Chapter 10

2K 50 0
                                    


Chapter 10: Promise


Sinulit namin ni Chuck ang mga sumunod na araw na natitira. Palagi siyang nandito sa bahay o di kaya ay palagi akong sinusundo sa trabaho para sabay kaming kumain at tumambay saglit. And as for me, I'm trying my best to look happy kapag magkasama kami kahit na ang totoo ay nalulungkot ako sa tuwing maaalala ko na ilang araw na lang ay aalis na siya.

Nalaman ko na one year ang contract na pinirmahan niya doon. Mas lalo akong nalungkot ng malaman iyon. One year? Kaya ko ba yun?

"Can I ask a favor, babe?", aniya at naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa'kin. Nandito kami sa kwarto ko at kakatapos lang namin na manood ng movie.

"Hmm. Ano yon?", tanong ko at sumiksik na din sa kanya.

God, I'll surely miss this. Kaya nga kahit na anong lambing ang gawin niya ay hindi ako nagrereklamo.

"Can you spend Christmas with me?", aniya. Agad akong napangiti sa request niya.

"Paano naman?"

Mas humigpit ang yakap niya sa'kin at naramdaman ko ang paghalik niya sa may ulo ko. Hindi ko mapigilan ang pangungulila ko sa kanya kahit na nandito pa naman siya. Ilang araw nalang at aalis na siya.

"Punta ka Singapore.", aniya. "I'll buy you a ticket.", dagdag pa niya.

Hindi ako kaagad nakasagot sa sinabi niya. Is he serious?

"Pwede ding dun ka na mag-work. Pwede kitang hanapan ng trabaho doon. Para magkasama tayo.", saad pa niya sa isang seryosong tono.

I wasn't sure. I don't know kung ano ang isasagot ko. Pwede nga kaya iyon? If mag-resign ako sa trabaho ko at pumunta doon ay pwede nga kaya?

"Please?", pangungumbinsi niya at hinarap na ako. Kitang-kita ko ang mapungay niyang mata habang tinititigan ang mukha ko na para bang kinakabisado ang lahat ng detalye sa mukha ko.

"Hindi ko alam kung kaya ko tumagal ng isang taon dun. Please?"

I don't know kung tama ba ang desisyon ko at tama ba na gawin ko ang gusto niya pero nang makita ko ang bigong itsura niya ay nakita ko nalang ang sarili ko na tumatango. Kinagat ko ang labi ko ng maramdaman ko ang pagbalot niyang muli sa'kin ng yakap.

I'm willing to do that for him. Alam ko na umpisa pa lang ay hindi niya na talaga gusto na magpunta sa ibang bansa. Pero dahil sa pamimilit ko at sa takot niya na magkagalit kami ay sinunod niya ang gusto ko. The least I can do para sa kanya ay ang pagbigyan siya sa hiling niya. If he can sacrifice ay ganoon din ako. I can also sacrifice things for us to work.

Nang mga sumunod na araw ay palagi pa rin kaming magkasama ni Chuck. Nang sumapit ang sabado ay nasa bahay nila kami lahat na magkakaibigan para sa padespidida niya. Flight niya na kasi bukas ng hapon kaya ngayon idinaos ang despidida niya.

"Baka palitan ka ni Aiza, dude. Nako!", asar ni Kevin kay Chuck.

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila. Ngumingiti lang ako sa mga pang-aasar nila kay Chuck na alam ko naman na hindi niya masyadong sineseryoso.

"We already have plans, Kevin. Shut up!", aniya at nakangisi akong nilingon.

Tinitigan ko siya at hindi ko maiwasan na mas malungkot. Isang araw nalang ay aalis na siya. Parang may kung anong tumutusok sa puso ko dahil aaminin ko, parang ayoko na talaga siyang umalis. Habang tumatagal mas lalo kong narerealize na dapat simula pa lang ay hindi ko na siya pinilit dito. Pero mali ba na pilitin ko siya sa isang bagay na alam ko na makakabuti para sa kanya?

"CR lang ako.", paalam ko kay Chuck nang maramdaman ko na hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Naiiyak ako at ayoko na makita niya iyon dahil baka mag-back out siya sa nakaplano na niyang trabaho doon.

Mabilis ang lakad ko nang pumasok ako sa bahay nilang walang tao kung hindi iyong isang katulong. Lahat ng bisita ay nasa garden at doon nagkakasiyahan.

Tinungo ko ang banyo nila sa first floor at bago pa ako makapasok ng tuluyan doon ay naramdaman ko na agad na mayroong humila sa braso ko at nang maharap ako sa kanya ay nakita ko na si Chuck iyon.

Seryoso ang tingin niya sa'kin. Hindi naman ako makatingin ng diretso.

"Are you okay?", as soon as maitanong niya iyon ay parang ulan na bigla nalang bumagsak ang luha ko. Napahawak ako sa mukha ko para takpan iyon.

Damn! Not in front of him, Aiza! Umayos ka!

"B-Babe!", aniya at naramdaman ko kaagad ang pagbalot niya sa'kin ng yakap. Marahan niyang hinimas iyong likod ko at agad kong narinig ang pagpapatahan niya sa'kin.

"What's wrong, babe?", aniya sa malambing na boses.

Mas lalo akong naiyak ng dahil sa tono ng boses niya. Tangina! Sobrang mamimiss ko siya at nagsisisi talaga ako na pinilit ko pa siya dito!

"Tangina, miss na miss na kita agad kahit nandito ka pa.", agad na nabasag ang boses ko at napahikbi na ako ng tuluyan.

"Sana pala hindi kita pinilit na tanggapin iyong trabaho na 'yan.", sabi ko. "Alam ko naman na ayaw mo, pero kasi.. kasi alam ko na makakabuti 'to sa'yo.", saad ko at mas lalong naiyak.

Narinig ko ang munting tawa niya dahil sa mga sinabi ko. Sa irita ko ay agad ko siyang naitulak. Pinunasan ko ang luha ko at nag-iwas ng tingin.

"Wag ka ngang tumawa! Hindi nakakatawa.", singhal ko sa kanya.

"Come here.", aniya. Kinagat ko ang labi ko at kahit naiirita ako sa pagtawa niya sa'kin ay sinunod ko ang sinabi niya. Muli akong lumapit sa kanya at agad niya akong niyakap.

"I'm doing this for our future.", bulong niya. "Mahal na mahal kita."

Mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya. Damn! Kung alam niya lang ay mahal na mahal ko din siya.

Humiwalay siya sa yakap at marahan akong tinitigan. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at bago pa ako makapagsalita ulit ay marahan niya na akong hinalikan. Hindi na ako nagpumiglas at pumikit nalang at dinama ang mga halik niya.

I love him more than I'm capable of loving someone. He's my first boyfriend.. Lahat.. He's my first sa lahat ng bagay at hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya..

Bumaba ang halik niya sa pisngi ko bago ko naramdaman ang paghiwalay niya sa'kin. Dinikit niya ang noo niya sa noo ko at pumikit.

"Promise me you'll come after me.. Susunod ka.. You'll spend the Christmas there with me..", bulong niya. "Promise me.. Please.."

Marahan akong tumango. "I promise.", saad ko bago niya ako muling siniil ng halik. Malalim at punong-puno ng pag-iingat at pagmamahal. Nagtagal din iyon ng ilang saglit bago siya tuluyan na tumigil.

"I love you.", bulong niya ng humiwalay at naramdaman ko kaagad ang mahigpit niyang pagyakap sa'kin.

"I love you, Chuck.", saad ko at ginantihan na rin ng mas mahigpit ang yakap niya.





One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon