Chapter 19

1.8K 40 0
                                    


Chapter 19: Enough


Nang sumapit ang Christmas at New Year ay ramdam na ramdam ko ang pangungulila. It's been weeks simula nang nagdesisyon ako na putulin ang lahat ng communication ko kay Chuck. It's been weeks simula ng huli ko na marinig ang boses niya at nang huli ko syang makita. Nangungulila ako oo, pero hindi pa rin maalis ang galit sa'kin. 

I hate him, yes. Pero I miss him and I still love him. Sobra. Kaya sobra din akong nasasaktan ngayon.

"Masarap?", nilingon ko si Symon na nakaupo sa gilid ko. We are in their restaurant para magkaroon ng food tasting para sa mga bagong food na idadagdan sa menu ng restaurant.

Tumango ako at tinignan ang isang Asian Cuisine na nakahain sa plato ko. 

"Yup. This will be a good addition in your menu.", ngiti ko.

Noong mga unang araw mula ng makipaghiwalay ako kay Chuck ay palagi lang ang pagkukulong ko sa kwarto ko. Lalabas lang ako kung kakain na o kung may lakad kami ni Symon. Pero most of the time ay nasa kwarto lang ako. Sleeping o hindi kaya ay nakatulala.

Isang araw ay kinausap ako noon ni Mommy. She asked me kung bakit matamlay ako at kung bakit mukha akong malungkot. I told her everything pero not the part na pinapapili ako ni Chuck between sa kanila. I only told her na hindi kami nagkakasundo ni Chuck kaya mas pinili ko ang makipaghiwalay. It's partly true, though.

"Why don't you try enrolling in a Culinary school? Or kahit na anong school na you want.", Mom offered me. Para naman daw kahit na papaano ay malibang ako.

Hindi ko alam pero I accepted her offer. I ended up enrolling sa Culinary school. At ang plano na ilang linggong paninirahan ko lang dito sa Paris ay na-extend pa ng na-extend ng ilang araw, linggo, at buwan.

"Aiza, you coming?", narinig ko ang katok ni Symon mula sa pinto ng kwarto ko. 

"Yup! Give me a second.", saad ko at kinuha na iyong jacket ko sa may gilid. Agad ko iyong sinoot bago tuluyan na lumabas.

We're going out for today to meet his friends na nakilala ko naman na noon. Maybe sa mall or somewhere else.

"You'll take the car?", ani ni Mommy noong nadaanan namin siya sa kitchen na kasalukuyang pinapakain si Rafael. 

I kissed Mom on her cheeks tapos ay si Rafael na mas lalo kong napapansin ang pagiging gwapo. Sobrang cute niya talaga! He's one of the reason kung bakit hindi ko masyadong naaalala ang break-up namin ni Chuck.

"Yup, Mom.", narinig ko ang sagot ni Symon.

"Okay. Just be careful. Madulas ang road ngayon because of the snow.", paalala ni Mommy. "Be home before dinner.", dagdag pa niya bago kami tuluyang pinakawalan.

Sa halos isang buwan ko na pag-stay dito ay medyo nasanay na rin ako sa klima. I've been in the US at naranasan ko na rin ang snow doon kaya hindi na ako naninibago ngayon dito. Doble doble na nga ang suot ko para lang maiwasan ang lamig. Mabuti nalang din dahil may heater ang sasakyan kaya mas hindi ko naramdaman ang sobrang panlalamig.

We arrived sa lugar kung saan namin kikitain iyong mga kaibigan ni Symon dito. He has lots of friends na foreigner na na-meet ko na rin noon.

After parking our car ay sabay na kaming lumabas ni Symon at pumasok sa loob ng Hotel. Sabi niya ay we'll eat brunch here tapos ay kaunting kwentuhan.

As soon as makapasok kami ay dumiretso na kaagad kami kung nasaan naghihintay iyong mga kaibigan niya. Hindi kalayuan ay agad ko na silang natanaw. 

"Glad you came, Aiza!", bati agad noong Half Korean na friend ni Symon na si Steven. He high-fived me at ganoon din ang ginawa noong iba.

"Beautiful as ever.", ngumisi ako at tinanggap ang high-five noong Filipino-German na si Edward. "Kamusta?", he even added.

"I'm fine. Thank you!", pabiro kong saad bago naupo sa upuan na katabi niya. Symon then sat beside me.

Katulad ng sinabi ni Symon ay kumain nga kami doon at nagkaroon ng kaunting kwentuhan. All in all ay lima silang nandito, isama kami so seven kami lahat. Dalawa lang kaming girls tapos ay the rest ay boys na.

"We need to go shopping before Tristan's birthday.", bulong ni Trisha sa'kin. She's french. Kapatid niya iyong isang kaibigan ni Symon na si Tristan.

"I need new lipstick!", aniya pa.

Tumango ako. "Yup. I need to get a haircut, too."

We spent the whole afternoon ng nagkukwentuhan. Minsan ay kami lang ni Edward iyong magkausap since sa'ming lahat ay kami lang tatlo nila Symon ang marunong magtagalog.

"Kailan ang uwi mo?", bigla niyang tanong. 

Umiling ako.

"I don't now yet. Maybe baka after six months?", saad ko pero hindi ko pa rin sure. After six months pa kasi ang tapos ng course ko sa culinary school kaya ko iyon naisip.

"Sabay sana ako sa inyo if nagbakasyon kayo. Kung okay lang.", ngiti niya na mas lalong nakapagpalabas ng foreign features niya.

"Oo naman! Okay lang!", ngiti ko.

Nang sumapit ang hapon ay nagpaalam na rin kami na uuwi ni Symon. May dadaanan pa rin kasi siya sa restaurant nila kaya kailangan namin na umalis na maaga dahil baka abutan kami ng dilim sa daan. Mas mahirap pa naman iyon dahil sa dulas ng daan.

"I'll see you when I see you.", ngiti ni Edward. 

Tumango ako at sumakay na sa sasakyan. Habang nasa daan ay pansin ko ang pagngiti-ngiti ni Symon. Nang hindi na ako nakatiis ay nagtanong na ako.

"What's with you?", I asked.

He shrugged tapos ay sinulyapan ako ng isang beses. "I'm glad to see that you're slowly getting used to your environment here.", aniya. "I'm glad na bumabalik ka na sa dati."

Hindi na ako nagsalita. Ngiti lang ang tanging nagawa ko. Hindi ko alam na ganoon. Pero kung napapansin nga niya na unti-unti na akong bumabalik sa dati ay masaya ako dahil ganoon. I won't change just because naghiwalay kami ni Chuck. Siguro nga ay ganito talaga ang nakatadhana na mangyari. Naging kami nga, oo. Pero hindi itinadhana na magtagal kami. Maybe God just used him para iparamdam sa'kin na maging masaya ng may partner. Pero katulad noong sinasabi ko dati, hindi porket mag-isa ako ay malulungkot na ako. Minsan kasi mas masaya iyong ganito. It's much better if you're alone.

Before dinner ay nakauwi na kami sa bahay. Nagulat pa nga ako ng dahil sa maraming inihandang pagkain si Mommy. Andito na rin si Tito Anton na kasalukuyan din na naghahain.

"Oh, you're early!", bati ni Tito. I smiled bago ako lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Then binalingan ko si Mommy at ganoon din ang ginawa.

Sa sandaling pamamalagi ko dito ay natutunan ko na rin na ituring na pangalawa kong Daddy si Tito Anton. I mean, papaanong hindi? He's kind and he also treats me like his own daughter na palagi niyang sinasabi na turing nga niya sa'kin. 

"Hayaan mo na, Anton. It's better if they're both here. Delikado na sa daan kapag gabi.", saad ni Mommy. "Oh, sige na. Take your seats. Symon, please call Raffy upstairs.", aniya at inilapag iyong isang malaking bowl na may salad sa gitna ng dining table.

Naupo na rin ako at maya-maya lang ay bumaba na rin si Rafael kasama si Symon tapos ay sabay-sabay na kaming kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng saya.

Yes... This is already enough to make me happy.. I don't need a man para maramdaman ang saya... This... Ganito lang, masayang-masaya na ako.. 

Noon ay hindi ko matanggap ang pagkakasira ng pamilya ko. Ang paghihiwalay ni Mommy at ni Daddy. Pero ngayon ay tanggap ko na.. It's because of this..

Napagkaitan man ako ng buong pamilya noon ay ngayon pakiramdam ko buong-buo na ulit iyon dahil hindi lang isa ang pamilya ko, kung hindi dalawa pa.


One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon