Chapter 22

1.8K 45 2
                                    


Chapter 22: Uuwi


Nag-drive na ako at naghanap ng pwedeng bilhan ng pagkain namin. Buti nalang dahil may iilang malalapit din na kainan dito. Mayroong Commercial buildings. Condominiums. Gyms. At iilang pang mga public establishments. Iyong mall naman ay medyo malayo dito. 

Pinark ko lang ang sasakyan ko sa may tapat noong gym dahil medyo puno na iyong parking sa harap ng kainan. Dinala ko lang ang purse ang phone ko tapos ay lumabas na.

I ordered food para sa mga tao na naroon sa site ng restaurant namin para sabay-sabay na rin kaming kumain. Noong matapos akong bumili ay tinulungan pa ako noong waiter sa pagdadala ng pagkain sa sasakyan ko.

"Thanks.", I smiled and gave him tip bago ako tuluyang tumulak pabalik sa kina Symon.

Nang mga sumunod na araw ay hindi na halos ako lumalabas ng bahay. I have nowhere to go. Symon is not here dahil nakipag-out of town kasama ang mga kaibigan niya at ni hindi ko pa rin nacocontact sila Klarisse kaya ayon at nasa kwarto ko lang ako buong araw.

"Aiz! What's up? Ano umuwi ka dito para bulukin ang sarili mo sa bahay?", isang araw ay binulabog ako ni Andrew. 

Sunod-sunod ang katok niya sa pintuan ko kaya napilitan ako na buksan iyon. Lumabas ako at agad na bumungad sa'kin ang bihis na bihis niyang itsura. Mukha rin siyang naliligo ng pabango. Umaalingasaw kasi eh.

"Oh, fuck. You're not yet taking a bath?", mura niya at nagulat ako ng ipagtulakan niya ako sa banyo.

"Ano? May lakad  ba tayo - Shit! Ito na wag mo na akong itulak!", sigaw ko sa kanya at inalis ang pagkakahawak niya sa'kin. Ako na ang kusang pumasok sa banyo.

"Bilisan mo kung pwede lang."

"Aba't talagang-", hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa walanghiya kong pinsan dahil bigla nalang niyang inihagis iyong towel sa mukha ko sabay sarado ng pinto.

Kainis talaga 'yun! 

Naligo na ako at nagbihis lang ng simpleng shorts at crop top. Nag white sneakers nalang ako tapos ay bumaba na. I only bring my wallet at saka iyong phone ko.

Pagkababa ko ay naabutan kong nanunuod ng isang movie mula sa cable si Andrew. Nang makita niya ako ay mabilis na niyang pinatay iyong TV tapos ay tinignan ang wristwatch niya.

"Thank God!", aniya.

Umirap nalang ako at dumiretso na sa pwesto niya. "Saan ba tayo?", tanong ko. Nagkibit balikat lang siya tapos ay lumabas na.

Sumunod na rin ako sa kanya sa labas at sabay na kaming sumakay ng sasakyan. Habang nasa daan ay hindi ko napigilang itanong kung bakit nasa bahay siya gayong dapat ay nasa trabaho siya ngayon. 

"Nag-resign na ako doon sa dati kong pinagta-trabahuan. Ang pangit ng sistema e.", aniya at hindi na muli akong kinausap.

Mahaba ang naging byahe namin ni Andrew. Hindi dahil sa malayo ang pinuntahan namin kung hindi dahil sa traffic. Inabot na kami ng lunch sa daan. Magwa-one na rin noong dumating kami sa mall.

"Magpapalibre ka kaya mo ako sinama dito, 'no?", pang-aasar ko sa kanya habang naglalakad kami papasok. 

Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan at biglang ginulo iyong buhok ko. Sa inis ko ay agad kong sinapak ang tyan niya. Agad naman siyang bumitaw at lumayo sa'kin dahil doon. Narinig ko pa ang pagtawa niya.

"Gumanda ka nga lalo pero mas lalong sumakit din ang mga suntok mo!", aniya. Agad akong umambang sasapakin ulit siya pero agad siyang umiwas.

Habang naglalakad kami ay ramdam ko na pinagtitinginan kami. Habang ako ay medyo nababadtrip sa mga tumitingin sa'min ay ito namang kasama ko ay halos sumuka na ng rainbow dahil sa saya sa mga natatanggap nyang atensyon. May sira ata ito eh.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin kami sa loob ng isang mamahaling kainan dito sa loob ng mall. Tangina, mapapasubo pa yata ako dito kay Andrew dahil alam ko na mahal ang mga pagkain dito at kapag libre ay walang hiya hiyang oorder ng kahit na ano si Andrew. I just hope na tumatanggap sila ng credit card kasi wala pa akong philippine peso ngayon sa wallet ko.

"Sir, this way please.", saad noong waiter at nauna nang naglakad samin. 

Nasa malayo pa lang ako ay napatigil na ako sa paglalakad nang makita iyong table kung saan kami papunta. Nanlaki ang mata ko bago ko naramdaman ang pagbalik ni Andrew sa'kin dahil nahuli na ako sa paglalakad.

"Andrew..", 

Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa'kin. "Don't worry. Alam ko miss mo na sila. Hindi naman sila galit.", aniya. Tumango ako at sumama na sa paglalakad sa kanya.

Sa buong table ay puro pamilyar na mukha ang nakikita ko. Klarisse. Monica. Kevin. Vincent. Troy. David. Francis. 

Kitang-kita ko ang nakangiti nilang mukha lahat. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang ilang taon na ang pakiramdam ko noong huli ko silang nakita kahit na halos kalahating taon pa lang naman iyon. 

I don't know. I just missed them so much.

"Aiza!", naunang sumigaw noon si Klarisse tapos ay nagulat ako ng tumayo siya at niyakap ako. Sunod ay naramdaman ko rin ang pagyakap ni Monica.

"Ang ganda-ganda mo lalo! Grabe! Naiinis kami kasi hindi mo kami kino-contact pero ngayong nandito ka sa harap namin, sobrang nakakaiyak kasi miss na miss ka namin lahat!", ani ni Monica at mas lalo pang humigpit ang yakap nila sa'kin.

Gumanti ako ng yakap at gumaan ang pakiramdam ko ng sobra. Ngumiti ako doon sa mga boys na puro ngiti lang ang ginagawa habang nakatingin sa'min.

Puro catch-up at kwentuhan ang ginawa namin noong naupo na ako. Katabi ko sa table sila Monica at Klarisse na hindi matigil ang pagtatanong sa'kin.

"Aiza, libre mo ba?", natatawang saad ni Vincent. Umirap ako pero nangi-ngiti pa rin.

Ramdam ko ang pag-iiwas nila sa topic na tungkol kay Chuck pero hindi pa rin iyon naiwasan lalo na noong nadulas sa pagkukwento si Monica.

"Oh? Next week ang opening ng restaurant niyo? Next week din ang uwi ni Chuck ah, Diba guys?", aniya nang inimbita ko sila para sa opening ng Olive. 

Agad na natahimk iyong buong table. Uuwi siya? Next week? Bakit? Tapos na ba ang kontrata niya doon? 

Shit? Bakit naman ako intresado na malaman pa 'yon. 

Nakita ko ang pagkurot ng palihim ni Klarisse kay Monica. Pinandilatan pa niya ito ng mata at may kung anong binulong. Kinagat ko ang labi ko at ngumiti.

"Ah, talaga?", saad ko. "Okay 'yun. Pwedeng ano... Pwede 'din siya pumunta. Kung ano... kung di siya b-busy..", kamuntikan ko nang tampalin ang sarili ko dahil sa medyo pagkaka-utal ko.

Tangina. 

Tangina? Really, Aiza?


One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon