Chapter 42

2.1K 49 1
                                    

Chapter 42: Friends

Kumain kami ng sabay ni Chuck. Masarap iyong pagkain na sa tingin ko ay inorder nya sa baba pero hindi ko pa rin iyon naubos. Tuwing maaalala ko kasi na sa iisang kwarto kami ngayon ay naghuhuramentado ako.

"Sa kama ka na, dito na ako sa couch.", aniya habang nag-aayos na para matulog.

Hindi na ako kumibo at dumiretso na sa kama. Dahil sa couch nga siya matutulog ay nagpa-akyat kami kanina rito ng extra comforter pati na rin ng extra pillow.

Nahiga na ako sa kama at narinig ko na ganoon rin ginawa ni Chuck. Medyo maliwanag pa buong kwarto ng dahil sa ilaw  na galing doon sa wall lamp na nasa may pagpasok ng pinto at doon sa isang lampshade sa gilid ng kama.

Hindi ko alam kung namamahay ba ako pero ilang oras na yata ang nakakalipas ay ni hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sinulyapan ko iyong pwesto ni Chuck at nakita siyang nakahiga pa rin doon.

Huminga ako ng malalim bago bumangon at tumayo. Kinuha ko iyong remote para sa kurtina at binuksan ang binds. Agad kong nakita na umuulan pa rin. Dahil sa aircon ay parang nagmomoist iyong bintana dahilan para hindi ko masyadong makita ang city lights sa ibaba.

"Di ka makatulog?", narinig ko ang paos na boses ni Chuck.

Sinulyapan niya ako kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. "Oo," saad ko.

We remained quiet there hanggang sa nayakap ko ang sarili ko ng dahil sa ginaw. Inayos ko ang damit ko at agad na nagulat ng maramdaman ko na may bumalot sa'kin ng yakap galing sa likuran. Nanigas ako roon lalo na nang maramdaman ko ang init ng katawan niya sa likuran ko.

Nagkabuhol-buhol ang utak ko sa ginawa ni Chuck. Hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko. I feel so secured and I feel so comfortable in his arms pero nagdadalawang isip ako. A part of me wants his hug and warmth so much but a part of me is saying na mali ito..

Mabilis akong kumawala sa yakap niya. Nag-iinit na ang gilid ng mata ko dahil naguguluhan na ako ng sobra sa nararamdaman ko at sa ikinikilos niya.

Tinignan ko kaagad siya ng masama at nakita kong umamba siyang hahawakan ako pero agad akong umiling.

"No. Don't.", mariing saad ko bago ako naglakad pabalik ng kama.

My plan was to force myself to sleep. Ang kalimutan na ang ginawa ni Chuck pero nasira ang planong iyon ng hablutin ni Chuck ang braso ko. Bago pa ako makareklamo ay naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Libo-libong sensasyon ang naramdaman ko ng naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na pakiramdam ko ay lalabas na ito sa dibdib ko. Kusang tumulo ang luha ko bago ko siya buong lakas na itinulak at sinampal.

"Tangina mo!", sigaw ko at dinuro siya. Pagod at walang emosyon lang siyang nakatingin sa'kin.

"Ano'ng gusto mo? You already have a girlfriend!", I sound bitter pero wala na akong kontrol sa lumalabas sa bibig ko.

"Kung plano mo ang lokohin ang girlfriend mo, wag ako ang gamitin mo!", huwag ako dahil tangina hindi ko na alam kung anong gagawin ko!

"I don't have a girlfriend!", this time ay siya ang sumigaw. Hindi ako nagpatinag. I don't believe him! Ilang beses namin sila noon nakita na nagdedate ni Jasmin tapos ay sasabihin niya na wala siyang girlfriend?

"You can fool everyone pero hindi ako.", saad ko. Nagulat ako ng imbis na tumiklop siya sa sinabi ko ay nakita ko ang pilit niyang ngiti.

"Then tell me, ano bang nakikita mo ngayon na nararamdaman ko?"

Mas lalong nagwala ang isip ko. Hindi ko alam! Gulong-gulo na ako at hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. I want to say something pero ayaw noon lumabas sa bibig ko. Instead...

"Closure.", iyon ang kusang lumabas sa bibig ko.

I don't know why I said that pero sa tingin ko ay iyon talaga ang kulang sa'min kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on sa aming dalawa at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang galit ni Chuck sa'kin. Feeling ko ay iyon ang isang bagay na nagkukulong sa'min sa relasyon namin noon. Dahil naghiwalay kami ng walang maayos na Closure.

"Closure?", narinig kong inulit ni Chuck.

Hindi ako nagsalita. Alam ko ngayon na sa puntong ito at papaulanan niya na ako ng maiinit na salita at mga panunumbat. At hindi ako nagkamali dahil ng nagsalita siya ulit ay sunod-sunod na parang sinaksak ang puso ko ng dahil sa mga sinasabi niya.

"Our plan before was too clear. Alam mo 'yon. Susunod ka sa'kin noon, iyon ang usapan. Pero ano? Sa iba ko pa nabalitaan ang lahat?", aniya sa malamig na boses.

"Tinanong kita ng ilang beses. Ang daming pagkakataon na pupwede mong sabihin ang totoo. Pero nagsinungaling ka, Aiza. You choose to lie to me!"

"Dahil alam ko na magagalit ka-"

"Magagalit ako pero maiintindihan ko! Magagalit ako pero pipilitin pa rin kitang intindihin. Alam mo 'yun? Kahit na naiba ang planong napag-usapan natin, iintindihin ko pa rin ang mga rason mo!"

Natahimik ako. Naaalala ko noon ng nagalit siya ng nalaman ang totoo. I told him that I did that because I want to be with my mother pero pinapili niya ako. Kakaibang galit ang umusbong sa sistema ko ng naalala ko iyon.

"You asked me to choose.. Ikaw o si Mommy-"

"Hindi kita pinapili, Aiza. I never told you to choose. Kahit kelan, hindi kita pinapili. Ikaw ang nag-conclude niyan! I was mad, yes. Pero I never asked you to choose between me and your mother. I would never ask you that kind of thing!", puno ng hinanakit na sinabi niya.

Nanatili akong tahimik. Walang tigil ang pag-agos ng luha ko. Maybe, he's right. I was to blame for everything. It was all my fault.

"And then you left me. Without even hearing a word. Hindi mo manlang inisip iyong mararamdaman ko. Ang bilis-bilis mong magdesisyon sa lahat.", aniya. "Relasyon natin, Aiza. Satin iyong dalawa pero you decided everything on yourself. Ni hindi mo manlang ako inisip. Ni hindi mo manlang ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag!"

"You're with your first love! Hindi mo iyon sinabi sa'kin! Sa tingin mo, anong naramdamn ko ng nakita ko ang picture niyo ng magkatawanan habang may problema tayong dalawa?"

"Wala kang tiwala sa'kin..", pagdedeklara niya.

"Wala ka talagang tiwala sa'kin ano?", pag-uulit niya. Nag-iwas ako ng tingin.

Hindi na muli akong kumibo. Gusto kong sabihin na hindi ganoon iyon - pero pakiramdam ko totoo ang sinasabi niya.

Tanggap ko naman na kapag binato niya ako ng panunumbat ay ganito ang mangyayari, hindi ko lang talaga inakala na magiging ganito iyon kasakit.

Natuyo na ang mga luha ko. Nakatulala na lang ako ngayon habang nakaupo sa gilid ng kama. Si Chuck ay naka-upo roon sa sahig at nakasandal sa pader. Parehas kami na mukhang hinang-hina ng dahil sa kakatapos lang namin na usapan.

"Can I ask you something?", mahinang saad niya at tumingin sa'kin.

"Ano 'yun?", tumango ako.

"Did you regret anything?", aniya. "Did you regret that at some point in your life, you gave me a chance, that you loved me?"

Muli ay nag-init na naman ang mata ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya kasabay ang paglandas ng mga luha ko.

Tanging pag-iling nalang ang nagawa ko. I don't regret anything. Kung may pinagsisisihan man ako ay iyon iyong mga desisyong nagawa ko noon. Ang kawalan ng pagtitiwala sa kanya. Iyon lang.

"Can I ask you again something?", saad niya ulit. Katulad kanina ay tango lang ang isinagot ko.

"Can we be friends, again?"

Gumuho ang mundo ko at pakiramdam ko ay sobrang sakit ng nararamdaman ko. Wala na yatang mas isasakit pa kapag narinig mo na iyong taong mahal na mahal mo ay pagkakaibigan lang ang hinihingi mula sa'yo.

Pero I'm desperate. Pakiramdam ko ay kahit na anong hingin niya mula sa'kin ay ibibigay ko. Kung pagkakaibigan lang ang hinihingi niya - kayang-kaya ko iyong ibigay.

Kayang-kaya kong ibigay ang kahit na ano para sa kanya.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon