Chapter 12

1.9K 45 0
                                    

Chapter 12: Boyfriend

Habang tumatagal ay mas lalo ko na namimiss si Chuck. Oo nga at halos araw-araw ay nagkikita naman kami via Skype, pero iba pa rin pala talaga 'yung magkikita kayo personal. Parang kahit na halos magdamag kami magkausap sa skype at magkakwentuhan ay parang pakiramdam ko kulang na kulang pa rin. Mabuti na nga lang at madalas din ang pagkikita namin ni Rafael at ni Mommy kaya kahit na paano ay naiiwasan ko ang sobrang pagkakamiss sa kanya.

"Ate, can you text Kuya?", tanong ng inosente kong kapatid habang hawak iyong iPad at naglalaro doon ng isang laro kung saan si Ben10 ang character niya at mayroong mga iba't-ibang kalaban.

Hindi ko alam kung nasaan si Symon. Hindi kasi nila ito kasama ni Mommy ng bumisita sila dito sa'kin sa bahay. Kanina noong dumating sila dito ay kumain lang kami at kalagitnaan ng pagkain namin ay mayroong tumawag sa kay Mommy na naging dahilan para kailanganin niya na umalis.

"Are you sure kaya mo si Rafael?", saad ni Mommy habang ibinabalik niya iyong phone niya sa bag niya.

Tumango ako. "Opo. Itetext ko nalang si Symon mamaya pag magpapasundo na. Para 'di na rin po kayo magtaxi.", saad ko at nilingon si Rafael na busy pa rin doon sa iPad nya.

Hindi na rin nagtagal si Mommy pagkatapos noon. Pagkatapos lang na magbilin kay Rafael na magbehave ay umalis na din siya.

"Ate?", narinig ko na tawag muli ni Rafael sa'kin. Mula sa pagkakatingin ko sa phone ko ay sinulyapan ko siya. Nasa akin na ang buo niyang atensyon ngayon at wala na doon sa iPad.

"Can you text Kuya?", pag-uulit niya. Tumingin ako sa wall clock na nasa living room ng bahay at nakita na past six na ng hapon.

"Do you want to go home?", tanong ko. Ngumuso siya at bahagyang umiling.

Dahil alam ko na hindi siya titigil hanggang hindi ko nga itinetext si Symon ay ginawa ko nalang ang sinabi nila. Gabi na rin kasi at baka kailangan na niyang umuwi. So I texted Symon. Buti nalang ay mayroon akong number niya.

Ako:

Symon? Where are you? Nasa bahay namin si Rafael. Iniwan kasi siya ni Mommy dahil nagkaroon yata ng emergency. Hinahanap ka, gusto na yatang umuwi.

Pagkasend ko noong text ay wala pang ilang minuto nakatanggap na kaagad ako ng reply niya.

Symon:

Alright. Daanan ko nalang si Raf dyan. I'll be there in twenty.

Pagkatanggap ko noong reply niya ay inayos ko na iyong mga gamit ni Rafael at inilagay na iyon doon sa backpack na dala niya. Saktong ginagawa ko iyon ng marinig ko na bumukas iyong main door. Sa pag-aakala na si Symon na iyon at tumayo na ako pero nang napatingin ako doon ay agad na bumungad sa'kin si Andrew.

"Kanino iyong bola sa labas?", ani ni Andrew at itinuturo iyong labasan. "Tangina kamuntik na akong madapa!", mura niya na agad naging dahilan para panlakihan ko siya ng mata.

"Shut your mouth, Andrew! Marinig ka ni Rafael.", saad ko at nginuso iyong kapatid ko na nakatingin na ngayon sa kay Andrew.

Ngumisi si Andrew at alam ko na kaagad ang ngisi niyang iyon. Mabilis siyang naglakad at agad na naupo sa sofa sa tabi ni Rafael.

Nakita ko na kinausap niya si Rafael at maya-maya lang ay nasa kanya na iyong iPad ng kapatid ko at siya na ang naglalaro. Umiling nalang ako habang pinapanood ang kapatid ko na manghang mangha ang itsura habang nanonood kay Andrew na kasalukuyan na nilalaro iyong Ben10 niyang laro. Tsk.

"You like zombies?", tanong ni Andrew.

"Yes. Are we gonna watch?", sagot ng inosente kong kapatid.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon