Chapter 15

1.7K 33 3
                                    

Chapter 15: Flight


Alam ko na nakapangako na ako kay Chuck at alam ko na desidido ako na sa kanya talaga ako susunod. Pero hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko iyong sinabi ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit patuloy akong ginugulo noon.

"Please think about it, Aizelle.", ngumiti si Mommy at nakita ko agad ang lungkot sa mata niya.

Ayoko na biguin si Chuck kung sakaling pumayag ako sa alok ni Mommy pero parang mas mahirap na makita ko na si Mommy iyong mabibigo kung hindi ko mapagbigyan iyong hiling niya.

Matagal na panahon ang inintay ko para makasama ko siya ulit at alam ko na unfair kay Chuck pero hindi ko alam dahil gusto ko sumama kay Mommy. Gusto ko na makasama siya. Gusto ko na makasama sila ni Rafael.

"How's the papers?", taas kilay na tanong ni Chuck habang nakikita ko na naman ang office nya sa background.

Ngumisi ako. "Ayos lang."

Totoo iyon nagsisimula na ako na mag-ayos ng papel kaso lang ay hindi pa rin ako sure kung ngayon ay sigurado pa ako na sa Singapore ang punta ko.
Nahihirapan ako sa pagdedesisyon pero nang nagkita ulit kami ni Mommy ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Sige po.", nakangiti kong sagot kay Mommy nang tinanong nya ang sagot sa alok niya. Nakita ko kaagad ang ngiti niya at agad niya akong niyakap.

I'm sorry, Chuck. Maiintindihan mo naman hindi ba?

Nagsimula na ako na mag-ayos ng papel. This time ay sa Europe ang siguradong punta. Tinutulungan din ako ni Symon at Mommy para mapabilis ang proseso dahil kailangan i-rush na dahil malapit na rin ang alis nila at balak nila na isabay na ako sa mismong flight nila.
Wala pa akong pinagsasabihan ng desisyon ko. Ang tanging may alam lang nito ay si Daddy.

"You're old enough, Aizelle. Kung ano ang desisyon mo, susuportahan ka namin ng Tita Lina mo.", ani ni Daddy nang nag-skype kami. "Nga pala, alam na ba 'yan ni Chuck?"

Umiling ako.

"Hindi pa po. Pero sasabihin ko rin naman po."

Tumango si Daddy at hindi na ako muling tinanong. Ang alam ko ay nakapag-usap na rin sila ni Mommy at alam ko na nakapag-paalam na rin si Mommy sa kanya na isasama niya ako doon.

Ang plano ko ay kapag nasa Europe na ako saka ko sasabihin sa kay Chuck ang totoo. At saka hindi rin naman ako magtatagal doon. Mga 2 months lang ako kaya alam ko na maiintindihan niya ako.

"Just don't tell him. Please? Ako nang magsasabi sa kanya. 2 months lang naman ako doon.", paliwanag ko sa mga kaibigan namin. Inaya ko sila na lumabas para na rin makapag-paalam. Lumabas na kasi iyong mga papers na kailangan ko at nakabook na rin ako ng flight kasabay nila Mommy.

"Ewan ko sa'yo, Aiza. Siguradong magwawala iyom kapag nalaman niya.", saad ni Kevin.

Umiling ako. "Ipapaliwanag ko naman lahat sa kanya. Ako ang magsasabi kaya, kayo ah? Wag niyong babanggitin."

Mabuti nalang dahil pumayag naman sila. Hindi sila pabor sa ginawa ko pero wala naman din daw silang magagawa na.

"I miss you, babe.", ngumiti ako nang agad na makita ang mapungay na mata ni Chuck. Nakahiga sya sa kanyang kama at magulo pa ang buhok

"I miss you more, Chuck."

"Kamusta na nga pala iyong papers mo? Mag-iisang buwan na ah?", saad niya na nakapagpakaba sa'kin.

Nag-isip kaagad kaagad ako ng palusot sa kanya. Nakakaguilty pero wala akong choice kung hindi ang magsinungaling muna. Panandalian lang naman, eh.

"Nag-aayos na ako. Medyo matagal lang talaga.", palusot ko.

Mabuti nalang dahil mukha naman siyang naniniwala sa mga sinasabi ko. Tangina naguguilty na ako talaga at pangako ko na pagkarating ko doon ay talagang sasabihin ko na sa kanya ang totoo.

"Okay. I love you."

"I love you too, Chuck.", ngumiti ako at agad ko nakita ang pagngisi niya pabiro pa nyang hinalikan ang screen kaya mas lalo akong nangiti.

Ganoon ang naging eksena sa mga sumunod pang araw. Palagi ang palusot ko kaya minsan ay talagang nagtatampo na si Chuck.

"Hindi makakaabot, Chuck. Holiday break na sa mga offices.", paliwanag ko sa kanya ng nagkachat kami ilang araw bago ang flight ko papuntang Europe.

"Bakit ang tagal mo kasi mag-ayos. Diba sinabi ko noon sayo bago ako umalis na mag-ayos ka na kaagad?", iritang sinabi niya.

"Sorry na oh, hindi ko naman alam na matatagalan e.", saad ko. "Promise by January."

Natapos ang usapan namin na 'yon ng medyo nagtatampo pa si Chuck. Ayoko man na ganun sya ay wala na akong nagawa.

Promise, Chuck. Pagkarating ko doon ay sasabihin ko kaagad sa'yo.

Nang sumapit ang December 20 ay nagflight na kami. Si Andrew, Lucas, at Kuya Marco ang naghatid sa'min sa Airport. Habang inaayos iyong mga luggage ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Kuya Marco.

"Nasabi mo na ba kay Chuck?", aniya.

Umiling ako. Ito ang palagi nilang tanong.

Tumango si Kuya at umalis sa harap ko para makipag-usap kila Mommy. Nagulat ako ng biglang si Lucas naman ang pumalit sa kay Kuya Marco.

"Ingat ka doon.", aniya at agad kong nakita ang pagngiti niya. Nagulat pa ako ng niyakap niya ako kaya agad ko siyang pabirong itinulak.

"Di naman ako magtatagal doon!"

Nagkibit balikat lang si Lucas tapos ay ngumiti bago umalis sa harap ko at sundan si Kuya Marco. Maya-maya lang ay nakita ko na si Andrew naman iyong lumapit. Sinamaan ko agad siya ng tingin kaya agad niyang itinaas iyong dalawang kamay niya sa ere.

"Shit! Ayan na naman 'yang mga tingin mo!", reklamo niya.

"Sabihin mo na sa boyfriend mo na andoon ka. Ayokong nagsisinungaling!", litanya niya at agad akong inakbayan.

"Uwian mo ako ng french, ah?", aniya at humagalpak.

Siniko ko ang lintik at inambahan ng suntok kaya lumayo sa'kin. Ngayon ay binalingan niya naman iyong kapatid ko at kinulit. Mahilig talaga itong mang-inis!

Nang tinawag na ang flight number namin ay nagpaalam na kami kila Kuya. Sinabi ko rin sa kanila ang bilin ko na huwag na sabihin kay Chuck na nasa Europe ako. Alam ko naman na tikom ang bibig noong dalawa, kay Andrew lang talaga ako nagdududa. Madaldal kasi 'yon at baka madulas.

"Ingat po kayo sa flight.", saad ni Kuya Marco. "Aiza. I-message mo kami pag andoon ka na.", baling sa'kin ni Kuya Marco.

Sa lahat ng sinabi nila ay puro tango lang ang ginawa ko. Noong tumalikod na kami sa kanila para pumasok na sa loob ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Nagpaalam naman ako kay Chuck na hindi kami pwedeng mag-skype ngayon dahil may lalakarin ako. Sinabi ko kasama ko sila Klarisse kaya hindi ako nag-aalala na baka magtanong siya doon. 

"Thank you for being here, Aizelle.", ani ni Symon ng naupo na kami. Kami kasing dalawa ang magkatabi sa seats since ayaw humiwalay ni Rafael kay Mommy.

"Do you want to sit near the window?"

Tumango ako kaya pinauna niya ako sa pag-upo. Noong nakaupo na ako ay sumunod na rin siya. Inayos niya na agad iyong seatbelt niya kaya ganoon din ang ginawa ko.

"You'll enjoy there, I promise.", siguradong-sigurado na saad niya bago ako nginitian.



One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon