Chapter 24

1.9K 45 2
                                    

Chapter 24: No anything

Malalim na ang gabi nang nakarating kami sa Bar kung saan napag-usapan na magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko. Nauna sila dito at sumunod lang ako. I was with Symon.

The place looks familiar. The exact same place kung saan kami madalas noon na tumambay. And the same bar kung saan nakumpirma ko ang feelings ko kay Chuck - the place where Andrew celebrated his birthday years back then.

"Your friends are there.", ani ni Symon at naramdaman ko ang hawak niya sa likuran ko.

The whole place is full of people. Maraming tao. Maingay at madilim. Typical bar ika nga.

Naglakad na kami papunta sa mga kaibigan ko. Agad naman nila kaming binati nang makita ang pagdating namin.

"Man, what's up!", narinig ko na bati ni Andrew sa kay Symon at nag-high five sila. Ganoon rin ang ginawa noong iba.

"Aiza, dito ka!", sabay hila ni Monica sa'kin. Inupo niya ako sa gitna nila ni Klarisse.

"Alam mo, kung 'di ko lang alam na step-son iyan ni Tita ay baka mapagkamalan ko nang may something sa inyo.", bulong ni Monica.

Kaagad akong umiling at kinuha ang beer na nasa ibabaw ng lamesa.

"You're joking!", saad ko at natawa.

Maingay ang naging kwentuhan namin. And I'm glad na hindi sila nadudulas ng pagbabanggit kay Chuck. Mukhang napagsabihan na kasi si Monica kaya maingat na itong magsalita.

"Halika na doon sa dancefloor!", nagulat ako nang sabay-sabay silang tumayo.

Damn!

"Ayoko, guys!", tumatawang sabi ko sabay natatawang umiling.

Hindi naman nila ako pinagbigyan na umatras. Kaagad na nila akong hinila at dumiretso na kami sa gitna ng dancefloor. Sabay-sabay kaming nagtawanan.

It's like college life again. Masaya at enjoy lang. For a moment ay bigla kong naisip na kung hindi nga ba naging kami ni Chuck, ano na ngayon? Magkaibigan pa rin ba kami? Ano kaya?

"Loosen up, girl!", narinig ko ang bulong ni Klarisse sabay nawala na siya sa paningin ko. Inilibot ko naman ang tingin ko at nakita si Monica hindi kalayuan na may kasayaw nang lalaki.

I sighed at hinayaan na ang sarili ko na mag-enjoy rin. Tutal ay siguro ito na ang tamang panahon para tuluyan kong kalimutan si Chuck.

There's no use. Walang magandang idudulot sa akin ang pag-iisip ko sa kanya. I know he's already happy with his life, at dapat ay ganoon rin ako. So when that moment came, ang magkita kami, I'll try my best to show him that I'm happy. That I'm happy even if I'm not with him.

I danced. And to be honest ay it felt really good. I don't know pero alam ko na malaki ang ipinagbago ko. Hindi ko man mapansin ay alam ko na mayroon.

"Hey, pretty.", mayroon na nagsalita noon sa likod ko kasabay ang pagkaramdam ko na mayroong dalawang pares ng kamay ang humawak sa bewang ko.

Instead na magalit at sampalin o suntukin siya ay pinabayaan ko nalang. I'm with my cousins and friends at alam ko na nandyan sila at nanunuod saming mga babae na nandito sa dancefloor.

"Hey.", I said at humarap sa kanya.

Kahit na madilim ay kita ko pa rin siya kahit na kaunti. The guy's tall, hindi ko nga lang masyadong kita ang mukha niya ng dahil sa magulong ilaw.

"I've been watching you since you arrived.", aniya at nakita ko ang ngisi niya. He licked his lips and "Prettiest of all.", saad niya at nagulat ako ng lumapit ang mukha niya sa'kin.

Pero bago pa iyon tuluyan na mangyari ay mayroon nang humila ng marahas sa braso ko. Napatingala ako sa humila sa'kin at agad na bumungad sa'kin ang galit na mukha ni Symon. Behind his back is Andrew.

"Fuck off man, I know what you're trying to do.", mariin na sigaw ni Symon na naging dahilan para maagaw namin ang atensyon ng mga nagsasayaw rin sa gilid.

"Symon, tama na.", pigil ko sa galit niya pero umiling siya.

"Stop messing with my sister.", ani niya at hinila na ako paalis doon.

Kinaladkad niya ako hanggang sa makabalik kami sa table namin. Pagkarating namin doon ay agad niya akong pinaupo sa upuan at medyo sinermunan.

"Aiza, what were you thinking?", aniya "Dancing like that. Are you drunk?"

Nanlaki agad ang mata ko sa tanong niya. Umiling ako. I know he's always worried about me lalo na noong nakita niya kung paano ako umiyak nang naghiwalay kami ni Chuck. At hanggang ngayon, habang tumatagal ay parang mas nagiging palagi siyang worried sa'kin. Whick I think is not appropriate.

"I'm okay, Sy.", saad ko. "I'm fine. I'm not drunk."

Tinitigan niya ako bago kumalma ang itsura niya. Pagkatapos noon ay umalis na siya ulit kasama ang pinsan ko. Naiwan naman ako at iyong sila Klarisse kasama ko.

"What was that? Ano 'yon?", naguguluhan nilang tanong. Muli ay umiling ako.

"Tss. Mag-c-cr nga lang ako.", paalam ko. Dinampot ko na ang pouch ko tapos ay dumiretso na sa CR.

What makes Symon think na lasing ako? Noon sa Paris ay naglasing ako ng isang beses dahil hindi jo matagalan iyong sakit. Pero pagkatapos noon ay wala na. Hindi na nasundan. Hindi ko nga maisip kung bakit nakakaya ng mga heartbroken ang maglasing ng maglasing ngayong kahit naman lasing sila, kinabukasan, ganoon at ganoon pa rin ang mararamdaman nila. Mas dinadagdagan lang nila kasi imbes na iyong brokenheart lang nila ang iisipin nila ay iisipin pa nila ang hangover nila kinabukasan.

I just don't get it.

Dumiretso na ako sa banyo at ginawa ang gagawin ko. I washed my hands pagkatapos at saglit na inayos ang mukha ko.

I'm not wearing any make-up. Naglipstick lang ako at tumuloy na palabas pero hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan sa CR ay agad na akong natigilan.

Because right in front of me is Neo Cordoja, one of my friends, smiling from ear to ear, one of his hand's in the air, waiting for me to accept his high five.

And behind him, standing, is non other than, Chuck Brandon Jimenez, my bestfriend slash ex-lover, looking directly at me, no smile and no anything.

Shit.

Is this fucking reality?

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon