Chapter 30

2.1K 50 3
                                    

Chapter 30: Right


Umalis rin si Chuck matapos niyang kumain. We didn't talk that much habang kumakain siya. Ni hindi namin napag-usapan iyong 'samin', ang tanging napag-usapan lang namin ay itong restaurant. He told me that the food is good, the place is good, and also the pricing of the product is good. Iyon lang. He never mentioned anything about us. 

Siguro nga ay mas mabuti na iyong ganoon. Siguro hanggang ganoon na lang talaga. What we had is already in the past. At kapag tapos na at nasa nakalipas na, hindi na muling binabalikan. Lalo na kung ang pangyayaring iyon ay hindi natapos nang maayos o maganda.

Pagka-alis niya sa restaurant ay inabala ko naman ang sarili ko sa pagchicheck ng deliveries sa mismong araw din. Chineck ko rin ang supplies para malaman kung may mga kailangan pa akong i-order. Nang magawa iyon ay nag-ayos na rin ako ng gamit ko.

I'll leave early today dahil sa night out namin ng mga kaibigan ko at nang mga pinsan ko. And now that I remember that, naroon kaya si Chuck?

Napapikit ako ng mariin sa sariling isipin ko. Seriously, Aiza? You are asking that? Gusto ko nang tampalin ang sarili ko nang dahil sa mga naiisip ko. This is not good. Masama ang umasa dahil masasaktan lang ako.

Gamit ang naayos ko nang kotse ay umuwi ako ulit sa bahay para maligo at magbihis. I feel a little exhausted pero nakakahinayang naman ang hindi pumunta sa night-out namin ngayon. Minsan-minsan nalang kasi kami magkita-kita.

After taking a bath a nagbihis lang ako ng isang simpleng black dress at nagsuot ng black na pumps. And for my hair, I just let it flow naturally. Hindi na rin ako nag-make up, naglagay lang ako ng liptint then I'm ready to go.

Bumaba na ako at dumiretso sa sasakyan ko. Naroon naman iyong maid kaya hindi ko na inilock iyong pinto, besides ay ang alam ko uuwi si Kuya Marco dito mamaya with Francesca.

Habang nagmamaneho ay siya ko namang itinext si Klarisse. I asked her kung nandoon na sila, ilang minuto lang ay nagreply na siya saying na nandoon na sila lahat. Hindi na rin ako nagreply pagkatapos at binilisan na lang ang pagmamaneho papunta doon. Buti nalang ay hindi traffic kaya in a span of 20 minutes ay naroon na ako.

The familiar ambiance embraced me nang pumasok na ako sa loob ng bar. I just missed having nights-out with my friends. Katulad noong college, stress-free. Hindi tulad ngayon na medyo seryoso na. Work of course.

Iginala ko ang mata ko buong bar at madali ko namang nakita ang mga kasama ko. They are not hard to find. Ang mahirap lang sa ngayon ay ang makarating sa pwesto nila dahil sa dami ng tao na nandito, mukhang mahihirapan ako.

"Excuse me!", I kept on saying habang naglalakad ako papunta sa mga kaibigan ko. 

Syempre, hindi mawawala sa mga bar ang mayroong haharang sa'yo. And iyon ang nangyayari sa'kin ngayon. Kung kailan malapit na ako sa kanila ay saka naman may biglang humarang sa'kin.

"Hello! Drink?", saad niya at in-offer ang isang bote ng beer na hawak niya. "I'm Ivan!", he smiled at me.

Gustuhin ko man ang murahin siya sa pagharang niya ay minabuti ko nalang ang ngumiti pabalik. That's one of the things I learned, hindi sa lahat ng pagkakataon useful ang pagiging mainitin ang ulo. People would understand if you say no, hindi mo kailangan na daanin sa init ng ulo ang lahat ng bagay. It would only cause you trouble.

I shook my head. "No, thank you. I'm with my friends.", I told him. Medyo malakas na boses since sobrang ingay dito.

"Oh! I see.", he nodded, still smiling. "Samahan na kita papunta sa mga friends mo. It's crowded in here."

Tumango ako at hinayaan nalang siya sa pagsama sa'kin. He's tall and yes, handsome kaya naman nakatulong ang presensya niya para makarating ako ng mabilis sa kinaroroonan ng mga kasama ko.

"Thank you, Ivan!", I thanked him the moment na nakarating na ako sa table namin. He just smiled at me before he said goodbye.

I then faced my friends na naroon na nakatingin lahat sa'kin. Wide-eyed and almost dropping their jaw. I smiled before ako naupo sa tabi ni Monica.

"Ano'ng problema niyo?", tanong ko nang natatawa.

"Who's that? Manliligaw mo?", asked Klarisse.

Umiling ako. "Hindi no! Nakilala ko lang sa may entrance. Nag-volunteer na samahan ako papunta sa table niyo. Sobrang crowded doon sa may unahan eh." saad ko at uminom doon sa isang bote ng beer.

Nakita ko kung paano nalaglag lalo ang panga nila Monica dahil sa sinabi ko. Yes, I know. I changed a lot. 

Katulad nang sinabi ni Klarisse ay narito nga lahat. Ilang minuto pagdating ko ay nagsulputan na iyong mga boys kasama na ang dalawa kong pinsan. Pero ang ikinagulat ko ay ang pagsulpot ni Chuck nang mayroong kasamang babae, si Jasmin.

Para akong naestatwa sa kinauupuan ko habang pinapanood ko silang dalawa na sobrang sweet. Ramdam ko rin ang pananahimik doon nila Monica at Klarisse. Kahit iyong mga lalaki ay ramdam ko ang pagka-awkward sa sitwasyon. Lalong-lalo na iyong dalawa kong pinsan na nagbubulungan na sa isang tabi. 

Andrew looks so pissed at ganoon rin si Lucas. Pero kumpara kay Andrew, medyo kalmado ang itsura ni Lucas. No wonder siya iyong kumakausap kay Andrew para pakalmahin ito.

Pumikit ako ng mariin at kinalma din ang sarili ko. I have no say, wala kahit ano. It was me who broke up with him kaya wala akong karapatan na masaktan ngayon.

"Oh, ano? Nagsawa na kayo mag-party?", I told them. They all looked at me na para bang may mali akong nasabi.

"Inuman nalang!", I laughed. 

Nakita ko kung paano napailing si Andrew at Lucas. Ganoon pa man ay naramdaman ko na medyo nawala na iyong tensyon dito sa table namin. Naupo na iyong mga boys at nag-order ng drinks, sila Monica at Klarisse naman ay nagpatuloy doon sa pag-inom ng mga beer nila.

Me on the other hand, forces myself to act natural. Ayoko na ipakita na apektado pa rin ako kahit na ang totoo ay sobrang sakit na makita at panoorin silang dalawa na sobrang sweet. Kasi noon, ako iyon. It was me. Ako iyong nasa katayuan ni Jasmin. Pero binitiwan ko iyon. I broke up with Chuck kaya ngayon wala akong karapatan na hilingin na sana ako pa rin iyong kasama ni Chuck ngayon, na sana sa akin pa rin siya sweet ngayon. 

I lost that right when I gave him up.

Instead na magmukmok ako sa table namin ay pinili ko nalang na uminom. Nang maramdaman ko na ang epekto ng alak ay saka ako nagpunta sa dancefloor. Doon, inilabas ko ang nararamdaman ko. I danced at hindi ko na alam kung sino ang mga nakakasayaw ko doon. 

"Hi, Miss.", narinig ko na mayroong nagsalita noon sa likuran ko. Umiikot na ang paningin ko kaya hindi na ako nakapalag ng naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko. Sinabayan niya ang pagsayaw ko.

"I'm Ron, and you are?", he whispered. Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Napapikit ako dahil doon. I don't know him. Gusto kong itulak siya palayo pero dahil sa sobrang pag-iikot ng paningin ko ay wala akong magawa kung hindi ang hayaan siya.

I felt him hugged me from behind. Naramdaman ko ang kamay niya malapit sa dibdib ko, doon ako tuluyang natauhan. Bago pa ako makapumiglas ay bigla nalang binalot ang buong paligid ng malakas na sigawan.

Nilingon ko si Ron at agad siyang nakita na nakahandusay sa sahig. On top of him is Chuck. Napahawak ako sa bibig ko habang nakikita kung paano niya pinapaulanan ng sunod-sunod na suntok iyong lalaking kasayaw ko kanina.

Fuck!

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon