Chapter 35

1.9K 44 2
                                    

Chapter 35: Ready

Hindi ko alam kung bakit sa Olìve pa napili nila Chuck ang kumain at hindi ko rin alam kung bakit sa table namin sila sumama. Tahimik lang naman ako.. Ganoon rin siya. Ang tanging ingay lang ay galing duon kila Edward at sa ibang boys na mukhang nagkakasundo na.

"You eat more, Aiza.", nilingon ko si Edward at nakitang nakabaling siya sa'kin at nakangiti. Nang hindi ako kumilos ay nagulat ako ng siya ang kusang maglagay ng pagkain sa plato ko.

Awtomatikong napaangat ang tingin ko sa mga kasama namin sa table. Sila Klarisse ay napapanguso sa may banda nila Chuck habang iyong ibang boys ay narinig ko na napapito at uminom ng tubig.

Nag-init ang buong mukha ko pero hindi ako tumingin sa direksyon nila Chuck. I don't want to see whatever reaction he have.

"T-Thanks."

Kinain ko na lang ang nilagay ni Edward na pagkain sa plato ko. Ngumisi siya ng dahil sa ginawa ko bago bumaling sa katabi niyang si Vincent. They're talking about cars now.

"Is he your boyfriend?"

Agad na napatigil ako sa pagsubo at agad na napatingin sa direksyon nila Chuck. It was Jasmine who asked me pero kay Chuck ang naging tingin ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin kay Jasmine at may kung anong ibinubulong dito.

May kirot akong naramdaman sa puso ko. It was that me before.... Pinilig ko ang ulo ko at bahagya nalang umiling.

"We're just friends."

Tumango siya at ngumiti rin. Doon ko mas narealize na ang ganda niya talaga. Tamang-tama lang ang tangos ng ilong, mapula ang labi, at mapilantik ang mga pilik-mata. No wonder Chuck fell in love again with her.

"Bagay kayo-"

"Jas, stop it."

Nagkatinginan kami nila Klarisse ng dahil sa biglaang pagsali ni Chuck sa usapan. He looks pissed at mukhang 'di niya nagugustuhan ang sinasabi ni Jasmine.

I'd lie kung hindi ko maiisip ang dahilan kung bakit siya nagagalit. Does he still....

Before I could finish my question ay pinigilan ko na ang sarili ko. No, Aiza. Stop hoping. Whatever happened between the two of you is over. Done.

Hindi na muling nagtanong pa doon si Jasmine. Mabuti nalang rin at sinaway siya ni Chuck. Hindi ko rin kasi alam ang mga isasagot ko kung sakaling may itatanong pa siya.

After we eat ay nagpa-alam na rin sila isa-isa na aalis na. Iyong iba ay may lakad pa kasama iyong family nila. Nang nakaalis na sila Klarisse at sila Kevin ay si Edward, Jasmine at Chuck nalang ang natira. Mas lalo tuloy naging awkward ang sitwasyon.

"You still have work? Sunduin natin si Symon.", ngumisi si Edward sa'kin. Bago pa ako makasagot sa sinabi niya ay muli na namang nagsalita si Jasmine.

"Aiza, thank you sa lunch! Ang sarap ng food niyo dito. Would recommend it to my friends.", ngumiti siya.

"Thank you.", tumango ako at ngumiti rin pabalik.

"Aalis na kami ni Chuck. Mukhang may date din kayo ng kaibigan mo e.", humagikgik pa siya pagkasabi noon.

Nalaglag naman ang panga ko. Bago pa ako makapagsalita ay hinila na siya palabas ni Chuck. Gusto kong itama iyong sinabi niya para sa hindi ko malaman na dahilan.

"Ano? You still have work?", naramdaman ko ang pagtapik ni Edward sa'kin. Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at umiling.

"No. I'm free.. Sige.. I'll just fix my things."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Dumiretso na ako agad sa office at inayos na ang gamit ko. I'll probably bring these files at home at doon ko nalang tatapusin.

Nang maayos ko ang mga dapat ko na dalhin ay lumabas na rin ako. Naabutan ko si Edward doon na may kausap sa phone. Nang makita niya ang pagdating ko ay nakita kong ngumisi siya at may sinabi doon sa kausap niya bago inilahad sa'kin iyong phone niya.

"What?", I mouthed. He just smiled at pilit na inabot ang phone niya sa'kin. Kinuha ko nalang iyon at agad na tinapat sa tainga ko.

"Hello?"

"Aiza, you're with Edward?", boses iyon ni Symon.

"Yup. Pinuntahan niya ako dito sa trabaho.", saad ko. "Nasaan ka?"

"I'm still here in Tagaytay. Baka mamaya pa ang uwi ko.", aniya

We talked a little bago ko binalik ang cellphone kay Edward. Agad niya rin iyong kinuha.

"We'll fetch you, man. Oo akong bahala... Yes! Of course... I'll take care of her.. Bye."

Ng maibaba ang tawag ay agad na ngumiti si Edward sa'kin bago ako inaya na lumabas na. Nagpaalam muna ako sa mga staff bago kami tuluyang lumabas.

Sa sasakyan niya kami sumakay papunta ng Tagaytay. Itetext ko nalang ang isa sa mga pinsan ko mamaya para ipakuha ang sasakyan ko.

Habang nasa daan kami ay nagku-kwento siya mostly about our friends na nasa Paris. I can't help but to miss them too kaso lang ay as much as I want to see them again, hindi ko pa alam kung kailan dahil wala pa rin sa plano ko ang pagbalik sa Paris.

"They are planning to have a vacation here. Inaayos lang ni Steven iyong sched niya."

Tumango ako. Siguro ay may conflict sa sched ni Steven. Hectic kasi ang schedule niya since kasalukuyan siyang nagre-residency ngayon sa isang ospital sa Paris.

"Nga pala bakit ka biglaang umuwi?", I suddenly asked him.

"I just suddenly missed you."

Agad akong natawa sa sinabi niya kahit na medyo nailang ako. I know. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na nagpaparamdam siya sa'kin. Noong nasa Paris pa lang kami ay alam ko na na may gusto siya sa'kin. I know it based on the way he treats me at isa pa hindi naman mahirap maramdaman iyon.

Edward's kind. Mabait siya and he came from a good family too. I know kasi twice ko nang namimeet ang Mom niya pati iyong younger sisters niya. He's a good son to his parents at mabait na kapatid naman sa mga sisters niya. It's not hard to like him - ang totoo nga ay maraming nagkakagusto sa kanya doon sa Paris. It's easy for him na magkaroon ng girlfriend but yet he choose me. Why? Hindi ko rin alam.

Hanggang makarating kami sa Tagaytay ay pinilit ko na wag magtanong sa kanya ng mga bagay na alam kong maiilang ako sa sagot niya. Mabuti nalang dahil hindi na rin naman siya nagtangka pang magsabi ng kahit na anong nakakailang.

"I missed you, man! How have you been?"

Tumawa ako ng sinalubong ni Edward ng man-hug si Symon. Natawa rin si Symon doon bago rin niyakap si Edward.

"I'm fine.", saad ni Symon. "Ikaw kamusta?"

"I've never been this fine.", narinig kong sabi niya tapos ay tumingin sa direksyon ko at kumindat.

Ngumiti nalang ako at hinayaan silang dalawa na mag-catch up.

I don't want to assume. Pero mukhang alam ko kung saan patungo ang pag-sunod ni Edward dito sa'min. I don't want to say no to chances. Pero kung tama man ang iniisip ko na plano niyang gawin ay isa lang ang alam ko,

I'm not yet ready.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon