Chapter 28

1.9K 44 1
                                    

Chapter 28: Certain

"Rise and shine, sleepy head!"

Tinakpan ko kaagad ang mukha ko nang unan ng masinagan ang buong kwarto ko ng liwanag. I heard Symon's laugh filling the entire room.

He's back. At nandito siya waking me up.

"Gising na. Kain tayo.", he said sabay tinanggal iyong unan na nasa mukha ko.

Kinusot ko na ang mata ko bago tuluyang bumangon. I'm still sleepy pero hindi magpapaawat itong isang ito kapag hindi pa ako bumangon.

"Take ba bath. Get dressed. Kain tayo sa labas.", he said then winked me at bago siya lumabas ng kwarto ko.

I smiled bago dumiretso sa banyo. I took a quick shower tapos ay nagbihis na rin ng simpleng plain white shirt at denim shorts. Nag-flip flops lang ako at dumiretso na sa labas.

Naabutan ko si Symon na nasa living room kasama ang dalawa kong pinsan. Parehas ko lang silang tinanguan bago nagpaalam na aalis kami ni Symon.

"Kailan ka pa nakabalik", I asked him habang nasa sasakyan kami.

"Kahapon. Naging busy sa Laguna e.", saad niya. "We closed the deal.", he smiled.

Nagulat rin ako pero hindi na nagtaka. He's a good businessman at walang duda iyon. Maybe the investors saw the potential of Symon kaya pumayag ito sa offer para sa investment.

Sa isang maliit na kainan lang kami kumain. All filipino dish ang in-order niya na hindi ko naman natanggihan. From Sinigang to Adobo ay naroon rin.

Habang kumakain ay nagku-kwentuhan rin kami. I found out na isang resort pala ang plano nilang gawin sa lupang nabili ng Tito niya.

"One of these days ay isasama kita doon", aniya.

After we eat ay napagpasyahan namin na maglibot-libot pa. We stopped by sa isang park na malapit sa bahay namin - the same park na palagi naming pinupuntahan noon ni Chuck.

I shook my head.

"You okay?", Symon said. Agad ko siyang nilingon at tumango.

"Slowly..", tanging sagot ko.

Nagtagal kami ng sandali doon bago niya ako inihatid sa bahay. Hindi na rin naman siya nagtagal dahil sa magkikita pa sila noong mga pinsan niya. They're still running some errands.

"Keep me posted.", aniya at ginawa ang palagi niyang ginagawa noon kapag aalis siya at hindi ako kasama - he kissed me on my head at niyakap bago tuluyan na umalis.

I smiled. Symon's a good man. Hindi man kami tunay na magkadugo at magkapatid ay ramdam ko naman ang sincerity and love niya para sa'kin. Siguro nga ay sabik lang din siya na magkaroon ng kapatid na babae - na nakita niya sa'kin. Well yes, I'm his sister.

Nanatili ako sa bahay maghapon. Noong gabi ay napagdesisyunan ko na umalis. Andrew's not at home at si Lucas naman ay umalis rin dahil sa girlfriend niya. Dahil ayaw ko naman na magmukmok ay pinili ko nalang na mag-mall nang mag-isa.

Using the car na naiwan sa bahay ay nag-drive ako papunta sa mall. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naipit na agad ako sa traffic.

Damn, palagi nalang ang traffic dito ah?

Nang medyo nagkaroon ako ng pagkakataon ay iniliko ko ang sasakyan na gamit ko at tinahak ang ibang ruta.

I'm not going to the mall - kung saan? Hindi ko alam.

Nagmaneho ako hanggang sa nakarating ako sa isang mataas na lugar. Pinarada ko lang ang sasakyan ko sa gilid at bumaba na.

Agad akong humanga ng dahil sa ganda ng view sa lugar na ito. Overlooking kasi ang buong syudad at kitang-kita mula rito ang mga ilaw.

For the first time in a long time since I left Paris ay nakaramdam ako ng piece of mind. This is what I really needed. Some alone time.

The cold wind blew at hindi ko napigilan ang pagyakap sa sarili ko ng dahil doon.

I feel so alone right now. Kahit na alam ko naman na andyan ang pamilya at mga kaibigan ko, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko kulang pa rin iyon.

What I'm feeling right now is the exact same feeling na naramdaman ko all those years simula nang iniwan kami ni Mommy. Pero nawala iyong pakiramdam ko na ganoon nang dumating si Chuck sa buhay ko - and when we broke up - bumalik na naman.

Simula nang naghiwalay kami ay pakiramdam ko may malaking parte rin sa buhay ko ang nawala. And that part is with Chuck.

And now I wonder if I'll be able to love again katulad nang naramdaman ko sa kanya. Makakapagmahal pa nga kaya ako? The same with that love I still have up until now para sa kanya?

The answer?

No.

I know. Alam ko na hindi na. Ang pagmamahal ko kay Chuck ay alam ko na hindi na magbabago pa. Makalimutan ko man siya - I'm certain na hinding-hindi magbabago iyon.

Pero ayoko na na itali ang sarili ko sa kanya. I need to be happy. At alam ko na hindi man sa ngayon ay alam ko na I'm slowly getting there with the help of everyone around me.

I stayed there for a couple of minutes pa before deciding to go home. I'll definitely go back here.

I walked towards my car and started the engine. Nagmaneho na ako pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo doon sa lugar ay bigla nalang huminto iyong sasakyan ko.

"Shit!", I cursed nang makita na empty na ang gas nito. Sa inis ko ay napalo ko pa ang manibela.

Paano na ako makakauwi nito? I'm so stupid! Dapat ay palagi kong chine-check ang gas nito para hindi nagkakaganito. Fuck!

Lumabas ako ng sasakyan at agad na inilabas ang cellphone ko. Mabilis kong pinindot ang numero ni Andrew pero nakakadalawang ring pa lang ay agad nang namatay ito.

Nanlaki ang mata ko at sinubukang buhayin ang namatay kong cellphone pero nananatiling black ang screen nito.

Pati ba naman ito?

I surrender. Ibinalik ko na ang cellphone sa sasakyan ko habang ako ay nanatili lang na nakatayo sa labas - waiting for a car na dumaan pero bigo ako.

This place looks abandoned! Ang tanging maganda lang rito ay iyong view na kita mo ang buong syudad pero other than that ay wala na.

Madilim na ang paligid at nilalamok na rin ako. Tangina sana lang ay mapansin ni Andrew ang pagkawala ko sa bahay - iyon ay kung uuwi siya ngayong gabi.

Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa ng halos isang oras na ay wala pa ring dumadaan na sasakyan. Badtrip na badtrip ako sa mga nangyayari pero ganoon pa man ay wala na akong magagawa. All I need to do is to wait - dito magdamag.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko. I locked the doors in case na may hillbillies na mapadpad dito - like those in Wrong Turn! Geez.. Sobrang creepy namam nito!

Instead of scaring myself ay nagpasya nalang ako na matulog. I was about to close my eyes nang masilaw ako ng dahil sa paparating na sasakyan. I wasted no time at agad nang lumabas ng kotse. Agad kong hinarang iyong isa pang sasakyan at abot-abot ang tuwa ko ng huminto nga ito.

Bumukas ang pinto ng sasakyan at agad na nalaglag ang panga ko nang maaninag ang pigura ng isang pamilyar na lalaki.

"Aiza? What the fuck are you doing here in the middle of the road in the middle of the night?!", mahinahon ngunit mariing saad ni Chuck.

Shit! Ano ba naman ito?

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon