Chapter 41

2K 41 0
                                    

Chapter 41: Paper bag

Sinabi ko kay Andrew na hindi nga ako makakauwi ngayon. Sa lakas ng ulan at sa traffic ay baka maabutan kami ng baha sa daan. Noong una ay sabi pa ni Andrew na ayos lang pero nang sinabi ko kung sino ang kasama ko ay parang bulkan siyang sumabog.

"Nasan na kayo? Damn it, Aiza! Makakatikim talaga sa'kin 'yang ex mo!", bungad niya ng tinawagan ko siya pagkarating namin ng Hotel. Si Chuck ay busy sa pagkuha ng mga kwarto at nandito ako at kausap ang pinsan ko.

"I'm fine! Nasa hotel na kami. Dalawang rooms naman ang kinuha namin.", saad ko.

"Dapat lang! There's no reason para magsama kayo! I called Lucas kanina, nagpaplano na kung paano bubugbugin iyang Chuck na iyan!"

Natawa nalang ako sa mga sinasabi niya. Mula sa malayo ay nakita kong pabalik na si Chuck kaya nagpaalam na ako. Para lang matahimik si Andrew ay sinabi ko nalang na i-uupdate ko siya palagi.

"Okay na yung rooms?", tanong ko.

Tumango siya at inilahad ang card ng kwarto sa'kin. Kumunot ang noo ko ng makitang iisa lang iyong hawak niya.

"Wala ng available na rooms kaya isang suite lang ang nakuha ko."

Nanlaki agad ang mata ko. Does this mean we'll be sleeping together!?

Para akong lumulutang sa ere habang nasa elevator kami papunta sa kwartong nakuha namin. Iniisip ko palang na nasa isang kwarto kami ay sobrang kaba na agad ang nararamdaman ko.

Siguro naman ay maluwang iyon? I'll be fine sleeping on the couch!

Dumating kami sa kwarto at nang binuksan iyon ni Chuck ay malaki nga iyon. May malaking kama at may sariling living room pa iyon.

Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa couch. I immediately sat at agad pinakiramdaman ang lambot noon. Humiga ako. Hmm, this would be fine.

"What are you doing?", narinig ko ang boses ni Chuck.

"I'll be sleeping here. Doon ka na sa kama.", saad ko.

"You take the bed. Ako nalang ang dyan.", aniya at narinig ko na mayroong sumarang pinto.

Bumangon ako at nakitang wala na si Chuck. Saan nagpunta 'yun?

Tumayo na ako at pumunta sa kama. Katulad ng sa couch ay nahiga rin ako. Ang lambot! Totally better than the couch.

Nagpagulong-gulong ako doon bago ako tumigil. Tinignan ko ang buong kama at narealize na masyadong maluwag ito para sa'kin. Kung tutuusin nga ay kasyang-kasya kami rito ni Chuck. Pero... Hindi iyon pwede.

Kalahating oras din ang lumipas bago ko narinig ulit ang pagbukas ng pinto. Dinungaw ko iyon at nakitang pumasok na ulit si Chuck - this time ay may mga dala siyang paperbag.

"You can take a bath. Binilhan kita ng pamalit."

Napatayo ako at lumapit agad sa pwesto niya. Tinignan ko iyong mga binili niya at nakitang may mga damit pambabae nga siyang binili. Nag-init pa ang mukha ko ng makitang may mga pair of underwear din doon. Nawala lang ang atensyon ko sa mga iyon ng tumikhim si Chuck sa likuran ko. Nilingon ko siya.

"Y-Your dress... Too s-short..", aniya at nag-iwas ng tingin.

Agaran kong tinignan ang dress na suot ko at agad na nag-init ang buong mukha ko ng marealize na sobrang umiksi nga ito! Siguro ay dahil sa pagpapa gulong-gulong ko kanina.

Hinila ko agad iyon pababa at inayos. Nag-iinit pa rin ang buong mukha ko sa sobrang kahihiyan. Bumalik na ako sa kama at naupo nalang doon.

"Gutom ka ba? Nagpahatid na ako ng pagkain dito. Magso-shower lang ako.", narinig ko na saad niya bago ko nakita na dinampot niya iyong isang paper bag at pumasok doon sa tingin ko ay ang banyo.

Pagkapasok niya doon ay napahiga ako sa kama. Pumikit ako at hindi maiwasan na isipin kung anong magiging reaksyon ni Jasmin sa oras na malaman niya magkasama kami ngayon. Kung noon sa bar ay nasampal niya ako, baka ngayon ay masabunutan na niya ako.

Pilit kong sinasabi na wala akong kasalanan kaya wala siyang karapatan na gawin iyon sa'kin pero nagu-guilty ako dahil pakiramdam ko may kasalanan ako - dahil nagugustuhan ko na ganito ang sitwasyon namin ni Chuck ngayon at dahil magkasama kami.

Nawala ang atensyon ko sa pag-iisip ng tumunog iyong doorbell. Must be the food! Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin ang dalawang naka-unipormeng lalaki na may mga dalang pagkain.

Inayos na nila ang pagkain namin sa may living room bago sila nagpaalam na umalis. Sakto ng pag-alis nila ay bumukas na iyong pinto ng banyo at lumabas na si Chuck na nakabihis na. Nasa balikat niya iyong twalya.

"Ikaw naman maligo.", aniya at inabot ang twalyang nasa balikat niya sa'kin. Tinitigan ko pa iyon ng ilang saglit bago kinuha at dumiretso sa banyo.

Habang nasa loob ng banyo ay natatampal ko nalang ang sarili ko. Stop giving meaning to everything he's doing, Aiza!

Umiling nalang ako at hinubad na ang damit ko. Agad akong dumiretso sa shower at naligo.

The water's so refreshing. Hindi ganoon kalamig at hindi rin ganoon kainit. For a while ay nakalimutan ko lahat ng iniisip ko dahil sa sarap ng tubig. Nagulantang lang ako ulit ng marealize ang isang bagay matapos kong maligo.

I fucking left my clothes outside!

Itinapis ko kaagad ang twalya sa katawan ko at pabalik-balik na naglakad. Ang tanga! Sa lahat ng makakalimutan ay iyon pa!

Bahagya akong lumapit sa pinto at dinikit ang tainga ko doon. Nakarinig ako ng tunog ng TV so maybe Chuck's in the room watching TV.

Mas lalo lang akong nagpanic. Huminga ako ng ilang beses na malalim bago ko dahan-dahan na binuksan ang pinto. There's no other way kung hindi ang ipakuha ang paper bag kay Chuck!

Sumilip ako at nakita agad si Chuck na naroon sa ibabaw ng kama at nanonood. He's laying in the bed. Agad na hinanap naman ng mata ko ang paper bag at nakita iyon sa may table malapit sa kama sa kwarto. Napamura ako kaagad at nawalan ng choice kung hindi ang tawagin si Chuck at ipakuha iyon.

"Chuck..", mahinang saad ko.

Hindi ko na kinailangan naulitin pa ang pagtawag ko sa kanya dahil napatingin siya agad sa direksyon ko.

"Paabot naman... Yung paper bag."

Nakita ko na tumayo siya at nagtungo agad sa may lamesa at kinuha iyong paper bag. Pagkatapos noon ay dumiretso siya sa pwesto ko at inilahad iyon. Mabilis kong kinuha iyong paper bag kaya lang ay ayaw iyong bitawan ni Chuck!

Tinignan ko siya at nakita kong titig na titig siya sa'kin kaya mas nagtago ako sa likod ng pintuan.

"Hurry up, kain na tayo.", saad niya at nahuli kong nakakaloko siyang ngumiti sa'kin bago pinakawalan iyong paper bag.

Mabilis kong ipinasok iyon sa banyo at sinara ang pinto. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko!

Calm the fuck down, Aiza! Damn it!

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon