Chapter 25

1.9K 52 3
                                    

Chapter 25: Somebody

Hindi ko alam paano ako nakauwi ng maayos ng gabing nagkita kami ni Chuck. Ang tanging alam ko lang ay hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in na nagkita nga kami.

Nakainom ako, yes. The place's dark, yes. Pero hindi naman ako bulag. I know na siya iyon at isa pa kasama niya si Neo.

Fuck! I'm a fucking mess.

I can still remember Neo's face nang malaman niya mula kila Monica na hiwalay na kami ni Chuck. He's very surprised.

"Fucking no shit?!", he said. "Papaanong hindi ko 'to nalaman?!", saad niya at tinignan ako.

Where here sa isang coffee shop. Matapos ang pagkikita namin ni Chuck ay nagkita-kita muli kami kinabukasan. Bigla nalang kasi ako noong umalis ng walang paalam. I'm shocked.

"Man, nasa Belgium ka. Anong gagawin mo kapag nalaman na naghiwalay sila. Fly your ass back here?", ani ni Andrew. "At isa pa, matagal na iyon."

"That's the point! Matagal na. Tapos non of you guys even told me?", galit na saad niya.

I smiled. Mas nakita kong nainis siya dahil doon.

"Calm your ass, Neo.", I tried to sound casual. "Tapos na iyon matagal na. Okay na iyon.", I managed to say.

But the truth is, it's still not okay. Nang gabi na umalis ako sa bar dahil nakita ko siya ay halos buong gabi ako na hindi nakatulog.

The way he stares at me - alam ko na iba na. And I'm so stupid na maisip na sana ay hindi pa rin nagbabago. Na sana... Sana may kaunti pa siyang nararamdaman.. Pero alam ko - na wala na.

The way he stares at me - it's empty. No emotions. No clues. It's not the usual.. Hindi ganoon ang dating Chuck - hindi ganoon ang Chuck ko.

Pero dahil ayoko na mag-alala pa ang mga pinsan ko ay pinipilit ko nalang na maging okay. Pinipilit ko na ipakita sa kanila na ayos na ako. Na nakamove-on na ako sa'ming dalawa.

At mabuti naman dahil hindi na sila nagtatanong pa.

Matapos namin na magkita-kita ay naghiwa-hiwalay na rin kami. Ako - pupunta sa Resturant at iyong iba ay sa mga trabaho nila.

Medyo maraming customers nang dumating ako doon. Binati lang ako noong mga staff bago ako dumiretso sa office namin ni Symon. Ako lang ang nandito ngayon dahil busy si Symon sa isa pang negosyo na ang kasosyo naman niya ay iyong mga pinsan niya.

Ang isang Tito niya kasi ay mayroong nabiling lupa sa Laguna, iyong Tito niyang iyon ay kaka-migrate lang sa Alaska kaya naiwan ang lupa na walang namamahala kaya naisipan nilang magpipinsan na i-develop iyon into something na alam nila na kikita sila.

Ang alam ko rin ay kailangan nila ng mga malalaking kumpanya na mag-iinvest doon para sa development, at iyon ang inaasikaso niya ngayon.

Ginugol ko ang buong araw ko sa pagchi-check ng mga inventory ng Restaurant. Bumisita rin ako sa kitchen at tinignan ang ginagawa mg mga chef doon.

"Ako na ang mag-se-serve nito, Ailene. May bagong dating sa table 10. Iyon nalang ang asikasuhin mo.", saad ko doon sa isang waitress.

Agad siyang sumunod sa sinabi ko. Dumiretso na siya palabas habang ako naman ay kinumpleto muna ang order ng sa table 3. Nang makumpleto iyon ay ako na mismo ang nagdala noon sa table.

"Enjoy your meal, Ma'am.", ngumiti ako nang maihatid ang pagkain sa lamesa.

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakikita ang progress nitong Olíve kahit na kakaumpisa palang naman nito. Siguradong magiging masaya sila Mommy at Tito Anton kapag nakita na ganito karami ang customers namin.

Nang sumapit ang hapon ay nauna na akong umalis sa mga staff ng Olíve. Nagyayaya kasi sila Monica at Klarisse na samahan ko sila na magpa-Spa. Stress daw kasi itong si Klarisse ng dahil sa boss niyang panay ang utos sa kanya samantalang itong si Monica naman ay stress ng dahil sa Mommy niyang pine-pressure na siyang mag-asawa.

"Hindi ko lang kasi maintindihan kay Mama. Bakit nag-ra-rush? Nagmamadali lang?", ani ni Monica at kahit na nasa gilid ko siya ay nakita ko ang pag-irap niya.

Narinig ko ang tawa ni Klarisse dahil doon, "Mag-asawa ka na kasi!", aniya.

"I'm having the time of my life. And besides, wala naman akong boyfriend, alangan naman pakasalan ko ang sarili ko."

Nagtawanan kami ni Klarisse ng dahil sa sinabi ni Monica. Pero she got a point. Kung na-eenjoy mo nga ang buhay mo ay mahihirapan ka na magpatali, at idagdag pa na wala nga siyang boyfriend kaya sino ang papakasalan niya?

Halos eight na nang natapos kami sa pagpapa-spa namin. Dahil si Monica at Klarisse ang nagyaya ay sila ang nagbayad ng sa akin. Nagtatawanan pa kami ng dahil doon sa magandang bading na inirapan pa daw si Monica nang magbayad ito.

"Hilahin ko pa ang buhok niya!", saad ni Monica. "Insecure lang iyon dahil gandang-ganda sa'kin!", she flipped her hair at nagtawanan na kami doon.

Papalabas na kami ng spa at naglalakad na papunta ng parking nang biglang sumigaw si Monica.

"Chuck!"

Agad na nagwala ang puso ko nang marinig ang pangalan niya. Tumingin ako sa harapan namin at nakitang naroon nga si Chuck. He's wearing a sleeveless shirt at saka jersey shorts. May nakasukbit rin na gymbag sa balikat niya.

Kitang-kita ko ang pagngiti ni Chuck - hindi sa'kin kung hindi sa mga kasama ko.

"Uy, how are you guys?", aniya.

God! I miss his voice, sobra. Sa tagal na hindi kami nagkita ay kitang-kita ko ngayon sa harap ko kung gaano kalaki ang ipinagbago niya.

Sobrang mas gumwapo siya ngayon. Mas tumangkad rin at mas gumanda ang built ng katawan. Mas naging intimidating din ang dating niya para sa'kin at mukang mas nag-mature siya ngayon.

I guess ito ang nakuha niya sa halos isang taon niya sa ibang bansa.

Maraming pagbabago akong nakita sa kanya - isa na doon ang pagkakakita ko na wala na ako para sa kanya.. Na wala na talaga... Na ngayon, I'm not his someone anymore, I'm just somebody.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon