity for him. 

"Aiza, Kevin's party mamaya. You know. The usual.", ngisi ni Klarisse nang nililigpit ang gamit niya. Tumango ako.

"Yup. Change lang ako clothes tapos doon na kami diretso ni Chuck."

After work ay ganoon nga ang nangyari. Chuck picked me up at sa bahay kami dumiretso para doon na magbihis. May dala naman din siyang pamalit kaya okay lang na doon na rin siya magbihis.

When we arrived home ay nadatnan namin si Lucas at Andrew na nagtatalo sa living room sa hindi ko malaman na dahilan.

"The problem with you, Luke. Is that girl you're inlove with is more deeply in love with you.", litanya ni Andrew habang inaayos ang pagkakaayos ng buhok niya,

"Dude, 'di mo alam gaanong paghihirap ang nangyari before ko siya makuha.", sagot ni Lucas.

"Ang hirap ispellengin ng mga babae. Minsan madaling basahin, pero madalas. Ewan.", ani pa ni Andrew at napatingin na sa'min ni Chuck sa may pintuan. "Look at Aiza, for example. Mahirap ispelengin.", agad akong nagmura ng dahil sa sinabi niya. Agad kong narinig ang halakhak ni Chuck bago siya nakisali sa usapan ng mga gago kong pinsan.

"The same girl, bro?", narinig ko na tanong ni Chuck habang paakyat ako.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Andrew dahil dumiretso na ako agad sa kwarto ko. Kung sino man ang nagpapahirap kay Andrew ngayon ay hanga na ako sa kanya. The fucker is obviously drawn to her.

Dumiretso na ako sa closet ko at naghanap ng masusuot doon. Nang makahanap na ng isang comfortable na damit ay nagsimula na rin ako sa pagbibihis. Inuna ko iyong butones ng blouse ko. Nasa huling butones na iyong tinatanggal ko ng biglaang bumukas iyong pinto. Sa gulat ko sa pagpasok ni Chuck ay agad akong nagpaulan ng mura sa kanya.

"I'm not yet done! Get out!", sigaw ko at tumalikod sa direksyon niya. 

Narinig ko ang pagsara ng pinto at akala ko ay sinunod niya ako pero agad ko ring narinig ang mga footsteps niya palapit sa direksyon ko.

"Parang gusto ko nalang dito tayo, ah?", narinig ko ang pang-aasar sa boses niya. 

"Oh shut up! It's Kevin's birthday, you maniac!", sabi ko at nagmamadaling kinuha na iyong mga damit na isusuot ko. I'll change in the bathroom.

Narinig ko ang mga tawa ni Chuck habang nagpapalit ako ng damit sa banyo. Nang matapos ako at lumabas na ay nakita kong bihis na rin siya. He's wearing a black polo shirt, denim pants, and a pair of sneakers.

"I'm serious, pwedeng dito nalang tayo?", ngisi ni Chuck nang makita ako pagkalabas ko ng banyo. 

Umiling ako at agad siyang dinilaan.

"You wish."

Madilim na sa bar noong dumating kami ni Chuck doon. I can feel his hands on my back habang nauuna ako sa paglalakad sa kanya. Sinalubong agad kami ng iba naming kaibigan noong highschool

"Hi, Aiza!", bati noong isang lalaki habang ngiting-ngiti sa'kin. Ngumiti ako pabalik pero agad naglaho ang ngiti niya at tumango nalang bago tuluyang umalis.

I know why. It's because of Chuck. Syempre, umaariba na naman ang pagiging seloso niya hanggang dito.

"I shouldn't have let you wear those clothes.", bulong niya. Ngumisi ako sa kasalubong namin bago ko sinagot iyong sinabi niya.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon