Chapter 2

3.2K 62 1
                                    


Chapter 2: Bakit?


Iritadong-iritado ako kay Chuck hanggang sa matapos kami mag-lunch at hanggang makabalik ako sa office ay wala akong imik. Naiinis ako sa kanya dahil ayoko na palagpasin niya ang kahit na anong opportunities na dadating sa kanya dahil alam ko na mas gaganda ang buhay niya kung iga-grab niya iyong mga opportunities na dumadating sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko na ako 'yung humahadlang sa kanya para tanggapin iyong mga offer sa kanya. 

"Ano ba kasing problema niyo ni Chuck? Pansin na namin kanina pa lang na magkaaway na kayo. What?"

Binalewala ko ang tanong ni Monica at dumiretso na sa table ko at ipinagpatuloy iyong naiwan ko na trabaho kanina. Hindi ko manlang siya kino-contact na nandito na ako sa office. Papalipasin ko muna ang inis ko dahil baka mas lalo lang kami mag-away kung ganitong badtrip pa ako tapos ay kakausapin ko na siya.

Hanggang maghapon ay ginawa kong busy ang sarili ko sa office work. Mabuti nalang dahil medyo lumamig nga ang ulo ko nang lumipas ang oras. Noong nag-out kami ay handa na ako na kausapin si Chuck dahil alam ko na susunduin niya ako dito sa office at baka mag-dinner kami. Doon ko nalang siguro siya susubukan na kausapin ulit tungkol sa offer sa kanya.

"Mauuna na kami ni Klarisse, Aiz. Dadaan kami ng mall e, bibili ng gift para kay Kevin.", ani ni Monica. 

"Oo nga pala. Birthday na niya next week.", tango ko. "Sige, ingat kayo!", parehas nila akong bineso-an bago sila tuluyan na umalis.

Inayos ko lang ang gamit ko tapos ay dumiretso na din sa labas. Nang makalabas ako sa building ay tama nga ang hinala ko. Chuck's already there. Nakatayo siya habang may hawak na isang bouquet ng red roses.

"I'm sorry..", bungad niya kaagad ng makalapit ako sa kanya at iniabot ang hawak niyang bouquet sa'kin. Tinitigan ko ito tapos ay siya.

Ngumuso ako at, "Sorry din.", saad ko at mabilis na nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang labi ko nang agad kong maramdaman ang pagbalot niya sa'kin ng yakap. I felt him kissed my head.

"I love you..", bulong niya.

Mabilis na naglaho ang inis at pagkairita ko ng dahil sa mga ginagawa at sinasabi niya. Aaminin ko na noon, never ko naimagine ang sarili ko na magkakaroon ng boyfriend, lalo pa na si Chuck. I never imagined myself with him. Pero ngayon? Ni hindi ko na maimagine ang buhay ko ng wala siya. Yes, mabubuhay ako. Pero pakiramdam ko, mas kumpleto ang buhay ko kung nandyan siya.

Katulad ng sinabi ko kanina ay nagdinner nga kami pagkatapos niya ako na sunduin sa office ko. Sa isang Italian restaurant niya ako dinala na ikinataka ko pa kasi wala namang special occasion ngayon so bakit niya ako dinala dito?

Dinala kami noong waiter sa isang reserved na seat daw. Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod lang kay Chuck na hila lang ng hila sa'kin. Noong naupo ako ay pinaghila niya pa ako ng upuan. Ano'ng nakain niya?

Noong maka-order siya ay nanatili ang tingin niya sa'kin. Ayan na naman siya sa mga patitig-titig niya. Sinita ko na.

"Kanina ka pa titig ng titig.", saad ko sabay irap sa kanya. Narinig ko ang tawa niya.

"You're so beautiful kasi.", aniya. Nang nilingon ko siya ay nakita ko na nakangiti siya. 

"Wag mo nga akong pagtripan. Kainis 'to!", saad ko sa kanya dahil naiilang pa rin ako sa bigla-biglang pagpuri niya sa'kin. He just laughed pero sinunod din iyong sinabi ko.

After a while ay dumating na rin iyong inorder niya para sa'min. Napangiti ako ng makita ko na puro favorite ko ang inorder niya. Nang macomplete na iyong pagkain ay nagsimula na din kami kumain.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon