Chapter 6

2.3K 63 0
                                    

Chapter 6: Complete


Tahimik sa buong living room noong pumasok kami doon. Chuck's behind me at kahit na hindi siya magsalita ay alam ko na pinapanood niya ang bawat galaw ko. 

Nang marinig nila ang pagpasok namin ay nakita ko na agad napatingin sa pwesto namin si Andrew, Lucas, at siya.

Mabilis na tumayo si Andrew at agad na dinaluhan ako. "I called Kuya Marco, I'm sorry. Okay ka lang?", pagpapaulan niya ng tanong.

I smiled para ipakita na ayos lang ako. He nodded bago ako tuluyang pinakawalan. Naglakad ako papunta sa kung saan nakaupo sila Lucas. As soon as makita ko siya ulit ay para na naman akong maiiyak. 

Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong itanong lahat ng bagay na lumalabas sa utak ko. I wanted to ask her, bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang siya nagpakita ulit after so many years. Sa takot ko na maiyak ay nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Uh.. We'll just get some drinks.", ani ni Lucas at agad siyang nawala sa paningin ko. Narinig ko pa ang pagtawag niya kay Andrew na agad naman na sumunod sa kanya. Nakita ko rin ang paglingon sa'min ni Chuck. I nodded at him to tell him na I'm okay here alone with my mother. Nang makita iyon ay sumunod na din siya sa kitchen sa mga pinsan ko.

Umupo ako sa kaharap na upuan ni Mommy. Kinagat ko ang labi ko at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. 

What should I say? Damn, I'm nervous.

"K-Kamusta ka na?", finally she spoke. Napapikit ako at kinagat muli ang labi ko.

"I-I'm fine..", tugon ko. 

Mahabang katahimikan ang namagitan sa'min bago ko nakita sa gilid ng mata ko na mayroon siyang inilapag na malaking paper bag sa lamesita sa harap namin.

"I bought this.. H-Happy birthday, Aizelle.", malumanay na sabi niya. For the first time ay nilakasan ko ang loob ko at tinitigan siya.

Nakita ko ang pagtutubig ng mata niya habang tahimik rin na nakatingin sa'kin. I'm trying to stop myself from shaking. Sobrang ninenerbyos ako because after so many years ay nakita ko ulit siya. Yes, sobra akong nanabik sa presensya ni Mommy. Sobrang-sobra na kahit noon na galit ako sa kanya ay hindi ko pa rin maiwasan na masabik sa kanya. Palagi kong naiisip noon 'yong mga panahon na masaya kami. Iyong mga panahon na kasama ko siya.

"Thank you..", I said. Nakita ko ang paglandas ng luha niya sa sinabi ko. Mabilis niya rin itong pinunasan at nakangiting humarap muli sa'kin.

"I can't believe I'd be able to see you again ng ganito kalapit.", aniya at ngumiti. Parang piniga ang puso ko. I can't believe too Mom, believe me.

"You're so beautiful..", puri niya. Tumango lang ako at hindi pa rin nagsalita.

"I can see that y-your father raised you well..", aniya.

Nanatili ang tingin ko sa kanya pero ramdam na ramdam ko rin ang pag-iinit ng mata ko. Yes.. Yes. Dad raised me so well, Mom.. 

Nang hindi na siya ulit magsalita ay tumayo na ako. Nakita ko pa ang panghihinayang sa mukha niya dahil siguro sa pagtayo ko. 

"Kumain na po kayo?", I asked her. Nakita ko ang saglit niyang pagkagulat bago dahan-dahang tumango.

"Y-Yes.. Bago ako nagpunta dito..", aniya.

Muli ay umupo ako sa harap niya. Nakita ko na lumambot muli ang ekspresyon niya dahil doon. She stared at me at walang sinabing salita. She stared at me na para bang binabawi ng tingin niya ang lahat ng panahon na nawala. Para bang minememorize niya ang buong mukha ko.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon