Chapter 31

1.9K 42 0
                                    

Chapter 31: Change

Mabilis na naawat nila Kevin si Chuck sa pambubugbog nito sa kay Ron. Dahil lang doon kaya natigil si Chuck. Sakto naman na noong naawat na sila saka dumating iyong mga bouncer. Agad nilang dinampot si Ron na medyo bugbog ang mukha at si Chuck na halos wala manlang ni isang galos.

"Saan niyo ko dadalhin?", litanya ni Chuck. "It's not my fault! Damnit!"

Hindi siya pinakinggan noong bouncer at tinangay na siya paalis. Naiwan naman ako sa kinatatayuan ko na tulala pa rin. Bumalik lang ako sa sarili ko noong naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko. 

"Ayos ka lang?", it's Lucas. Tumango ako. 

"Where are they taking him?", tanong ko.

Nakita ko na nagkibit-balikat si Lucas. "They'll settle the fight. Mag-uusap lang sila."

Hindi na muli ako nagsalita. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. It's my fault kung bakit nakipag-away si Chuck kaya kailangan ako ang makipag-ayos doon kay Ron. Baka mamaya ay dahil sa pambubugbog ni Chuck ay makasuhan pa siya. I won't let that happen.

"Aiza! Where are you going!", sigaw ni Lucas nang mabilis akong umalis sa harap niya. "Aiza!"

Hindi ko na siya pinansin. Kailangan ko na makita si Chuck at hindi naman ako nabigo doon dahil mabilis ko siyang nakita noong lumabas ako ng bar. Like what Lucas said, nag-uusap nga sila kasama iyong mga bouncer.

"Sir, kailangan niyo pong bayaran ang damage. Pati na rin ang panununtok niyo.", narinig ko na saad noong isang bouncer. Hanggang ngayon ay naroon pa rin si Ron, pero hindi tulad kanina ay mas maayos na ang itsura nito ngayon.

Lumapit ako sa kanila para makisali sa usapan at sabihin na kasalanan ko ang lahat. Pero dahil nakatalikod sa direksyon ko si Chuck ay si Ron ang unang nakapansin sa'kin.

"Oh, look who came here.", aniya at ngumisi. Nakita ko ang paglingon ni Chuck sa'kin. Nang magtama ang mata namin ay kitang-kita ko ang biglaang pagka-inis niya. 

"You aren't supposed to be here.", mariing saad niya. 

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. I faced the bouncers and explained my side. Sinabi ko na ako ang dahilan ng gulo dahil iyon sa pakikipagsayaw ko kay Ron at dahil sa kalasingan ko. Mabuti naman dahil naintindihan nila iyon pero dahil si Chuck pa rin ang naunang nanuntok ay may pananagutan pa rin siya.

He settled an amount para sa ginawa niya kay Ron at pati na rin sa mga nadamage niya sa loob ng bar. After noon ay natapos na rin ang gulo. Mabuti nalang dahil mabilis at maayos na nakipag-usap si Ron kahit na bakas pa rin sa mukha nito ang medyo maraming pasa nang dahil sa kagagawan ni Chuck.

Nang nakaalis na iyong mga bouncers ay saka ko naman hinarap si Chuck. He's not looking at me.

"Why the hell did you do that?", tanong ko. This time ay lumingon na siya sa'kin.

Kumunot ang noo niya at, "What the fuck do you mean na bakit ko ginawa 'yon?"

"Bakit mo sinuntok si Ron!", mariing saad ko. Nagagalit na ako pero sa kanya ay parang wala lang.

"Because I like to do so?", aniya. "Why in the first place are you letting him touch you? Huh? Ganyan ka na ba talaga?"

Napatunganga ako ng dahil sa sinabi niya. Saglit akong natigil sa kinatatayuan ko. I just stared at him blankly. I spent almost five years with him pero ngayon ay parang hindi ko na siya kilala. It's like the Chuck standing in front of me is completely a different person.

"Hindi mo manlang ba naisip na pwede ka niyang kasuhan sa ginawa mo-"

"Then idemanda niya ako kung gusto niya! The hell I care? I can get a good attorney at siya pa ang ipapakulong ko!", he shouted.

Napapikit ako at hindi na nagsalita. I don't know this guy anymore. Dati ay alam ko na ang pagiging gago niya pero hindi ko inaasahan na mas lalala iyon.

"And you, drinking and dancing with a stranger in a bar?", he said. "Is that what you learned in Paris? Iyan ba ang natutunan mo sa step-brother mo?"

Agad ko siyang tinignan ng masama ng dahil sa sinabi niya. "Don't you ever mention Symon's name here! Wala siyang kasalanan dito!"

Ngumisi siya. "Really? Iba kasi ang nakikita ko."

I'm suddenly out of words. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko na depensahan ang sarili ko pero hindi ko magawa iyon. Siguro nga malaki ang ipinagbago ko. Siguro hindi ko talaga iyon napapansin pero ang mga tao sa paligid ko ay napapansin iyon.

I shut my mouth. I wanted to tell him that I changed because of him pero ayoko na ipakita sa kanya na ganito ang pagbabagong idinulot nya sa'kin.

Yes it's true. Change is the only constant thing in this world. People change. Situations change. And sadly, that's what also happened to us.. We did too.

Umalis ako ng bar ng gabing iyon matapos ang sagutan namin ni Chuck. I don't expect na susundan niya ako. Hindi na dapat ganoon.

Dumating ako sa bahay na madilim na. I suddenly feel so alone again... Reality hit me again. Ganito na talaga kami ni Chuck ngayon.

Akala ko hindi ko na iiyakan ito. Akala ko naubos na ang luha ko. Pero hindi pa rin pala.

I found myself crying. Sobrang sakit pa rin kasi. Ang makita siya ulit ay nagdulot na naman sa'kin ng sakit. Nananadya nga siguro ang tadhana na pagtagpuin pa kami. Ito na siguro ang karma ko nang dahil sa mga nagawa kong kasalanan noon. Nang dahil sa mga pagsisinungaling ko noon kay Chuck.

"Aiza?"

Agad kong pinunasan ang mukha ko at lumingon sa may pintuan. Agad kong nakitang nakatayo si Symon doon. Nang makita niya ako ay mabilis niyang sinarado ang pinto at mabilis na dumiretso sa pwesto ko.

"Andrew called. Ayos ka lang-"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Mabilis ko siyang niyakap at saka umiyak sa dibdib niya.

"A-Aiza."

Hindi ako kumibo. Maya-maya lang ay naramdaman ko nalang ang paghaplos nya sa likuran ko. Mas lalo akong naiyak dahil doon.

Noong nasa Paris kami ay miminsan akong umiyak ng dahil sa parehong rason kung bakit ako umiiyak ngayon. He was there, Symon was there para i-comfort ako. I hate crying in front of people pero parang sa kanya ayos lang na umiyak ako.

"Sige lang. Iiyak mo lang.", narinig ko na bulong niya.

He never made me feel pathetic or weak. He would always tell me that crying is not a sign of weakness, instead he would tell me na people really cries lalo na kapag sobrang nasasaktan na sila. That it is okay to cry pero pagkatapos noon ay tama na. After crying ay dapat bumangon na at mag-move on na.

"A-Ang sakit-sakit pa rin.. Symon.", umiiyak na saad ko at mas lalo pang naiyak.

Paulit-ulit kong naaalala ang mga tingin ni Chuck sa'kin. Habang mas naaalala ko iyon ay mas narerealize ko na ako nalang iyong humahawak sa posibilidad na meron pa. Na kahit na ako iyong unang umayaw ay ako naman iyong hanggang ngayon ay kumakapit pa.

"Shh. I'm here, Aizelle.."

Pumikit ako at tumango. Naramdaman ko na mas humigpit ang pagyakap ni Symon sa'kin.

This is the last time, pagkatapos nito, tama na.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon